Care
Kasalukuyan akong kumakain kasama ang dalawang lalaking magiging kasama ko sa pagtira dito sa mansyon ni Mayor. Nakaupo si Nyle sa may kabisera habang si Rale naman ay tahimik na kumakain sa tapat ko.
"Papasok ka na ba bukas?" Tanong ni Nyle sa 'kin. Pero ang aking mga mata ay napasulyap sa lalaking nasa harap ko imbes na sa kanya. Nakakapanibago lang. I was just a fan back then at hindi ko inaasahang makakasama ko sa iisang bahay ang lalaking hinahangaan ko.
Ibinaling ko ang tingin ko kay Nyle nang agad niyang inangat ang kaniyang paningin sa akin. "Oo, papasok na ko bukas. Hindi naman ako kagaya mo e."
"Anong ibig mong sabihin?" Asik niya.
"Wala. Baka lang naman maimpluwensiyahan kita sa pagiging mabuti kong estudyante." Mayabang kong sagot.
Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo at pagtingin niya ng matalim. "Teka nga lang. Hindi ba dapat maging mabait ka sa 'kin kasi pinapatira kita rito sa bahay namin? You know what, courting you doesn't mean that you can talk shits about me or else..."
"Or else what?" Hamon ko.
Inilapit niya ang kaniyang mukha sa 'kin pero nakuha ang atensyon naming dalawa dahil sa kamay na nagsalin ng tubig sa pagitan namin.
Napaangat ang tingin ko kay Rale na umiinom habang nakatayo sa aking tabi.
"Ninong told me that you're going to help me buy school supplies. So, you eat and I'll be waiting." Baling niya sa 'kin pagkatapos niyang uminom.
Nabigla ako dahil sa pagbaling niya sa 'kin at hindi pa makapaniwalang ako ang sasama sa kaniya.
"Ako?" Tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"I'm looking at you so I guess it's yes." Agad kumunot ang noo ko dahil sa sarcastic niyang sagot pero ang hindi ko maintindihan ay ang mas iritado pa niyang mukha kaysa sa 'kin. But why does this man looks more attractive with that irritation?
Pagkatapos kong kumain ay agad na kong umakyat sa aking kwarto at nagpalit. Umuulan pa rin kaya nagsuot ako ng black hoodie with my maong shorts.
Lumabas ako at naabutan ko si Rale na nakahilig ang likod sa may labas ng kwarto ko habang nakapamulsa. Agad kong natagpuan ang mga mata niyang seryosong sinuri ang aking kabuuan.
"You did wear a hoodie yet why wear shorts? It's cold outside." Panimula niya.
"You're getting too far, Mr. Rale. And it's bad having a care for what I'll wear." Pambabara ko sa kanya sabay baba na pero agad niyang hinablot ang braso ko at iniharap ako sa kaniya.
"It's my choice to care for you so don't say it's bad. 'Cause if I want to have care, I'll care. And I don't need your permission. Now, let's go." Bigkas niya sabay hila sa 'kin papasok sa kotse niya.
Ano bang problema nito? Pero ang hindi ko maintindihan ay ang pagbilis ng tibok nitong aking puso. Every words he said brings an unfamiliar feeling to my insides. And I hate how can't I name that feeling.
Tahimik ako habang seryoso siyang nagmamaneho sa gitna ng basang kalsada. Itinuon ko ang tingin ko sa labas ng bintana. Every raindrops brings a nostalgic feeling to me. It was raining when the time of me being alone started. 'Yong bang gustong-gusto ako ng ulan. And I don't know why do I love rain also. I'm a pluviophile, I guess.
BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomansaPeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...