Sadness
Kailangan ko ng lumayo. Simpleng pagtingin niya lang ay namumuo na ang mga paru-paru sa aking sikmura. Simpleng paglapat lang ng kaniyang balat ay nag-aalburuto na ang aking kaloob-looban. Just hearing his simple yet enchanting words makes my heart beats fast. His impact is getting stronger and I'm afraid that it will grow more.
Pumasok ako sa pinagtratrabahuhan ko pagkatapos ng klase. At ipinag-
papasalamat ko dahil wala dito 'yong anak ng Mayor. Mabuti na rin 'to para hindi ko muna makita si Rale. Dahil alam ko ito lang ang lugar na hindi ko siya makikita.Pero nagkamali ako...
I am serving a customer in front of me when my eyes caught someone that I didn't expect to see here. Nagulat ako sa kadahilanang alam niya ang pinagtatrabahuhan ko. Pero masyado naman ata akong assuming. Malay ko naman na napadaan lang siya dito, 'di ba?
Nakade-kwatro siya habang nakahalukipkip ang kaniyang isang braso at pinaglalaruan naman ng kaniyang kabilang daliri ang kaniyang labi. Napahinga ako ng malalim dahil ang inaasahan kong oras na maiiwasan siya ay dumagdag pa sa mga oras na makikita ko siya.
Ano ba kasing ginagawa niya dito?
Bawat galaw ko, pinapanood niya. Bawat kilos ko, ramdam ko ang titig niya. And I can't seem to focus on my work. Kainis!
Hays! Dapat ko siyang alisin sa aking atensyon.
Itinuloy ko ang pagkuha ng mga order ng mga customers upang hindi siya pakiramdaman pero nagulat na lang ako nang biglang siya na ang aking nasa harapan.
"Can I take your order, Sir?" Matapang kong tanong. Kailangan kong ipakita sa lalaking 'to na wala siyang anumang dulot sa 'kin. Na kagaya lang siya ng mga lalaking nagtatangkang pumasok sa aking mundo.
"One iced-chocolate drink, please." Sagot niya na para bang hindi niya ko kilala but his eyes are just looking at me like I'm their favorite thing to look at. 'Yong bang parang hindi siya nagsasawang tignan ako pero heto ako't inilalagay niya sa isang naiintimidang kalagayan. His stares are unbearable.
Bumalik siya sa kaniyang kinauupuan pagkatapos kong ibigay ang kaniyang inorder. And again, his eyes are on me. Mariin niyang pinapanood ulit ang bawat kilos ko na parang ito ang kaniyang paboritong gawin, his hobby.
Hanggang kailan ba siya tititig?
Natapos ang shift ko at tinanggal ko na ang uniform na suot ko. I wore back my jumper short and a black tank top inside of it plus my white sneakers. Plano kong bisitahin ang puntod ng mga magulang ko ngayon dahil it's their death anniversary.
Lumabas ako ng staff room at dumaan sa gitna ng mga customers namin na nakaupo sa bawat table. Pero habang isinusuot ko ang turban sa aking ulo ay agad humarang sa aking daraanan si Rale making him block my whole sight.
"Where are you going?" He asked.
Hindi ko siya pinansin at sinubukan kong dumaan sa may gilid nito pero bawat pagtangka kong tumakas ay lagi niyang tinatakpan ang daan ko. Damn it! He's annoying me for the nth time.
"Ano ba!" Napalakas ang boses ko.
"Answer me first." Mahinahon niyang sabi.
"You don't have to know so can you please, get out of my way."
Pero ang walang hiyang lalaking 'to ay hindi man lang nagawang gumalaw sa kaniyang kinatatayuan at pilit pa rin akong sinusubukan.

BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...