Cullen
"Cullen?" Gulat na gulat kong bigkas. Hindi ko 'to inaasahan. Hindi ko inaasahan ang mangyayari. Hindi ko inaasahan ang taong bubungad sa 'king may pakana nito.
"Surprised!" Sarcastic nitong sabi habang nakangisi. "Nagulat ka ba?"
Hindi ko magawang makapagsalita. Naghalo-halo na lahat ng nararamdaman ko. Maybe, I was dissapointed to myself. Para sa 'kin kaibigan ko siya, pero nagkukubli pala siya sa isang katauhang inakala ko.
"Pwede mo bang sabihin sa 'kin kung anong nangyayari? I can't seem to understand everything. Bakit? Bakit mo 'to ginagawa?" Nanghihina kong bigkas habang diretsong nakatingin sa kaniya.
"Ganito lang naman kadali 'yan. I am not a friend. Naging kaibigan mo ko dahil may kailangan akong patayin. I didn't even thought na ganoon ka kadaling mapaniwala." Sagot niya na ikinainis ko. "Maybe, I got the right timing. Kung kailan napalambot na ni Rale 'yang puso mo, tsaka ako lumapit sa 'yo. Now, my plan is greatly working." Bigkas niya sabay senyas sa driver na umalis na.
"So, kinaibigan mo ko dahil may gusto kang patayin? Now tell me, why are you doing this?" Tanong ko sa kaniya.
"Pwede bang patahamikin niyo 'yang babaeng 'yan. Itali niyo na rin ang kaniyang mga kamay." Utos niya habang hindi pinapansin ang aking tanong.
So, all I did was to look at him with full of anger. Parang wala lang sa kaniya ang lahat. I fell for his pagpapanggap and that's making me upset. Bakit kailangan niya pa kong kaibiganin? Sino ba ang gusto niyang patayin at bakit ako ang pain niya?
Nakarating kami sa isang lugar na tago at punong-puno ng mga puno. Sobrang nakakatakot ang lugar dahil lahat ng mga gamit at plano nila ay nandoon. Isa siyang kuta at hindi ko inaasahan na ganitong tao ang naging kaibigan ko. Kahit ayokong iparamdam, sobra akong nanghihina sa takot dahil sa mga nakikita ko, sa mga nakapaligid sa 'kin, sa mga taong nakikita ko.
What the hell is this place?
"Ikulong niyo na 'yan." Utos ni Cullen sa mga taong nakahawak sa 'kin. Pero bago ako tuluyang dalhin sa pagkukulangan sa 'kin ay lumapit siya at bumulong. "Humanda ka mamaya. May kailangan kang gawin." Bulong niya na naging dahilan ng pagtaasan ng aking mga balahibo.
At tuluyan na nga akong ikinulong sa isang kwartong ilaw lang ang tanging bumubuhay nito. Umupo ako at hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Napayakap na lang ako sa aking mga tuhod.
"Daddy..." He's all I can think about right now. Gusto ko na lang umuwi at magpahinga.
Lumipas ang ilang minuto at dumating si Cullen na may dalang camera kasama pa ang dalawa sa kaniyang mga tauhan. Lumapit siya sa 'kin at tinanggal ang tape na nakatakip sa aking bibig.
"Ang ganda naman ng alas ko kahit kailan. Alam mo ba kung bakit ikaw ang puntirya ko? Because you are the weakest point of my three targets. Felix Legazpi, Alejandro Finn, and especially Rale Luther Finn. Sabay-sabay ko silang pababagsakin gamit ang nag-iisang alas, Mizzy Rain Iqo ay Legazpi ka na pala ngayon. Hindi ka pwedeng maging Iqo, baka hindi kita mapatay. Sayang naman lahat ng plano ko." At sa lahat ng mga sinabi niya. Nakuha ko na ang sagot na hinahanap ko. Pinaghihigantian niya si Daddy Luis. Pero kaano-ano ba niya si tatay?
"Simple lang ang gagawin mo. You just need to call the help of the three. Kailangan mong umiyak para mas lalong mahulog sa bitag ko ang tatlong gago. Ayusin mo. Hindi ako ang kilala mong Cullen." Utos niya habang hawak-hawak ang pisngi ko upang iharap ang ulo ko sa kaniya.
Pero imbes na may sabihin ay tumitig lang sa camera ang aking nagawa. I can't say anything nor do anything. Sobrang takot lang ang naghahari sa 'kin.
Napasigaw ako nang bigla niya kong iharap sa kaniya gamit ang paghawak sa aking pisngi. "Hindi ka ba marunong makinig? Ang simple lang ng pinapagawa ko sa 'yo. Kung ang Cullen na nakilala mo ay sobra ang pasensya sa 'yo, iba ang totoong ako. Kaya huwag na huwag mong uubusin ang pasensya ko dahil baka hindi ako makapagtimpi, Rain. Huwag mo kong subukan." Galit na galit niyang bigkas habang nanlilisik ang kaniyang mga mata.
Pinilit kong magsalita pero walang lumalabas na boses mula sa aking bibig. My knees are trembling, my hands are shaking, and I am lost because the fear inside of me is too much for me to bear. Parang kahit anong oras ay pwedeng bumagsak ang aking katawan.
"Itaas ang mga kamay!" Nabuhayan ako ng loob dahil sa narinig ko. It was the police. Sunod-sunod silang pumasok habang nakatutok ang kanilang mga baril sa grupo nila Cullen. Kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata na para bang hindi niya inaasahan ang nangyayari.
Huminga ako ng malalim pero nagulat ako ng bigla niya kong tutukan ng patalim sa leeg.
"Sige! Papatayin ko 'to kapag lumapit kayo." Dahan-dahan niya kong itinayo habang nakakulong pa rin ang aking leeg sa kaniyang bisig.
"Anak!" Nakuha ang atensyon naming lahat ni Daddy nang bigla siyang sumigaw. "Parang awa mo na. Bitawan mo ang anak ko." Nagmamakaawa niyang sabi kay Cullen.
Nagulat ako ng sunod-sunod na nagsidatingan sina Rale, Nyle, at Tito Alejandro.
"Ang galing naman. Nandito na lahat ng kailangan ko. Nagsama-sama na kayo." Sarcastic na bigkas ni Cullen habang nakangisi.
"Bitawan mo siya, Cullen! Hindi siya ang puntirya mo, 'di ba? Nandito na kami. Kami naman ang kailangan mo, 'di ba. Huwag mo siyang idamay dito." Bigkas ni Rale.
Nagulat ako ng tumawa siya ng malakas. "Eh, kung hindi niyo lang naman pinatay 'yung tatay ko, hindi naman magkakagulo ng ganito eh." At sa mga binigkas niya. Kapatid ko nga siya. Kahit hindi sa dugo. Tinuring ko pa ring tatay si Daddy Luis.
"Please, Cullen. Kung nabubuhay man si Daddy, hindi ka niya hahayaang mabuhay sa paghihiganti. Dahil walang magulang ang nanaising mabuhay sa galit ang kaniyang anak. He would want you to live your life with happiness." Hindi ko alam na sa kabila ng sobrang takot ko ay mabibigkas ko pa ang mga salitang ito sa kaniya. "Palayain mo ang puso mo mula sa galit. Wala namang maidudulot na maganda ang paninisi eh. Sigurado ako, our dad is watching. At alam mo sa nakikita niya ngayon, alam ko hindi siya masaya. Alam mo ba kung bakit nagawa kong patawarin si Tito Alejandro? Kasi mahal ko si Mama at si Daddy." And from all those words, I found myself slowly tearing up. Gusto kong sabihin sa kaniya ang mga salitang ito dahil alam ko, walang siyang magulang na gagabay sa kaniya.
Nahuli ko ang kaniyang mga luha. "Sana nakilala na lang kita noon. E 'di sana naayos ko pa ang buhay ko. Pero huli na eh. Patawad, Rain." Bigkas niya at nagulat kaming lahat ng isaksak niya ang hawak niyang patalim sa kaniyang sarili.
Agad ko siyang dinaluhan. "Cullen! Cullen..." Pag-iyak ko habang yakap-yakap ko ang kaniyang katawan.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking pisngi habang lumuluha pa rin ang kaniyang mga mata.
"Y-your... h-heart... i-is b-beautiful. S-sana... t-tuluyan... ka ng m-maging... m-masaya. B-because... you d-deserve it." At tuluyan na nga siyang nawala.
"I wish my heart was strong back then para nagawa kong sabihin sa 'yo lahat. I'm sorry, I am late, Cullen..."
BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...