Chapter Six

374 11 0
                                        

Caspher's POV

Nalaglag ko ang mga papel na hawak ko dahil sa nabasa ko.

Is this possible?!

Tinawagan ko agad si Auntie.

"Hello Auntie? Are you sure about the background details of the girls? "

This is so surreal!

"Oo naman, limang babae ang pinaghihinalaan ko. Sigurado akong isa sa kanila ang anak ko. Sigurado ako. Kaya naman kung maari ay dapat makapagperform kana ng DNA test sa lalong mas madaling panahon."

Bumuntong-hininga ako.

"Auntie, all of them have families. hindi kaya--"

Natigil ako sa pag-sasalita ng unahan ako ni Auntie.

"Lahat sila may pamilya, magulang or what so ever! Pero adopted silang lahat. Hindi alam ng iba sa kanila ngunit adopted children sila. Magagaling ang mga researchers ko."

Napabuntong hininga na lang ako.

"Nakikiusap ako na gawin mo ang hiling ko at tulungan mo ako. Buhay ang anak ko. Buhay siya. Ang kailangan mo lang gawin ay siguraduhin kung sino sa kanila ang anak ko. Mag-perform kana ng DNA test."

Napa-pikit ako.

"Fine."

At ibinaba ko na ang tawag.

I can't believe this.

***

Rhianne's POV

*knock knock*

Sino ba 'yun?! Ang aga-aga nambubulabog!

*knock knock*

Hindi. Matutulog pa ako..

*knock knock*

"Bunso! Gising na! Wag mo naman akong pahirapan!"

Agad akong napabangon.

"Opo kuya! Pababa na!"

Aissshhh! Ang ganda na sana nung tulog ko!

Inis akong naligo at nagbihis bago ako bumaba.

"Saturday ngayon kuya. Ba't mo ako ginising ng maaga? Grabe naman minsan na nga lang ako makatulog ng matino.."

Nag-lakad si kuya papunta sa kusina at pagbalik niya ay may dala na siyang malaking kahon.

Inabot niya ito sa akin.

"Para saan 'to?"

Umirap si kuya.

"Ilagay mo na diyan lahat ng gamit mo. Lilipat na tayo!"

No..

"A-Ano nang gagawin mo sa bahay pag nakalipat na tayo?" Tanong ko kay kuya kahit alam ko na ang sasabihin niya.

"Baka ibenta ko na lang--"

Nabitiwan ko ang hawak kong kahon.

"Kuya! Hindi mo pwedeng gawin 'yan! Mahalaga kay mama at papa itong bahay!"

Ito na lang yung natitira kong alaala kay mama at papa...

"Alam ko naman yun bunso... Pero wala tayong magagawa. Kailangan na natin ibenta 'to. Kung hindi, mahihirapan ka makapasok sa kolehiyo at kung hindi ako swertehin ay baka hindi kana makapag aral."

Natigilan ako.

"H-Hindi na makakapag-aral?"

Malungkot na tumungo si kuya.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon