Thirty-Second Memory

12 1 0
                                    

Daddy

Kahit ayokong maniwala, kahit pilitan ko man ang sariling kong hindi totoo, kahit ilang beses ko pang sabihin sa sarili ko na panaginip lang lahat ng 'to, hinding-hindi ko kayang takbuhan ang katotohanan.

Bakit ang daddy pa ni Rale?

Pinaglalaruan ba talaga kami ng tadhana? Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? O sadyang sa ganito ako nakatadhana?

Pinili kong magpahinga pagkatapos ng lahat ng nalaman ko kay Lola. Wala na kong lakas para harapin ang katotohanan at ang pagtulog lang ang naiisip kong paraan para takbuhan saglit ang mga bagay na kumuha ng lakas ko hoping that maybe, tomorrow will be okay.

Kinabukasan ay pinili kong harapin si Mayor nang madatnan ko siya pagkagising ko.

Umupo ako sa tapat niya habang nakaukit ang ngiti sa kaniyang labi.

"Good morning, anak." Anak? Ngayon ko na lang ulit narinig ang salitang ito. And how I miss my grown-up parents.

"Good morning po." I smiled back kahit na hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kaniya.

"Pasensya ka na kagabi kung nabigla kita sa mga sinabi ko sa'yo. Gustong-gusto lang talaga kitang makita. As soon as nalaman kong anak kita, nagmadali akong pumunta dito. How are you?" Kita ko sa mga mata niya ang pag-iingat sa mga gusto niyang sabihin na parang kahit anong oras ay pwede akong tumakbo ulit.

"Ayos lang po ako. Pasensya na rin po kayo kung tinakbuhan ko po kayo kagabi. Sobra lang po talaga akong nagulat at naguluhan sa mga nalaman ko. Ang hirap lang po kasing harapin ng katotohanan kapag nasanay ka sa isang kasinungalingan. Pero napagdesisyunan ko na po lahat. You are my father, at hindi na po 'yun mababago." Bigkas ko kasabay ng paghawak ko sa kaniyang kamay upang pakalmahin siya dahil ramdam ko ang kaba niya.

"Pwede ba kitang mayakap?" Tanong niya. Tumayo ako bilang sagot at niyakap siya. Napaluha ako dahil ngayon ko na lang ulit naramdaman ang yakap ng isang magulang. And I wish, I would wake up everyday having this hug of him, my father.

"Patawarin mo ko kung ngayon lang ako tatayo bilang magulang mo. Hinarap mo ang mundo mag-isa at hindi ko hahayaang mangyari ulit 'yun. I would always be here for you." Bigkas niya sabay halik sa taas ng aking ulo.

"Daddy..." I uttered. Kasabay ng pagbigkas ko ang paggaan ng aking kalooban. The feeling of having something you're longing to have, again.

Isinama kami ni Daddy sa bahay nila dito sa Maynila. Bumaba ako sa sasakyan at agad akong sinalubong ng yakap ni Nyle. Ngayon ko na lang ulit siya nakita at sa bagong pagkakakilanlan.

Bumitaw siya at tsaka ako hinarap.

"Welcome, we meet again. Legazpi ka na rin, at hindi na isang babaeng pinapangarap ko gaya ng dati. How ironic!" Bigkas niya habang nakangiti.

Tama siya. Sobrang nakakatawang isipin na isa siyang manliligaw ko dati pero ngayon ay kapatid ko pala.

"Kuya?" Pareho kaming natawa sa binigkas ko pati na rin si Daddy.

"Tara, pasok muna tayo sa loob."

Hindi ko inaasahan ang mga bagay na nangyayari ngayon. For all these years, I thought that my life was full of loneliness. Na parang nabuhay na lang ako sa mundong ito para maging mag-isa. And I wouldn't thought na may mga taong darating para baguhin ang buhay mo. Mga taong magtuturo sa'yo. Mga taong babaguhin ang pananaw mo sa buhay. Mga taong mananatili, mga taong aalis. Mga taong babalik, mga taong magmamahal sa'yo. And when they came in your life, you just have to accept them and be grateful. Kasi kahit dumating sila at umalis, may mga bagay na mananatili sa 'tin and those things are exceptional. Kaya siguro maraming tao sa mundo. Para pawiin ang kalungkutang bumabalot sa bawat isa sa 'tin.

Agad kaming sinabihan ni Daddy na may pupuntahan raw kami. Sumakay ako sa may bandang likod ng van at tumabi sa 'kin si Nyle. Or should I say 'Kuya Nyle'?

"Are you ready?" Nagulat ako sa tanong niya dahil parang may ibang kahulugan ito.

Tinaasan ko siya ng kilay pero nagulat ako ng bigla niyang pitikin ang noo ko.

"Aray!" Pag-inda ko sa ginawa niya.

"Hm! I'm your kuya. Hindi mo dapat ako tinataasan ng kilay." Bigkas niya. "Tangina! Kinikilabutan pa rin ako. Ba't ba kita niligawan noon?" Pagbawi niya na ikinahalakhak ko.

"Niligawan mo siya noon?" Pagsama ni Lola sa usapan namin. Pareho kaming nahiya at gusto na lang ibahin ang usapan.

"Alis na po tayo. Tapos na po 'yun. Past is past." Mas lalo ko pang ikinahalakhak ang sagot niya.

"Buti na lang hindi mo siya sinagot, apo."

"Una pa lang po, wala na po siyang pag-asa sa 'kin." Mayabang kong sabi na ikinabusangot ng mukha ni Nyle.

Pero mas lalo akong nandiri sa naalala ko.

He was my first kiss! What the hell!

Nagkatinginan kaming dalawa at alam kong pareho kami ng naalala dahil sa tinginan namin. Agad kaming umiwas ng tingin at tinalikuran ang isa't isa.

"Don't you dare talk about it, Nyle! Alam ko pareho tayo ng naalala and god knows how I hate that memory." Bigkas ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Ba't kasi nangnanakaw siya ng halik?

"Totoo nga 'yung sabi nila. Nasa huli ang pagsisisi." Nagsisisi niyang sabi.

Napatingin ako kay Daddy at pati siya ay tumatawa.

"Dad!" Bigkas naming sabay ni Nyle.

"Fine, fine. I'll stop."

Nakarating kami sa isang bahay na kasing laki ng bahay ni Daddy. Pababa pa lang ako ng parking lot ay rinig na rinig ko na ang ingay ng musikang nanggagaling sa loob ng mansyon.

Nagulat ako ng tapikin ni Nyle ang balikat ko. "Prepare yourself." Makahulugan niyang bigkas sabay tuluyan ng dumiretso sa loob.

Hinawakan ko ang kamay ni Lola at ni Daddy. Sumabay ako sa kanilang pumasok sa loob.

"Daddy, kanino pong bahay 'to?" Tanong ko habang lumilibot kami sa loob para hanapin ang may-ari ng bahay.

"Ninong ni Nyle." Sagot niya na ikinagulat ko.

Huli na ng makita ko kung sino ang nasa harapan namin.

"Welcome, my dear kumpare." Bigkas ni Tito Alejandro sabay yakap kay Daddy. Tumingin ako kay Lola at pareho kaming gulat sa nangyayari.

"Ba't mo kami dinala dito, Felix?" Tumaas ang tono ni Lola at agad niya kaming tinalikuran.

"Lola! Lola! Lola!" Ilang beses kong pagtawag sa kaniya habang hinahabol siya pero nawala siya sa aking paningin nang may bumangga sa 'kin at nahulog ako sa may pool.

Tangina!

Agad kong iniahon ang aking ulo mula sa may tubig at tinignan kung sino ang nakabangga sa 'kin. Kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata nang makita niya ako.

"Rain? Hold my hand." Bigkas ni Tyrus nang makilala niya ko. Inabot ko ang kaniyang kamay at ramdam ko ang tingin ng mga tao.

Nang makaahon ako ay agad inabot ni Cole sa 'kin ang isang tuwalya.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Pryx.

Sasagot na sana ako ng biglang may tumulak sa 'kin at nahulog akong muli sa pool.

Tangina talaga!

Tumingin ako sa sadyang tumulak sa 'kin at mas lalong nainis ng malaman kung sino ito.

"Ano bang problema mo, Canna?" Galit na bigkas ni Tyrus.

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon