The Most Heartbreaking Memory
Hawak-hawak ko ang kaniyang kamay habang naglalakad kami patungo sa dalampasigan. Inaalalayan ko siya dahil ito ang gusto niya.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Kahit ilang beses kong ipasok sa utak ko, hindi magawang maniwala ng puso ko. Bakit? Bakit ganito? Bakit paulit-ulit ang nangyayari sa 'kin?
"Matagal na naming alam na may taning na ang buhay niya, Rain. Pasensya ka na at hindi namin sinabi sa 'yo. Pinakiusapan kami ni Rale na huwag sabihin sa 'yo dahil gusto ka niyang makasama sa mga natitirang araw niya dito sa mundo." Bigkas ni Cole habang umiiyak ako sa tabi ng nakahigang si Rale. Nandito silang lahat at sinasabi sa 'kin kung anong nangyayari.
"Bumalik ang alaala niya pero hindi naging maayos ang lagay ng ulo niya. Mas lalo lang ito lumala. At doon namin nalaman na may ilang buwan na lang siyang natitira." Dagdag pa ni Pryx.
Isa-isa kong pinapasok sa utak lahat ng sinasabi nila pero wala akong magawa kung hindi umiyak dahil sa mga nalalaman ko. Kakatapos pa lang ng kasal namin tapos ganito. Bakit?
"Isa ito sa mga dahilan kung bakit ka niya iniwan noon at sinabing pakakasalan niya si Canna. Nakapagdesisyon siya noon na kailangan ka niyang kalimutan at iwan dahil ayaw ka niyang masaktan sa huli. Kasi alam niya kung gaano kalungkot ang puso mo at ayaw niya iyong dagdagan." Sunod na nagsalita naman si Tyrus.
"Rale! Bumangon ka naman jan oh. Hindi ka naman mamatay, 'di ba? Hindi mo naman ako iiwan, 'di ba? Sabi mo sa 'kin, you will always love me. Sabi mo sa 'kin, gusto mong makitang tuluyan maging masaya itong puso ko. Sabi mo sa 'kin, hahawakan mo kamay ko habang-buhay. Sabi mo sa 'kin, sasamahan mo ko. Rale, naman oh. Gumising ka naman." Pag-iyak ko habang nakayuko sa kaniyang tabi at hawak-hawak ang kaniyang kamay.
"Mahal ka ng anak ko. At alam mo ba kung bakit nagbago ang isip niya at nagawa niyang bumalik ulit sa 'yo? Kasi gusto niyang punuin ang kaniyang mga alaala ng iyong mga matang tumatawa. Kahit sandali lang. Kahit panandalian lang. Kahit alam niyang may katapusan. Gusto niyang baunin sa kaniyang puso na may isang babae siyang minahal ng walang pagsisisi at pag-aalinlangan. Gusto niyang maging matapang ka at matutunan na may mga bagay sa mundo na hindi mananatili sa tabi mo habang-buhay pero magbibigay sa 'yo ng magagandang alaala na mananatili d'yan sa puso mo habang-buhay. At ang mga alaalang 'yun ay hindi dapat sinasayang dahil lang takot kang maiwan." Bigkas ng kaniyang Daddy upang mapatahan ako.
Nagkaroon ng malay si Rale pagkatapos ng araw na 'yun at nalaman ko sa kaniyang doktor na isang araw na lang ang natitira para sa kaniya dahil malala na ang kaniyang kalagayan.
Dahan-dahan kaming umupo habang pinapanood ang papalubog na araw. Sabi niya sa 'kin, gusto niya raw ako makasama sa natitirang araw niya dito sa dagat ng Elysian habang pinapanood ang pagsasama ng tubig at ng araw.
I looked at the sunset while my tears can't stop on falling from my eyes making my sight blurry.
Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko ipapakita kay Rale na iiyak ako ngayon pero hindi ko mapigilan. Sobrang sakit.
Bakit? Bakit ganito? Bakit lahat na lang ng minamahal ko iiwan ako?
He cupped my cheeks and gave me shallow kisses while my tears still can't stop falling. Tuluyan na kong nanghina dahil sa sobrang pag-iyak, sobrang sakit.
"Rale, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya." Pag-iyak ko sa kaniya habang umiiling ako.
"Hush. Listen to me. I want you to listen to me, Rain." Nanghihina niyang bigkas habang hawak-hawak pa rin ang aking mga pisngi at magkalapit pa rin ang aming mga mukha.
Hindi ko talaga matanggap. Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na iiwan niya ko, hindi matanggap ng puso ko. Ayokong mawala siya. Ayokong bitawan ang mga kamay niya. Hindi ko kayang hindi na makita ang kaniyang mga mata. I can't. I really can't.
"You know what, I've always been fascinated with how we die. That we must live such short lives. Pero alam mo, kung ano ang pinaka-kinatatakutan ko? That I will die alone, without you by my side. I want you to be brave, Rain. Para sa magiging anak natin." At tuluyan na kong nanlambot dahil sa mga luhang lumandas sa kaniyang mga mata.
"Gusto ko turuan mo siya lahat ng natutunan mo sa buhay, sa mga pinagdaanan mo. I want you to share your heart with him o kung babae man magiging anak natin. I want you to live your life with full of memories. Memories that will live forever in your heart." Dagdag niya pa pero nagulat ako nang mabitawan niya ang aking mga pisngi at tuluyan na siyang bumagsak.
I put him on my lap.
Tuluyan ng nagsilabasan ang aking mga luha kasabay ng unti-unting pagpatak ng ulan.
Pinilit niyang binuksan ang kaniyang mga mata at inilapat ang kaniyang palad sa aking dibdib.
He smiled. "I want you to promise me. Never ever be a mizzling rain, again. Calm yet cold. I want you to be a rain in this world wrapped up with heat, cold yet relaxing. I love you and may this of heart of yours find its happiness."
"I promise." Sagot ko habang nanghihina pa rin.
At sa huling sandali, dahan-dahang pumikit ang pinakapaborito kong mga mata kasabay ng pagbaba ng kaniyang palad mula sa aking puso.
Niyakap ko siya at tuluyan na kong umiyak kasabay ng ulan.
"I love you, and I will always do, my Rale Luther Finn."
BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...