Carl's POV
Tinalian ko ang bibig ni Anne. Hinalikan ko siya sa noo at tumulo na naman ang luha ko.
I'm a demon hunter yet the one that I love is a demon.
Natawa na lang ako sa mga naiisip ko.
Hinaplos ko ang pisngi niya at agad na nagulat ako ng magmulat siya ng mata.
Kulay lila ang mata niya...
Nagpipipiglas na naman siya.
"Rrrr..."
Napatingin siya sa akin.
"Rrrrr..."
Lumungkot ang mga mata ko.
"Maghintay ka lang Anne. Hahanap ako ng gamot. Makikilala mo ulit ako."
***
Rhianne's POV
"Bunso! May delivery daw para sayo!"
Nagulat ako sa sinabi ni kuya.
"Po? Eh kuya wala naman akong pinadeliver.."
Lumapit sa akin si kuya.
"Huh? Eh pangalan mo ang hinahanap do'n!"
Nakamot ko ang aking ulo.
"Sige, pupuntahan ko na po muna."
Lumabas ako ng bahay at tama nga si kuya may delivery nga.
"Good day ma'am! Are you Rhianne Josephine Buenavarta?"
Tumango naman agad ako.
"You have a package ma'am." At nagtungo siya sa motor niya at kinuha ang isang kahon.
"Ahm kanino po galing 'yang package?" Tanong ko.
Umiling siya.
"Hindi din po namin alam. Paki-pirmahan na lang po ito." At may inabot siya sa aking ballpen at papel.
"Sige po.."
Pagkatapos ko pumirma ay ipinasok ko na sa loob yung kahon. Hindi na ako nag padalos dalos at dali dali ko itong binuksan.
Isang gown ang tumambad sa akin.
Kinuha ko ang papel sa gilid at binasa.
Short Sleeve Taffeta Ball gown with sequin floral embroidery.
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Agad kong inilabas yung ball gown at ang ganda! Ang elegant tignan!
Lumapit si kuya sa akin at tinignan din yung ball gown.
"Wow ang ganda naman ng napili mong gown bunso! Mukhang mamahalin. Naks yayamanin!"
Kumunot ang noo ko.
"Hindi ko 'to pina-deliver kuya..."
Tinapik ni kuya ang balikat ko.
"Baka si caspher ang nag pa deliver. Wag kanang tumanggi!"
Tinitigan ko ang gown at bumuntong hininga na lang ako.
***
"Yeah Ate Cass hindi na po ako sasama sayo sa dress shop. Meron na po kasi akong gown,"
"Thank you na lang po. Kita na lang po tayo sa university bukas, Bye!"
At tinapos ko na ang tawag.
Tinitigan ko ulit yung gown na nasa ibabaw ng kama ko. Kinakabahan na ako sa mga nangyayari. Una yung silver bracelet pangalawa itong gown.
Sino ba kasi talaga ang nagbibigay?
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampireA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.