Nineteenth Memory

11 2 0
                                    

Alive

"Ofcourse. I am your girlfriend."

Pareho kaming nagulat ni Rale dahil sa sagot ng babae. At hindi ko pwedeng sabihing hindi totoo ang sinasabi niya dahil alam kong may dating buhay si Rale bago ako.

"What are you talking about? I don't even know you, sorry. Let's go, Rain." Sabi ni Rale sabay hablot sa aking kamay at tsaka kami naglakad palayo sa babae. Binalingan ko pa siya ng isang beses na tingin bago kami tuluyang makalayo sa kaniya. Nakatingin siya sa 'min gamit ang kaniyang malungkot na mata. Huling-huli ko pa kung paano nagsipatakan ang kaniyang mga luha.

And then it hits me. May dating buhay si Rale.

Tumigil ako sa paglalakad at agad rin siyang napahinto.

"Rale..." I uttered.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung dapat ba kong magsalita. I feel guilty. Guilty over something that I didn't even know if it's true. Alam kong may mali.

Hindi ako makatingin sa kaniya.

"Rale, alam natin na may amnesia ka. At... at baka lang naman na nagsasabi siya ng totoo. Na baka... siya yung girlfriend mo bago ka mawalan ng alaala." Bigkas ko habang nakayuko dahil hindi ko magawang tignan ang kaniyang mga mata.

Binitawan niya ang aking kamay at tsaka niya hinawakan ang aking mga pisngi para iaangat ang aking ulo.

"Kahit nagsasabi siya ng totoo, she was still my past. And I can't remember that I have loved someone the way I love you." Pagpapagaan niya ng loob ko.

"Pero..."

"No buts. Come on, I'll take you home."

Pareho kaming tahimik buong byahe pabalik ng Elysian. Nakatingin ako sa labas ng bintana habang iniisip ang mga luha ng babae kanina. Alam kong masakit 'yun para sa kaniya. Hindi siya naalala ng taong mahal niya. Pero heto ako't nagpapakasaya habang may isang taong nalulungkot.

He wasn't mine in the first place. Kung walang siyang amnesia, hindi niya ko makikilala. Hindi siya mapapadpad dito sa mundo ko. At hindi siya magkakaroon ng dahilan na mahalin ako. Isa lang akong panibagong alaala na nabuo dahil sa nakaraang nakalimutan niya.

Napatigil ako sa pag-iisip ng hawakan niya ang aking kamay. Humarap ako sa kaniya at natagpuan ko ang matamis niyang ngiti.

I smiled back.

Nakabalik kami ng Elysian bago tuluyang mag-6pm. Hinatid niya ko sa boarding house pagkatapos naming dumaan sa pinagtatrabahuhan ko.

"'Wag mo na masiyadong isipin 'yung nangyari kanina. You should rest. May pasok bukas. Thank you for this day." Paalam niya.

Ngumiti ako bago nagsalita. "Ako dapat 'yung mag-thank you. Sobra akong nag-enjoy. Sige na, gagabihin ka na."

Lumapit siya sa 'kin at agad niya kong binigyan ng isang mabilis na halik.

"I love you." Dahil sa ginawa niya at sinabi niya ay nawala na lahat ng nasa isip ko. His kiss, words, eyes are the only things I can think about.

"I love you, too." I answered back.

Nagpaalam na siya sa 'kin at tsaka na ko pumasok. Naabutan ko pa si Brea na nakatayo sa may hamba ng pinto habang pinapanood kami ni Rale.

"Ano bang ginagawa mo jan? Para ka tuloy nanay ko na naghihintay na umuwi ako." Pagbibiro ko.

"At saan kayo nanggaling? Nag-date kayo no?" Pang-iimbestiga niya.

Tumawa ako dahil sa paraan ng pagtatanong niya. 'Kala mo kung may ginawa akong kasalanan na kailangan niyang imbestigahan.

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon