Rhianne's POV
Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya.
Buset.
Nag-bow lang ako ulit tapos nag palakpakan ang mga tao at bumalik na ulit ako sa back stage.
Naabutan ko do'n si Anne.
"Omg beshie! Ang galing mo!"
Ngumiti ako.
"Thanks haha!"
Pagkatapos non ay nag kwentuhan lang kami habang hinihintay matapos ang contest. Medyo matagal nga ang awarding dahil madami dami din ang sumali.
Nang awarding na ay nagpaalam na ako kay Anne at pumunta na ako sa stage.
"The winner of the cosplay contest 2019 is.."
Nag hiyawan ang mga tao.
Nanatili naman akong nakatingin lang sa crowd at nakangiti.
"is.. Nezuko! From Kimetsu no yaiba!"
Nagpalakpakan naman ang mga tao.
(Si nezuko po ay isang super cutie na anime character from Kimetsu no yaiba or demon slayer.)
Pumunta naman yung babae na gumaya kay nezuko at tama nga sila super cute niya! omg!
*_*
Kinuha niya yung price at nag pa-picture.
"And the 1st runner up is.."
Tumingin ulit ako sa crowd at ngumiti na lang.
"Hina! From weathering with you!"
Hala!
Dahan-dahan akong lumakad papunta sa gitna at nginitan ang host.
"Here's your price. Keep it up!"
Nag bow lang ako at nag 'thank you'.
Humarap ako sa camera na nasa harapan ko at ngumiti ako ng matamis.
*click*
Nag-bow lang ako ulit pagkatapos bumalik na ulit ako sa back stage.
***
"Uwian na! May 1st runner up na tayo wuhooooo!"
Nakakabinging sigawan at hiyawan ang sumalubong sa akin pag pasok ko sa room namin.
"Nice one zer!"
"Congrats rhianne!"
"Naks baka hina ng room namen 'yan!"
Napapailing na lang ako.
"Congrats gurl!" Sabi ni Anne at niyakap ako ng mahigpit.
"Salamat sa inyong lahat!"
Pagkatapos non ay nagbihis na ako. pera yung price na napanalunan ko kaya naman bukas napagplanuhan ng buong section namin na kumain kami sa labas at magsaya.
Natapos ay Japanese festival sa university namin at super saya ko.
Nag-aayos na ako ng gamit ng lumapit sa akin si Anne.
"Gusto mo ba sumabay sa amin ni Carl umuwi?"
Umiling ako.
"Wag na. Okay lang hehe"
Ngumiti siya at niyakap ulit ako ng mahigpit.
"Congrats ulit rhi! Ingat ka sa pag uwi, bye!"
"Bye!"
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampirA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.