Twenty-Sixth Memory

16 2 0
                                    

Stories

"Umalis na tayo. Tara na." Nagulat ako ng bigla akong higitin ni Lola palayo sa kanila Mayor. Ni hindi ko pa nga nagawang magpaalam sa kanila.

I know there's something wrong in the way Lola acts. Kilala niya sila Mayor at daddy ni Rale. Sigurado ako dahil sa paraan ng pagtitig nila kanina. Parang may nangyayaring usapan na hindi ko alam.

"Pa'no mo sila nakilala?" Takot na takot na tanong sa 'kin ni Lola ng makauwi kami ng bahay.

"Lola, si Mayor po ang nagpatuloy sa 'kin sa mansyon niya noong umalis po ako sa bahay nila tita. Malaki po ang utang na loob ko sa kanila. Bakit po? Ano pong problema?" Nagtataka kong tanong.

Palakad-lakad siya habang kinakausap niya ko. Hindi siya mapakali na para bang ang laking problema na kilala ko sila Mayor at si Tito Alejandro.

"Makinig ka sa 'kin, hija. Simula ngayon, kalimutan mo na sila. Ituring mo silang hindi kilala. Mas makakabuti 'yun sa'yo." Seryosong sabi niya sa 'kin gamit ang takot na takot na mga mata.

"Lola, kahit hindi niyo naman po sabihin ay lalayuan ko naman po talaga sila. Umalis po ako ng Elysian dahil 'yun po ang intensyon ko. Ang kalimutan ang naging buhay na mayroon ako sa bayan na 'yun." Pagpapagaan ko ng loob ni Lola.

And from what I said, her eyes began to calm.

"Mabuti naman kung ganoon. Sige na, magbihis ka na at maghahanda na ko ng hapunan natin."

Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon at iniisip ang pagkikita nila Lola, Mayor, at daddy ni Rale. Bakit ganoon ang reaksyon ni Lola? Silang tatlo? Magkakakilala sila, sigurado ako. At mayroon pang isang bagay na bumabagabag sa akin.

May bulaklak na sa puntod ni mommy bago kami dumating ni Lola. Bagong-bago ang mga ito kaya sigurado akong wala sa amin ni Lola ang naglagay doon. At imposibleng sila Tita ang nagdala n'un. They can't even visit my mother, magdala pa kaya ng bulaklak?

Kinabukasan ay naghanda ako sa aking pagpasok. Doing my daily routine, I came to the university just in time. Sanay na ko sa araw-araw kong buhay. Dull and boring. That's how I'll describe my life. Para akong isang taong sumusunod lang sa agos ng buhay. It's my life yet I'm not the controller.

I'm living my life, not how I want it to be, but how life want it to be.

Nagulat ako ng may biglang bumisina sa aking gilid. Agad niyang ibinaba ang kaniyang bintana at maangas na ibinaba konti ang kaniyang sunglasses.

And from that, I already knew who he is.

"Magandang umaga, binibini. Hinihintay mo ba ko?" Mayabang niyang sabi.

Agad akong napairap dahil sa kayabangang niyang hindi ko matantsa. Bakit ba isinilang pa sa mundo ang nilalang na ito?

"Umagang-umaga ay naghahasik ka na naman ng kahambugan. Sinisira mo araw ko." Masungit kong sabi sabay talikod na.

"Bakit hindi mo ba ko namiss?" Sigaw pa niya.

"Never in your wildest dreams, Cullen." Sigaw ko naman pabalik habang naglalakad papunta ng aming classroom.

Habang naglalakad ay nakasalubong ko ang kumpulan ng mga estudyante sa may main hall ng unibersidad. They all look so excited, I can see it in their blushing faces. Binabalot ng ingay nila ang buong main hall dahil sa kanilang tilian. May mga nagsisitalon, nag-iiyakan, at ang kanilang saya ay abot hanggang langit habang hawak-hawak ang isang parihabang card. What's with them?

Dahil sa usap-usapan ang bagay na pinagkakaguluhan nila sa may main hall ay hindi ko maiwasang marinig ang usapan ng tatlong magkakaibigang kasabay kong maglakad.

"Omg! I can't wait. Gustong-gusto ko na silang makita, weekends pa lang." Bigkas ng isang babae sa dalawa niyang kasama.

"Buti na lang at nakakuha na tayo agad ng ticket. Inagahan ko talagang pumasok dahil lang sa ticket na 'to." Bigkas naman ng pangalawa.

"Mabuti na lang at isa ang university natin sa mga napili nilang puntahan. Grabe! I'm so excited." Pagtitili pa ng isa.

Hindi ko sila pinansin at tsaka na ko nagmadaling pumasok sa loob ng classroom. Pero nagulat ako ng may tumakip sa mga mata ko.

"Ang hirap mo habulin. Bilis mo maglakad." Hinihingal niyang sabi.

"Pwede ba, Cullen. Hindi ka ba nagsasawang sirain ang araw ko? Kasi ako sawang-sawa na sa pagmumukha mo." Asik ko sabay siko sa kaniya na naging dahilan para tanggalin niya ang kamay niya mula sa pagkakatakip sa aking mga mata.

Naglakad ako habang iniinda niya ang sikmura niyang tinamaan ng siko ko pero agad niyang hinablot ang kamay ko upang patigilan ako.

"Ano bang problema mo?" Masungit kong sabi.

"Ba't ba ang sungit-sungit mo? Aayain lang naman sana kitang mag-almusal. 'Di pa ko kumakain eh." Sagot niya gamit ang nagmamakaawa niyang mukha.

No, Rain. You shouldn't fall for his cuteness.

"Mahuhuli tayo sa klase. Lagot ka na naman kay Mrs. Cruz." Pagpapaalala ko sa kaniya.

"Ano ka ba? May bisita ang unibersidad kaya lahat ng professor natin ay busy. Lika na." Nagpatianod na ko sa hila niya ng hindi ko namamalayan.

"Bakit kasi 'di ka kumain sa bahay niyo? Ang dami niyo namang pagkain. Hay,jusmeyo! Siraulo ka talaga." Problemado kong bigkas. Ewan ko ba sa lalaking 'to. Ako na lang lagi pinipirwesyo.

"You already know the answer. Why bother asking so many times? Hay, jusmeyo! Siraulo ka din." Paggaya niya sa expression ko.

"Yeah, you can't eat alone." Pairap kong sabi.

Hindi lang ito ang unang beses na magsasabay kami ni Cullen na kumain. Sa daming beses na ay hindi ko na mabilang. Baka nga, araw-araw pa eh.

It started when I transfered here. Unang pagtapak ko sa lugar na 'to ay siya na agad ang nakita ko. And I can say that I fell in love with his messy brown hair.

Sa una ay ayokong magkaroon ng kaibigan, makilala siya, at maging parte siya ng buhay ko dito sa bayan na 'to. But nothing goes with my plan. I fell in his story and so do him. Kaya naging close kami.

And that's when I realized, we all have stories to tell, each of us. For him, life is unfair and so for me. But then I have understand. If life is unfair for all of us, then that what makes it fair, because we all share its unfairness.

Pero imbes na tumuloy paglalakad papuntang cafeteria ay napahinto ako at ganoon din si Cullen habang hawak-hawak ang aking kamay.

Nasa harap ko sila habang nagtitilian ang mga babaeng estudyante sa kanilang likuran. Pinapantasya ang mga lalaking nasa harapan ko ngayon, namin ni Cullen.

My eyes locked at him, only him. Mga matang hindi ko inaasahang makikita ko muli. Mga matang pinakapaborito kong tignan. Eyes that I have missed so much.

Biglang tumahimik ang paligid ko at tanging siya lang ang aking napapansin. I can't hear the excited voices of their fans. Everything is gone under his eyes.

All I can hear is the fast beating of my heart.

"Rale..."

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon