Rhianne's POV
"What are you doing?"
Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Caspher. Agad kong pinulot ang photo album.
"Ah wala naman. Nagtitingin tingin lang.." Ngumiti ako.
"Here are your clothes. Maligo kana para di tayo malate."
"Sige."
Kinuha ko ang mga gamit ko at nag tungo na ako sa guest room. Pumasok ako sa c.r at nag lagay ako ng warm water sa may bath tub.
Habang nagbababad ako sa bath tub hindi ko maiwasan maisip kung sino nga ba si fleenimarie gray.
Nang matapos ako, mabilis akong nagbihis at nagtungo ulit sa kwarto ni Caspher. Puro si fleenimarie ang nasa isip ko kaya sigurado akong babagsak ako.
Joke!
Ayoko bumagsak! Kailangan ko makagraduate at makapaghanap ng magandang trabaho. Kailangan ko suklian lahat ng hirap na ibinibigay ni kuya rico sa akin. Nagta-trabaho 'yon sa malayong lugar tapos babagsak lang ako? No way!
Kailangan ko maka graduate!
Oo nga pala.. Miss ko na si kuya rico medyo nabusy kasi 'yon sa work niya kaya ganun.
Lumabas si Caspher mula sa c.r nang kwarto niya na bihis na.
Ngumiti siya.
"Ready?"
Bumusangot ako.
"Masyadong maraming iniisip utak ko.. Baka di ako makapasa HAHAHA!"
Umiling siya.
"Don't worry papakopyahin kita."
Wow naman! Edi ikaw na nag review hahaha! sana all!
Kinuha niya lang gamit niya tapos lumabas na kami.
"Kinakabahan ako HAHAHAHAHA!" Sabi ko. 'Yan tayo eh nasa huli ang pagsisisi, ba't ba kasi nakalimutan na may exam? tss.
Alam niyo kung baket? Alam niyo? Alam niyo?
Feeling ko kasi wala akong masasagot na tanong. Yung tipong no. 1 pa lang eh di mo na alam.
Tumawa siya.
"Papakopyahin nga kita."
Ngumisi ako.
Sumakay na kami sa kotse niya at pumuntang school.
***
Pagpasok ko sa room agad na bumungad sa akin si anne.
"Rhi! Nabalitaan ko yung nangyari kagabi, okay lang ba kayo?"
Tumango ako.
"Buti naman.. Siya nga pala nag review talaga ako ng mabuti dahil malaki points ito sa grade natin haha"
Tumawa ako.
"Masyado ako marami iniisip, di ako nakapag review ng maayos. Baka bumagsak ako hahahaha!"
Tumawa siya.
"Ayos lang 'yan, kopyahan na lang hahahaha tutal ga-graduate naman na tayo"
Tumawa lang ako tapos hinila ko na siya papunta sa mga seats namin.
Kakapasok lang ni Caspher. Pinark kase niya yung kotse at bumili pa yata siya ng snacks.
"Uy, hi caspher!" Bati ni Anne.
"Mukhang nagreview 'to ah! Pakopya naman hahahaha!" Ani ulit ni Anne.
Ngumisi si Caspher.
"Sure.."
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampirosA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.