Thirty-Fifth Memory

11 1 0
                                    

Forgiveness

"Ano ba Rale?!" Sigaw ko sa kaniya habang dinadaluhan ko ang natumbang si Cullen. Pero nagulat ako ng bigla akong hilain na Rale paalis sa bar na 'yun at dalhin ako sa isang open-field with grasses on its ground.

Kumawala ako mula sa kaniyang pagkakahawak at tsaka niya ko hinarap.

"Ano bang problema mo? Basta basta ka na lang susulpot para lang suntukin si Cullen!" Galit kong bigkas habang hindi iniinda ang tensyon sa kaniyang pagkakatitig. His fists are tightly closed as if their getting ready to punch. "Ano sasaktan mo ko?! Ano bang ikinagagalit mo?! Ha!"

"Tangina! I just saw you kissed! And you expect me not to act this way?! Tangina naman, Rain! Nagdikit ang mga labi niyo sa harap ng mga mata ko. Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga habang naglalandian kayo?" Nagulat ako sa mga binigkas niya na hindi ko na naiwasan ang pagdampi ng aking palad sa kaniyang pisngi.

"Wala kang karapatang magalit, Rale. Iniwan mo ko. Kasal ka sa ibang babae at ang Daddy mo ang dahilan kung bakit namatay ang mama ko. And you think you have a fucking say in my life? Na may karapatan kang sabihing malandi ako? Tangina mo, Rale! Wala ka ng pinanghahawakan sa 'kin!" My tears came out of anger. Tinalikuran ko siya at tsaka naglakad palayo sa kaniya. Wala akong pakialam kung nasaktan man siya sa mga sinabi ko.

Pero napahinto ako nang yakapin niya ko mula sa 'king likuran. Agad akong nanghina dahil sa mga luhang niyang pumapatak sa aking balikat. At sa pag-ihip ng malamig na hangin ay siya namang unti-unting pagpatak ng ulan.

"I'm sorry. I'm sorry for being a jerk, for being afraid, for being... in love with you. Hindi ko magawang hawakan ang kamay mo dahil alam kong wala akong karapatang mahalin ka. My dad was the reason behind the loneliness in your eyes and I'm afraid... I'm afraid that I will break you like what he did." Parang unti-unting tinutusok ang puso ko dahil sa sakit na inilalabas ng kaniyang mga salita. I can feel his pain. Pero hindi pwede.

Kinalas ko ang mga bisig niyang nakapulupot sa aking baywang at tsaka siya hinarap. All I can see is the pain in his eyes. At natatakot ako na baka mas piliin ko siya kaysa sa mga magulang kong namatay dahil sa Daddy niya.

"Hindi tayo pwede, Rale. At gaya ng pagdesisyon mong bitawan ako noon, bibitaw rin ako ngayon. Mahal kita. Pero sa tuwing nakikita kita ay naaalala ko lang kung paano ako nabuhay mag-isa, kung paano kalungkot mabuhay gaya ng ulan. Kalimutan na lang natin ang isa't isa. Tanggapin na lang natin, that we are bound to meet but not destined." Bakit ba ganito kasakit magmahal ng isang tao? I thought love would make it easier for us people to unite. Pero bakit... bakit ganito kasakit ang dulot nito?

Inilapat niya ang kaniyang mga palad sa aking magkabilang pisngi at tsaka siya nagsalita.

"Alam ko na wala akong karapatang hilingin sa 'yo 'to pero... hindi ba pwedeng hawakan na lang natin ang isa't isa at sabay nating talikuran ang nakaraan? I know it's a selfish move pero Rain, I love you." Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay na nasa aking pisngi. I look at his eyes and the way they scream of pain is such a torture for me.

"Rale, hindi ko pwedeng hawakan ang kamay mo habang naaalala ko ang mama ko. And loving you is both happiness and pain that seems unbearable in my life today. Rale, hindi lang naman ito dahil ang Daddy mo ang dahilan ng pagkamatay ng mama ko eh. Punong-puno pa ko ng lungkot ngayon at bumabangon pa lang ako sa lahat ng nangyari sa buhay ko. My heart is still recovering at hindi ko alam kung kaya nitong magmahal sa ngayon dahil alam ko kung gaano ito kawasak sa lahat ng sakit na pinagdaanan nito. I can't hold your hand knowing that my heart is broken and still healing. Binubuo ko pa ang sarili ko, Rale." Bumitaw siya at tuluyang sumuko. Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang tuloy-tuloy na pagtulo ng aking luha habang nasasaksihan ko kung paano masaktan ang lalaking nasa harap ko ngayon. Tumalikod ako at tsaka naglakad palayo sa kaniya.

I know my heart better. At alam ko, hindi ito handang magmahal sa ngayon. Mas mabuti ng lumayo muna ako sa kaniya habang naghihilom. Because, the greatest healing is not about how long the time you healed, but it is about how you heal on your own by the process of loving yourself and finding happiness within the pain you have overcome.

Lumipas ang ilang araw at ganoon nga ang nangyari. Hindi na kami nagkita ulit pagkatapos ng gabing 'yun. We didn't talk and we didn't meet even coincidentally. Tuluyan akong umiwas at pati rin siya. I made myself busy while going out to many places with my new family.

Kasama ko ngayon sina Daddy at Nyle sa isang restaurant sa isang mall. It's Sunday kaya napagpasyahan naming pumuntang simbahan bago kumain dito sa restaurant.

"Daddy, may tanong po ako." Pagkuha ko ng atensyon niya habang kumakain. Pati si Nyle ay napatingin sa 'kin.

"What is it?" Tanong ni Daddy tsaka ako huminga ng malalim para itanong sa kaniya ang matagal ko ng gustong itanong.

"Alam niyo na po bang si Tito Alejandro ang nakabangga kanila mama?" Bigkas ko habang diretsong nakatingin sa kaniya. Pansin ko ang pagtingin ni Nyle kay Daddy. Nagtataka lang ako dahil close pa rin silang dalawa sa kabila ng nangyari.

Nagpunas siya ng kaniyang bibig at tsaka ako sinagot. "I do. Actually, noong namatay si Astherain ay alam ko na agad. Sinugod din si Alejandro sa parehong hospital na pinagdalhan sa mama mo kaya alam ko. Hija, alam ko na nagtataka ka kung bakit hindi ako nagalit sa kaniya. That was an accident. Hindi niya gustong mangyari 'yun. I should forgive him.  Because that's what the least thing I can do for your mom. Alam ko, kung nabubuhay man siya ngayon, hindi niya gugustuhing mabuhay tayo ng may sinisisi sa nangyari." I was hold back. Napahinto ako dahil sa mga sinabi ni Daddy na may katuturan. Kaya siguro binigay sa buhay ko si Daddy... para matuto sa mga bagay na kailangan kong matutunan.

"Pati po si papa?" Dagdag ko pa.

Tumango siya bilang sagot. "Pati si Luis, pinatawad ko." And from his smiled, I learned something that will stay in my heart.

Siguro nga, nagpapatawad tayo upang kalimutan ang nakaraan at tanggapin ang kasalukuyan. Maybe, forgiveness was invented for the world to heal.

Nagpaalam ako sandali upang tumungo sa cr ng mall. Pero, pagkalagpas ko pa lang ng restaurant ay may tumutok sa 'king tagiliran ng isang patalim.

"Huwag na huwag kang gagawa ng ingay. Umakto ka ng normal kung hindi, papatayin kita." Bulong niya.

Fear crept in my insides. Nanghihina ang aking mga tuhod at hindi man lang magawang gumalaw. My heart is beating faster and I don't know how to calm.

"Lakad." Utos niya at naghanap ako ng lakas upang maglakad.

Nakalabas kami ng mall at tsaka niya ko pinapasok sa isang itim na van.

"Boss, nandito na siya." Bigkas ng taong nangtutok ng patalim sa 'kin.

Humarap siya sa 'min and there I saw who's the mastermind.

"Cullen?"

Every Raindrops Of His Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon