Twelfth Memory

9 1 0
                                    

Limit

Hindi ko 'to inaasahan. Kung kailan lumalayo na ko, siya pa ang partner ko sa task na 'to.

Hindi niya ba alam na sobra na kong nahihirapang lumayo mula sa kaniya?

Tahimik ako habang nakatayo siya sa tabi ko. Sa lahat ng pwedeng makapartner, bakit siya pa?

Ba't ako pa pinili niya?

"Ba't hindi ikaw pinili ng boyfriend mo, Vy?"

Nakuha ng pinsan ko ang atensyon ko at natagpuan ko ang nakakamatay nitong titig. Tumingin ako kay Rale upang malaman kung nakikita niya ba ang reaksyon ni Vy pero ang ikinagulat ko ay ng matagpuan ko ang mariin niyang titig sa 'kin.

Tangina Rale!

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harap dahil parang walang balak alisin ang tingin ni Rale mula sa 'kin kahit na ang sama na ng titig sa 'kin ng pinsan ko.

"Let's start the tutoring at the library."

Hindi ako tumayo at nanatili lang ako sa aking upuan habang papalabas ang aking mga kaklase.

''Ang gwapo ni Rale. Sana ako na lang pinili niya.''

"Ano bang mayroon si Rain at siya ang pinili ni Rale?"

"Akala ko ang pipiliin niya ay si Vy. 'Di ba mag boyfriend sila?"

Rinig ko ang mga bulung-bulungan ng aking mga kaklase habang papalabas sila ng room. Perfect! Sa 'min nakatuon ang atensyon nila, sarcastic kong sabi gamit ang aking isip.

Nang mapansin kong kaming dalawa na lang ang natira sa loob ay agad akong tumayo at hinarap si Rale.

"Hindi mo na ko kailangang turuan. I can study by my own. Don't worry, hindi naman kita hahayaang bumagsak dahil sa 'kin." Paniniguro ko sa kaniya.

Aamba na sana akong hahakbang papalabas ng aming room ng bigla niyang hawakan ang aking braso.

"Bakit mo ko iniiwasan?" Bigkas niya gamit ang seryoso nitong mukha.

Ang mga mata nito ay nagdudulot ng pagkakaba ko sa tanong niya. Na parang hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Lahat ng tapang ko ay unti-unting natutupok dahil lang sa paraan ng pagtitig niya.

"'Cause I hate attentions." Simpleng sagot ko. At alam kong nakuha niya kung anong ibig kong sabihin.

"Wrong answer." Nagulat na lang ako ng mabilis na dumampi ang kaniyang labi sa aking labi.

At alam ko sa sarili ko, tuluyan ng natupok ang natitira kong tapang. Nanlalambot ako at hindi ko alam kung bakit ang galing niyang tumupok ng tapang ko, like it is his expertise.

"Stop it, Rale. Stop it, please." Pagmamakaawa ko.

"Why? Am I softening your heart? Are you falling?" Mga tanong na alam kong oo ang dapat kong isagot.Pero hindi pwede. "Remember this. I will make you fall in love with me harder that you'll regret that you've turned me down many times. I will make sure that day will come." Pagbabanta niya sabay hila sa 'kin palabas ng room.

Habang naglalakad kami patungong library ay ang mga mata ng mga taong walang alam ang nakakapagpainit ng ulo ko. Their eyes speak so many hurtful words that make me wanna just hide 'cause I hate attentions.

"Sila na ba?"

"Ba't siya pa?"

"Di na nahiya. Pinsan pa naman niya si Vythea."

Mga bulong-bulungan na ayokong marinig pero wala akong magagawa dahil alam kong nais nilang iparinig sa 'kin ang mga salitang 'yan. It's not like I did something wrong to them. It's not like I deserve to hear those words.

Nakarating kami sa library at ngayon naman ay ang tinginan ng aming mga kaklase ang sumalubong sa 'min. Their eyes immediately darted on our clasped hands. Napabuntong-hininga ako at tsaka ko kinalas ang kamay ni Rale. Dumiretso ako sa bakanteng pwesto sa dulo at tsaka tahimik na umupo. Sumunod si Rale at tahimik din siyang umupo sa aking tabi.

I am so aware of all the eyes that are watching us. Paano ba naman? Isang Rale Luther Finn lang naman ang may hawak sa kamay ko kanina.

Napabaling ako sa kaniya ng may maalala ako. "Where's Nyle?" Magkaklase silang dalawa kaya inaasahan kong nandito rin siya pero hindi ko siya napansin.

"He's absent." Simpleng sagot nito habang seryosong nagbubuklat ng kaniyang notebook. Gusto ko mang tanungin kung bakit siya wala ay hindi ko na ginawa. Halata na ang pagkakunot ng noo ng lalaking katabi ko.

Napahagikgik ako ng mapansing kokonti ang laman ng kaniyang notebook. Tss, ang malas ko naman. Paano kaya ako matuto nito?

Bumaling siya sa 'kin na nagpatigil sa 'kin dahil sa seryoso niyang mukha.

"Why are you laughing?"

"Bakit bawal ba?" Asik ko na mas lalong nagpakunot ng kaniyang noo.

Pero nagulat ako ng bigla niyang ipinulupot ang kaniyang braso sa aking baywang at tsaka siya bumulong...

"Stop making me mad or else..."

"Or else what?" Matapang kong tanong sa kabila ng pagkakaintimida ng aking kaloob-looban dahil sa sobrang lapit niya sa 'kin.

Mas lalo akong nanlambot ng lumapat ng mabilis ang kaniyang labi sa aking labi.

"That's what you get." Bigkas niya gamit pa rin ang seryoso niyang mukha. "Make me mad more." Hamon niya.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong library at huminto ito sa aking pinsan na hindi ko inaasahang tutulo ang kaniyang luha. Tumayo siya at tsaka lumabas na kumuha ng lahat ng atensyon ng aming mga kaklase.

Tinignan ko ng masama si Rale at tsaka ako nagsalita...

"Stop this game of yours 'cause I won't fall for it. Kung pinaglalaruan mo ako o ang pinsan ko, tumigil ka na. Kasi wala akong balak makipaglaro sa'yo." Pagkabigkas ko ng mga salitang 'yun ay agad-agad akong tumayo at lumabas para hanapin si Vythea. She's my cousin after all.

Nilibot ko ang mga lugar na pwede niyang puntahan at nahanap ko siya sa likod ng canteen where benches under the mango trees are located.

Nakaupo siya sa isa sa mga bench at umiiyak. Umupo ako sa tabi niya at inabutan siya ng panyo pero tinabig niya ito. Tumayo siya at nagulat na lang ako ng tumama ang kaniyang palad sa aking pisngi.

I don't know what to react for I don't know if what was my mistake. Hindi ko inaasahan ang sampal na 'to dahil alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama.

"Akala ko ikaw na ang pinaka-anghel na babaeng kilala ko, pero nagkamali pala ako. May itinatago ka rin palang landi." Agad akong tumayo dahil sa mga salitang binitawan niya.

"Oo at alam kong may itinatago akong landi pero ang landi ko may limitasyon. At para sabihin ko sa'yo, hindi ko pa nagagamit 'yun. At wala akong balak gamitin 'yun. I shouldn't have followed you in the first place. No, I shouldn't have been your cousin." Tinalikuran ko siya at 'dun ko lang napagtanto kung bakit ko pa siya sinundan dito. Kung bakit biglang lumambot ang puso ko para sa babaeng 'to. I think being soft has its limit. That it should be at the right person. And my cousin is not included.

Humarap ako sa kaniya sa pangalawang pagkakataon at tsaka ako nagsalita...

"You look so desperate and pitiful."

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon