Members
Kalat na kalat ngayon sa buong Elysian ang tungkol kay Rale. Alam kong nag-aalala na rin ang daddy niya at si Mayor para sa kaligtasan niya ngayong alam na ng buong Pilipinas na buhay pa rin siya.
Kasalukuyan akong nasa bench ngayon sa may gilid ng open-field habang iniinom ang binili kong chuckie sa canteen. Bumabagabag sa isip ko ay kung babalik ba si Rale sa dating buhay niya o mas pipiliin niya pa ring iwasan ang taong nagtatangka sa kaniyang buhay.
Napatigil ako sa pagtitig sa kawalan ng may dalawang kamay ang tumakip sa aking mga mata.
"Brea, 'pag ako nabulag, sasampalin kita." Pagbabanta ko sa kaniya na may halong biro.
Pero nagulat ako ng si Rale ang tumambad sa harap ko.
"What are you thinking about?" Tanong niya habang naka-upo siya sa baba at nakadungaw sa 'kin. Agad niyang hinablot ang aking kamay.
And once again, seeing his eyes is the best view ever.
"Wala." Pagsisinungaling ko at tsaka ako umiwas ng tingin.
But then, he knows me.
"May klase ka pa ba?"
Alam kong napansin niyang nagsinungaling ako pero bakit hindi niya ko kinompronta? Halata ko na iniba niya agad ang usapan.
Pero mas mabuti na rin 'to. Ayokong malaman niya kung ano man 'yung bumabagabag sa utak ko.
"Wala na, bakit?"
"Good then." Bigkas niya sabay tayo at hila sa 'kin patungong kotse niya.
"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko.
"Ipapakilala kita sa mga kamiyembro ko." Sagot niya na ikinagulat ko.
Bigla akong dinalaw ng kaba. Ibig sabihin, ipapakilala niya ko sa buong The Square?
Dapat naman sinabihan niya man lang ako nang nakapag-ayos naman ako. I don't feel like presentable enough to be their main vocalist's girlfriend.
Napansin niya ang pagkalungkot ko dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"What's wrong?"
"I just feel like hindi ako nababagay para maging girlfriend mo. I don't have a name in the entertainment industry. Ni hindi ako mayaman, wala akong masyadong kaibigan, I don't have a family, I'm an orphan. Wala kang maipagmamalaki sa 'kin. So, why me Rale?" Ngayon ko lang napagtanto ang mga bagay na 'to. At bawat bigkas ko ng mga dahilan kung bakit hindi ako karapat-dapat para sa lalaking ito ay nagbibigay ng kirot dito sa puso ko.
Why do I have a lot of insecurities?
Nagulat ako ng ihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Those are the reasons why I'm in love with you. Hindi mo binibigyan ng kahalagaan ang sarili mo that's why I feel like it's my responsibility to make you feel that you are important, that you should feel loved. Nakakainis kasi ang mga mata mo'y nangungusap sa 'kin na sobra mong lungkot at hindi ko makalimutan bawat pagsulyap mo. Your eyes were engraved in here."Bigkas niya sabay lapat ng kamay ko sa kaniyang dibdib.
And I found myself, slowly falling deeply in love with this man. Palalim ng palalim at hindi ko na mapigilan. His words are too much for my heart to handle.
"It's normal to have your insecurities, but I will make you love those." He said and slowly kissed my forehead.
Hindi ko alam kung sasabihin ko.I'm speechless. Speechless to his words, to his sweet acts, to his eyes, to his whole existence.
Nakarating kami sa mansyon at naabutan ko ang buong miyembro ng The Square kasama rin ang mga iba pang mukha sa showbiz industry. Huminto ang tingin ko sa babaeng nagpakilala na girlfriend ni Rale.
Lahat ng mga mata nila ay nakatuon sa 'kin at nakakainis dahil nagbibigay ito ng tensyon sa aking kaloob-looban. Para akong hinahatulan kung karapat-dapat ba kong maging girlfriend ng isang Rale Luther Finn.
"Everyone, I would like you to meet my girlfriend, Mizzy Rain Iqo." He introduced.
Biglang tumahimik ang buong paligid at hindi ko maintindihan kung bakit ang awkward ng nararamdaman ko. Sobrang awkward na gusto ko na lang lamunin ng lupa.
Nagulat na lang ako ng biglang tumayo si Tyrus at biglang hinablot ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni Rale.
"Nice to meet you, Mizzy." Bigkas niya at tsaka niya ko nginitian.
"Rain. You call her Rain." Utos ni Rale sa kaniya.
"Paano kung gusto ko Mizzy? What are you going to do?" Hamon pa ni Tyrus na ikinaalarma ko.
"Hindi ako babalik sa grupo." Napatingin silang lahat kay Rale dahil sa sagot niya. Pati ako ay napatingin sa kaniya dahil sa hindi ko inaasahang sasabihin niya.
"Nice to meet you, Rain." Pag-uulit ni Tyrus na may diin sa pangalan ko.
I smiled and silently feel the pressure of being in front of many well-known people around the Philippines.
Pagkatapos akong kausapin ni Tyrus ay sunod-sunod namang tumayo ang iba pang nasa loob ng mansion.
"Now, I know why Rale is so in love with you. You were all he was talking about to us." Sabi ni Pryx habang nakikipagkamay sa 'kin. "Tsk. Tinamaan ang gago." Dagdag pa niya.
"Shut up, Pryx." Bigkas ni Rale na nasa likod ko.
Napatingin ako sa kaniya at tsaka ko siya tinaasan ng kilay.
"Kung napagtanto mong mas gwapo ako kay Rale, nandito lang ako." Natawa na lang ako sa sinabi ni Cole at agad naman siyang sinapak ni Rale.
"I'm Clio, Pryx's girlfriend." Pagpapakilala ng isa sa mga artistang kasama nila. Talent siya ng kompanya nila at kilalang-kilala siya dahil sa mga pelikula niyang tumatatak lagi sa mga tao.
And again, I can't stop myself from thinking how I'm so small compare to these people. Kahit anong gawin ko, ibang-iba ang mundo nila sa mundo ko.
Napatingin ako sa huling taong magpapakilala sa 'kin.
"I'm Canna, Rale's girlfriend." Pagpapakilala niya na ikinagulat ko.
"She's not." Pagtatama ni Rale at agad pinigilan si Canna na ituloy ang kaniyang pagpapakilala. "May usapan tayo, Canna." Bigkas niya sa kaniya pagkatapos niyang pumagitna sa 'min.
"Fine. I'm his ex." Pagtatama niya pero ni-hindi man lang niya ako tinignan at diretso lang ang kaniyang tingin kay Rale na nasa harap niya.
Bigla akong napaisip kung ano ang usapan nilang sinasabi ni Rale. Hindi ko alam pero parang hindi ko gusto ang mga nangyayari. Para akong isang bata na pinapalibutan ng mga matatandang iniisip na hindi ko pwedeng malaman kung anuman ang pinag-uusapan nila. And I hate this feeling of not knowing anything when I have a clue that there's something wrong.
Agad akong lumabas ng mansion at pumunta sa may likod kung saan matatagpuan ang hardin. This was my favorite place in this house. Dito ako laging tumatambay kapag gusto kong mag-isip.
Pero nandito ako ngayon para palamigin ang sarili ko. Gusto kong kumalma at 'wag munang mag-isip ng kahit ano.
"Rain!" Sigaw ni Tyrus.
"Gusto ko lang saglit magpahangin. Pakisabi kay Rale." Sagot ko sa sigaw nito.
Pero imbes na bumalik sa loob ay umupo siya sa tabi ko sa may lilim ng puno.
Tumingin ako sa kaniya at natagpuan ko ang nakangisi nitong mukha. "Bakit ka tumabi?" Naiinis kong tanong.
"Dahil gusto ko."

BINABASA MO ANG
Every Raindrops Of His Memories (Completed)
RomancePeople would always say that no man is an island. And that every person needs someone to be able to live. But my mindset is different. Having someone by your side is always temporary. Maiiwan at maiiwan ka dahil ang lahat ay hiram lamang. So, why b...