Chapter Thirty Four

237 8 0
                                    


A/N: Si Hina po yung nasa taas. Credit to the owner of the pic :)

***

Rhianne's POV

"Aray naman!" Sigaw ko ng mahatak ng sobrang lakas ang buhok ko.

Bumungisngis ang mga kaklase kong nagtatali ng buhok ko.

"Isa pang hatak ah! Letse.."

Nag rolled eyes ang kaklase kong nagma-make up sa akin.

"Wag kang magulo..."

Napa-buntong hininga ako.

Kalma self. Mga kaklase mo 'yan.

"Ayan tapos na!" Natutuwang sigaw ng mga kaklase ko ng matapos nila ang pagipit sa buhok ko.

"Ang cute! Bagay ang pigtail hairstyle sayo, kamukhang kamukha mo na si hina-san!"

Napailing na lang ako.

Sakto naman na tapos nadin ang nag me-make up sa akin.

"Tapos na ako, check niyo na kung may kulang pa ba. Kukunin ko lang yung pina-order kong transparent na payong sa baba."

Tumango naman ang mga natira kong kaklase pagkatapos binigyan nila ako ng salamin.

"Tignan mo kung okay lang ba pag ayos namin sayo."

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at okay naman ang pagkakatali nila sa akin at pag make up.

Natigil ako sa pagtingin sa sarili ko ng may narinig akong tumatawag sa akin.

"Rhianne!"

Lumingin ako at nakita ko si Anne.

"yiee ang cute mo naman rhi!"

Ngumiti ako.

"Salamat haha."

Agad niyang ibinaba yung bag niya at naghalungkat ng kung ano do'n. Nang mahanap niya ay agad niyang ibinigay sa akin.

"Oh ayan! Alam mo naman na support kita eh."

Tinignan ko ang ibinigay niya.

Choker iyon na kulay black tapos yung pendant niya ay parang isang patak ng tubig ganern haha.

"Ba't mo ako binibigyan nito?" Tanong ko. Di ko naman birthday!

Napa-kamot siya sa ulo niya.

"Diba si hina yung iko-cosplay mo? Ayan! Yang choker na bigay ko sayo katulad iyan ng kay hina!"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ows?"

"Talaga! Ang hirap nga makahanap niyan eh. Sa online pa ako nakakita."

Napangiti ako ng todo.

"Salamat pala anne hehe!"

Napa-iling na lang siya.

"Ano pa nga ba? By the way, galingan mo mamaya ah. Good luck muahh!"

Nag-wink ako.

"Syempre!"

Tinignan ko lang saglit ang suot ko. Naka-sleeveless hoodie lang ako tapos short at rubber shoes.

Napalingon ako ng may tumawag sa akin.

"Rhianne!"

"Oh?"

"Ito na yung payong mo oh!"

Inabot sa akin ng isa sa mga kaklase ko ang transparent na payong.

"Salamat!"

Pagkatapos non ay inayusan pa nila ako.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon