Chapter Eighteen

291 13 0
                                        

Caspher's POV

"Sa'ng bus nga ba ako?" Tanong ko sa sarili ko habang tinititigan ang mga bus sa harapan.

Kinuha ko ang ticket sa bag at nakalagay do'n na bus 3 ako.

Pumunta na ako sa bus na iyon at humanap ng pwesto. Iginala ko ang paningin ko sa kabuoan ng bus at nakita ko si Flee sa dulong bahagi ng bus, nakapikit at may nakasalpak na earphones sa mga tenga niya.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Tinitigan ko ang mukha niya at napangiti na lang ako ng maalala ko ang mga naiinis at nagagalit niyang reaksyon tuwing pinagti-tripan ko siya. Cute.

Kinuha ko ang isang ear phone sa kanan niyang tenga at isinalpak ko ito sa kaliwa kong tenga. Napangiti ako sa ganda ng kanta.

And i see your true colors
Shining through
I see your true colors
And that's why I love you

Mapait akong ngumiti.

Kailan kaya? Kailan ko kaya makikita si Flee? My bestfriend? Yung pinangakuan ko.

So don't be afraid to let them show...
Your true colors
True colors are beautiful....

Muntikan narin sana akong makatulog ng magsalita ang bakla naming guide. Napatingin sa akin si Rhianne pero agad ding nagiwas ng tingin at inalis ang earphones at nakinig na lang sa guide namin.

"Sooooo! Heller guys! I'm Marlou Gonzaga but yer can call me Kuya loulie!"

Hay. Hindi naman sa ayaw ko sa mga bakla pero naiinis ako dahil hindi ko medyo maintindihan language nila. And it's kinda annoying pag hindi ko naiintindihan.

"Hindi ko pa kayo kilala, so yung papa diyan sa likod na super pogiii! Pakilala ka nemern po haha!" At itinuro niya ako.

Bumuntong hininga ako.

Nakakainis talaga 'tong baklang 'to. Kung tanggalan ko na kaya 'to ng puso dito tss.

"Uy... Caspher, tawag ka" sabi sa akin ni flee na kinakalabit kalabit pa ako.

Nag-roll eyes lang ako at nagsalita na.

"Caspher Ethan Hungsmen."

Kinilig naman si bakla. I rolled my eyes.

"OMG! Papa Ethan! Mamaya ah baka gusto mong mag-lunch tayo HAHAHAHA! CHAROT! Anyway, Ako ang guide niyo sa retreat. Tawagin niyo lang ako kung may problems kayo o nasusuka o nahihilo--ako ang bahala diyan! May dala akong first aid kit at kung ano-ano pa! Wag kayong mahiya sa akin, kahit ganito ako-- maasahan naman ako! So, Enjoy lang guys! Pahinga na muna kayo dahil mahaba-haba pa ang biyahey!"

Tatawa-tawang tumango ang lahat sa bus.

Sinalpak na ulit ni Flee ang earphones sa kaniyang mga tenga at kinuha ang kulay red na neck pillow at inilagay iyon sa leeg niya at natulog.

Tahimik na sa loob ng bus. Karamihan kase ay natutulog at nag-se-cellphone at kaunti na lang ang mga naguusap.

Nagkibit balikat na lang ako at kumuha ng ice cream sa may maliit kong cooler at sinimulan ko na itong buksan.

Vanilla is my fav.

Didilaan ko na sana ito ng marinig ko ang boses ni Rhianne.

"Omg! Saan ka nakabili niyan?!" Sabi niya habang nakatingin sa ice cream.

Dinilaan ko ang ice cream saka nagsalita.

"I bought this."

Sumimangot siya ng marinig niya ang sinabi ko.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon