Rhianne's POV
Pagkatapos kong suotin ang light blue summer dress ay lumabas na ako at sinalubong ako ni Ate cass.
"Halika na rhi! Bilis, malapit-lapit na magsimula yung party!"
Tumango ako kay Ate Cass at lumabas na kami at sumakay sa kotse papunta sa salon.
***
"Aray!"
Napahiyaw ako sa sakit ng i-wax ang legs ko. Mangiyak ngiyak ko namang tinignan ang legs ko. Maganda naman na ito, makinis na at wala na ang mga maliliit na buhok ngunit masakit parin talaga! Kainis!
"You okay rhi?" Tanong ni Ate Cass mula sa kabilang sulok ng salon. Kinukulot na ang kaniyang buhok habang may nag fu-foot spa sa kaniya.
"Keri.." Sabi ko kahit gustong gusto ko na isalvage itong babaeng nag aassist sa akin. Hindi magdahan dahan kala mo may pupuntahan tss.
Pagkatapos akong i-wax ay finoot spa naman ako. May pa manicure at pedicure pa nga pagkatapos. Kinulot na lang nila ulit ang buhok ko dahil wala na ang kulot nito pero hindi na nila pinake-elaman ang make up ko.
"Parang gusto ko pa mag pa-bangs." Sabi ni Ate Cass habang papalabas kami ng salon.
Mahina naman akong tumawa.
"Joke.. Baka malate tayo sa party, let's go!" At nagmadali kaming sumakay ng kotse pauwi sa mansyon.
"Oh my!" Napatakip ng bibig si Ate Cass ng makitang marami-rami ng bisita ang nasa living room.
Malapit na palang magsimula ang party. Mukhang nasarapan kami ni Ate Cass sa pagsasalon.
"Bihis na tayo rhi!"
Agad niya akong ibinalik do'n sa kwarto na mukhang dressing room. Sinuotan na ako ng heels at pinusod na ang buhok ko. Pagkatapos nila akong i-check kung may kulang pa ay pinalabas na nila ako dahil naghihintay na sa akin si Ate Cass sa labas.
"Ang ganda mo rhi!" Sabi ni Ate Cass ng makita niya ang kabuoan ko.
Ngumiti naman ako.
Tinignan ko ang suot niya.
Naka-red cocktail si Ate Cass. Hanggang talampakan ang dress at may mahabang slit. Long sleeves ang sa may itaas pero kita ang cleavage. Nakalugay ang kulot niyang buhok at may nakasabit na danggling earings sa tenga niya.
Ang sexy at hot niya!
"Let's go?" Aya ni Ate Cass at tumango ako. Pumunta kami sa living room. Umupo kami sa table and seat na malapit sa mini stage. Nakita ko si Anne na papalapit.
"Anne!" Tawag ko at agad naman siyang ngumiti at lumapit sa amin at umupo sa vacant seat.
Naka-white cocktail dress si Anne, tulad ng akin tube like ang itaas into pero walang slit at nakalugay ang straight niyang buhok. Mukha siyang angel!
Uminom siya ng wine na nasa table namin bago na kipag beso.
"Kala ko late na ako! Haha" sabi niya at nagtawanan kami.
"Magsisimula narin naman.." Sabi ni Ate Cass at tumango kami. Nag dim-lights na at ang liwanag ay nasa mini stage na lang, hudyat na simula na.
Umakyat ang host sa itaas.
"Ladies and gentlemen, here comes Caspher Ethan Hungsmen, give him a round of applause."
Pumalakpak naman kami.
Umakyat si Caspher sa mini stage.
Omg! Ang gwapo mo love! Haha!
"Hello everyone. Thank you for coming here in my party. I hope you enjoy and like the food and ambiance here in our mansion. Again, thank you very much. It's so nice to see you all here. Enjoy." Yun lang ang sinabi niya at bumaba na siya. Nagpalakpakan ang mga bisita.
Sinabi lang ng host na pwede magswimming at kumain sa pool area at nando'n naman ang foods sa garden. Pagkatapos ay umakyat na sa stage ang mga sikat na banda at performers at kumanta. Marami ng tumayo sa kani-kanilang seat at nagsayawan. Maraming pumunta sa bar island upang uminom ang iba ay pumunta na sa garden at pool area.
Napabalikwas ako ng may mahinang kumagat sa tenga ko. Nakita ko ang ngingisi-ngising si Caspher.
"Baliw!" sabi ko at tumawa naman siya at hinalikan ako sa pisngi.
"Do you want to eat first?" Tanong niya ngunit agad akong umiling.
"I want to dance..." Bulong ko. Tumayo kami at nagsasayaw. Tumitig ako sa mga mata niya habang gumigiling ako. Mas lumapit ako sa kaniya at idinikit ko ang katawan ko sa katawan niya.
Gumiling ako.
Napahinto naman siya.
Natatawang tumakbo ako papunta sa bar island at humingi ng shots ng vodka. Pagkalagay na pagkalagay sa harap ko ay nilagok ko agad 'yon. Gumuhit sa lalamunan ko ang alak at napangiti ako.
Parang gusto ko maglasing haha!
Nang makalapit sa akin si Caspher ay hinila ko siya pabalik sa pinanggalingan namin upang sumayaw.
"Don't drink too much.." Aniya habang gumigiling ako sa harap niya. Diniin ko ang sarili ko sa kaniya at gumiling pa ako.
Nang malapit ang mukha ko ay agad ko siyang binigyan ng mumunting halik sa labi at hinila ko ang ulo niya pababa at nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.
"Happy Birthday love, I love you." Ngumisi siya at hinalikan ako sa pisngi.
"I love you too."
Nagsasasayaw lang kami saglit at umalis narin kami. Medyo nakakainis itong si Caspher dahil ayaw niya akong painumin! Hindi naman na ako bata, e!
"Ilang shots lang naman, e!"
"No."
Sumimangot ako.
Pumunta kami sa Garden at tama nga ang hinala ko, marami narin ang nandoon. Mula sa mga elegant gowns/ cocktail dresses ay nakapagpalit na sila at mas naging mas maikli ang kanilang naging suot.
"What do you want to have?" Tanong niya habang nasa tapat naman ang buffet table.
"Garlic pasta na lang tapos kahit anong drinks." Tumango siya at umupo na ako sa pinakamalapit na seat. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik siya dala dala ang mga pagkain.
Garlic pasta at fruit shake.
Masaya kong nilantakan ang pagkain at ganon din si Caspher. Pagkatapos namin kumain ay lumapit si Ate Cass at Anne na naka two piece!
"Wow naman! Haha" ani ko ng mas nakita ko pa ang kabuoan nila.
"Tara swimming!" yaya ni Ate Cass. Grabe ang sexy tae! Sana all!
Yeah! Parang gusto ko mga mag swimming! At uminom ng kaunti hehe. Tatayo na sana ako ng hilain ulit ako ni Caspher paupo.
"What the heck?!"
Kumunot ang noo ko at tumingin ako kay caspher.
"No." Sabi niya.
Ugh! Gusto ko mag swimming e!
"Ihh Caspher gusto ko mag swimming eh!" Maktol ko pa dahil gusto ko talaga maligo. Feel ko maglasing at maligo!
Tinitigan niya ako.
"Alright. Go. Mag swimming ka. Pero kapag nakita kitang naka-two piece, may mangyayari rhianne, may mangyayari, umayos ka."
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampiroA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.