Past
I am lost. Lost for words.
Para akong pinaglalaruan ng tadhana. Gustong-gusto ko ng siyang kalimutan. Gustong-gusto ko ng baguhin ang naging buhay ko kasama siya. But why can't fate be with me?
Nasa harap ko siya. The man I've been wanting to forget all this time. Lumayo na ako, kulang pa ba?
Diretso ang tingin ko sa mga mata niya. Mga mata niyang parang dinudukot ang aking kaloob-looban. Pero may nagbago. His eyes that has been my favorite thing to look at became emotionless. Naging bato ang mga matang nagbibigay kinang sa bawat bagay na tinitignan nito.
Nahuli ko kung paano bumaba ang tingin ni Rale patungo sa magkahawak na kamay namin ni Cullen. Hindi ko na nahuli ang kaniyang mga mata ng bigla silang naglakad patungo sa aming direksyon. Agad akong napabitaw sa kamay ni Cullen ng bigla siyang dumaan sa pagitan namin.
Did he intend to do that?
"Bro, hindi ka man lang ba magsasabi ng 'excuse me'?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Cullen. Bumalik ang tingin ni Rale sa amin pati na rin ang tatlo niya pang ka-miyembro.
"Pasensya na. Nakaharang kayo sa daan kaya hindi ko napalabas sa aking bibig ang mga salitang iyon." Maangas na sagot ni Rale at tsaka kami tinalikuran kasunod ang mga babaeng tagahanga nila.
"Sila ata ang inaasahang bisita ng unibersidad. Nagsayang lang sila ng pera. Nandito naman ako. Mas gwapo pa naman ako sa mga 'yun." Mayabang na bigkas ng kasama ko na naging dahilan ng pag-irap ko.
"Gutom lang 'yan. 'Lika na nga. Kumain na lang tayo." Paghila ko sa kaniya upang iwasan ang kakapal ng mukha niya.
"Totoo naman. Nahihiya ka lang aminin eh. For all I know, ako ang pinakagwapo na bumisita sa mundo mo. At isa 'yung karangalan na magkaroon ka ng bisitang may ganito kagwapong mukha."
"Sapak, gusto mo?"
"Sabi ko nga, tara na." Pagsuko niya sabay hawak sa kamay ako papuntang cafeteria.
Agad akong umupo sa may tabi ng glass wall sa may bandang dulo. Si Cullen naman ay dumiretso sa counter upang mag-order.
I stared blankly at the group of fangirls cheering for The Square members. Punong-puno ng mga babaeng estudyante ang buong main hall na nagiging dahilan ng sobrang ingay.
I never expected that I will meet him again. Hindi sa lugar na 'to. Hindi sa araw na 'to. At mas lalong hindi sa lagay ng puso ko ngayon.
I'm still trying to move on and still proving my decision is right. Pero ano? Makikita ko siya ulit?
Nakuha ni Cullen ang atensyon ko ng ilapag niya sa mesa ang inorder niyang pagkain namin. "Are you a fan of them?" Tanong niya dahil naabutan niya kong nakatitig sa kumpulan nila.
"No." I lied at tsaka na kinuha ang inorder niyang chicken sandwich mula sa tray. "Namangha lang ako sa dami ng taong sumusuporta sa kanila." Pagrarason ko pa.
"You're lying. I can see it your eyes. 'Di mo ko maloloko, Iqo." Seryoso niyang sabi tsaka siya seryosong tumingin sa 'kin.
He got me.
Sa ilang buwan pa lang naming magkakilala ay kilalang-kilala niya na ako. He always caught me just in my eyes. At siguro nga, it's normal when your souls are meant to be fit to each other. May isang taong makakapagpalagayan mo ng loob at kilala ka pa more than you know yourself.
And I miss Brea.
"Eyes will never lie. The way you looked at him. The way your eyes adore him. May mga salitang hindi nailalabas ng bibig pero naipapahayag ng mga mata. And I can hear those eyes of yours saying how you miss that man." At lahat ng binigkas niya ay tumugma. Minsan ko lang marinig ang ganitong seryosong Cullen at masasabi kong huling-huli niya ang bawat galaw ko.
Bumuntong hininga ako. "May mga salitang hindi nailalabas ng bibig dahil hindi dapat. Kasi may mga bagay na kailangang ikubli ng bibig para lang sa ikakabuti ng lahat. And that's where I'm at right now. At sa oras na bumukas itong bibig ko at ilabas ang mga salitang gustong-gusto kong sabihin, pwede nitong mabago muli ang aking mundo pero pwede ring huli na ang lahat." Tinapatan ko ang pagiging seryoso niya. Minsan lang siya magseryoso kaya mabuti na ring kausapin ko siya ng matino.
Nagulat ako ng bigla niyang haplusin ang aking mga mata gamit ang malambot niyang palad.
"Don't be a prisoner of your past, Rain. Matuto kang lumabas mula sa mga nakaraan."
Nagulat kami pareho at sabay na napatingin sa pinanggalingan ng pito. I found Rale with a whistle in his mouth glaring at us.
"That's foul. Rale Luther Finn's number one rule, what's mine is mine. No one can ever touch it." Seryosong sabi ni Rale sabay lapit sa amin, sa akin.
My heart won't stop beating fast. Para akong galing sa isang karera na pilit ko pa ring tinatakbuhan. At isa lang ang bagay na humahabol sa akin.
Ang puso kong pilit isinisigaw ang pangalan niya.
How can the world be so cruel?
Nang makalapit siya ay agad niyang hinablot ang aking kamay. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kaniya habang seryoso siyang nakatingin kay Cullen.
"And this lady in front of you is clearly mine." Dagdag pa niya na mas lalong nagpabilis ng tibok ng aking puso.
Hinablot ko ang aking kamay mula sa kaniyang pagkakahawak sabay takbo papalabas ng cafeteria. Pero huli na ng matagpuan ko sa labas ang mga babaeng estudyanteng kanina lang ay masayang nagkukumpulan sa main hall. They were looking at me like I have done the most sinful thing. Ang mga mata nila ay nanghuhusga na para akong isang kriminal. Mga mata nilang sumisigaw ng mga masasakit na salita. Isang parte lang ng istorya ang nasaksihan nila but they judge as if they knew the whole story. That's why people became a bad judge of life. And the world became a courtroom.
Lumayo ako mula sa maraming tao. Palayo sa masakit na mundong kinakaharap ko ngayon. Ilang beses ko ba dapat takbuhan ang kasalukuyan dahil lang takot ako sa nakaraan?
And that's when I realized, I am not in my real world. I am imprisoned in a world of my past, past that I can't forget.
Nakalayo ako mula sa magulong mundo at hindi ko inaasahang dito ako makakarating. Tumingin ako sa ibaba ng tulay at ang tahimik na tubig ang aking natagpuan. It's calmness and the breeze of the cold air became a part of the rain to be with me while I'm getting lost at my lonely thoughts.
Napahawak ako sa railings ng tulay at tsaka dahan dahang umakyat at tumayo mula dito. Hindi ko na namalayan ang pagpatak ng luha ko kasabay ng pagbuhos ng kalmadong ulan.
Napapikit ako at hinayaan ko ang aking katawang mahulog na para bang ako'y nasa isang mahimbing na pagtulog.
I want to get out but I'm too afraid to get out.
Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng aking katawan sa malamig na tubig at dahan-dahan akong tinangay sa pinakamalalim na bahagi nito.
And everything became black.

BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...