Chapter Sixteen

298 11 0
                                    

Rhianne's POV

Nakakainis yung bampirang 'yon!

Ang anghang nung ice cream!

Pagkauwi ko sa bahay at dumeretso agad ako sa kusina at nagtimpla ng gatas. Gatas kaya ang pampatanggal ng anghang!

Pagkatapos ko uminom ng gatas ay chi-neck ko lang si kuya tapos nag-review lang ako saglit at natulog nadin ako.

KINABUKASAN

As usual maaga akong nagising. Nagprito ako ng hotdogs at nagtimpla ng orange juice. Kumain lang ako saglit tas pumasok na ako sa univ. Pagkapasok ko sa univ. ay syempre dumeretso na ako sa room. Nakahinga ako ng maluwag ng wala pa ang professor namin.

Lumapit sa akin si Anne.

"Good morning, Rhi!" Bati niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Morning..."

Kinikilig na umupo si Anne sa tabi ko.

"May good news akong nalaman!" Sabi niya.

"Ows? Ano?"

"Bukas na daw retreat natin!"

Ngumiti naman ako. Excited na din ako!

"Tapos nililigawan ka daw pala ni Caspher?"

Nanlaki ng super duper ang mga mata ko.

"H-Ha?"

Tae. Sinabi pala ng walangyang caspher na 'yon!

"So, ano Rhi? Totoo ba? Yieee!"

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at namula.

"Oy guys namula si Rhi! CONFIRMED!" sigaw ni Anne at agad na nagingay ang mga kaklase namin.

"Ay talaga?"

"Grabe ang swerte niya, omg!"

"Ang gwapo ni Caspher!"

"Shocks gusto ko rin. Sana all!"

Ayan lang naman ang mga comment nila. Nahagip ng mata ko si Mandy na super sama ng tingin sa akin

Oh noes!

Natigil ang pangangasar nila sa akin ng pumasok sa room si Caspher.

"Kyaaaah! Andiyan na si lover boy!"

"Naks!"

"Ang sweet naman!"

"Gusto ko rin ng manliligaw na katulad ni Caspher!"

Tumingin ako kay Caspher at kinindatan niya lang ako.

Oh ghad, help me please!

***

P.e class namin ngayon sa wide space. Volleyball ang laro kaya naisipan ko na lang na umupo na lang sa bench malapit dun. Volleyball is not my thing I guess.

Naka p.e ako at syempre naka rubber shoes, mainit ngayon kaya naman nakatali ng pony tail ang buhok ko. Pinapanood ko lang sila maglaro habang yung iba kong classmates ay nakaupo lang din nanonood. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng lumapit sa akin si Caspher na may dalang bote ng mineral water.

Inalok niya ako.

"Drink this. Baka ma-dehydrate ka.."

Umirap ako.

"No thanks, baka may lason pa 'yan."

Kumunot ang noo niya at tumawa.

"Wala kaya.." Ani niya at uminom ng kaunti don.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon