Chapter Thirteen

321 11 0
                                        

Rhianne's POV

"Rhi, free ka ba ngayon?"

Kausap ko si Anne ngayon sa phone at dahil birthday ko naman daw kahapon ililibre niya daw ako.

"Oo naman yes, sa'n ba?"

"Hintayin mo na lang ako diyan, mag ayos kana ha!"

"Oo na.."

Pagkatapos ng usapan namin ay nagbihis na ako. Black T-shirt at white jeans lang ang suot ko. Itinali ko lang ang buhok ko at nag-lagay ako ng light make up at boom! Tapos na. Pang natural lang yung ganda.

Sakto naman na narinig ko na ang sigaw ni Anne na sobrang nakakarinde jusme.

"RHIANNE, NANDITO NA AKO!"

OA talaga kahit kailan eh.

"Pababa na rin ako!"

Kinuha ko lang ang sling bag at phone ko tapos bumaba na rin ako.

Pagkababa ko ay nagulat ako dahil hindi lang si Anne ang nakita ko. kasama si Ate Cass at Caspher.

"B-Bakit--"

Pinutol na ni Anne ang tanong ko.

"Sama na sila. Para namang hindi natin sila super bestfriends!"

"Sige.." Tumango tango pa ako. Wow, super.

Nagpaalam lang ako kay kuya tapos umalis na rin kami.

"Sa'n ba kasi tayo pupunta?"

Nandito kami ngayon sa kotse ni Caspher at iyon na nga ayaw nilang sabihin sa akin kung saan ba talaga nila ako dadalhin.

"Secret!"

Bumusangot ako at tumahimik na lang. Bahala na nga sila diyan.

Makalipas ang mahigit isang oras ay nakarating din kami sa--

"Dito lang pala tayo pupunta?!"

Tumawa lang sila at pumasok na kami sa loob ng MANSYON NILA CASPHER LANG NAMAN.

"Don't worry Rhi! Hindi ka naman mababagot. Nagluto kami at magmovie tayo o kahit magswimming pa tayo eh. Kahit anong gusto mo. No worries!"

Ngumiti ako.

"Gusto ko magswimming kaso--"

"Don't worry may swimsuits ako dito!"

Hinila niya ako paakyat sa kwarto niya.

Ipinakita niya sa amin ang mga swimsuits niya na sobrang dami at iba't iba ang kulay at design.

"Wow! I like the green one!" Sabi ni Anne at dali daling kinuha yung kulay green na two piece.

Ngumiti si Ate Cass.

"This one..." Sabi ni Ate Cass at kinuha yung kulay purple na two piece.

Tinignan ko ang mga swimsuits sa harapan ko.

"Ito na lang.." Sabi ko at kinuha ko yung kulay white na two piece. Grabe naman 'to, hindi naman kita kaluluwa ko 'no?

"Sige, magbihis na kayo bababa muna ako at magpapahanda lang ako ng foods."

Umalis si Ate Cass at nagbihis na kami.

"Sheeet, ang sexy mo teh! Sana all!" Sigaw ni Anne pero tawa lang sagot ko. Feeling ko kasi ampayat ko tignan pero over all okay naman sakto lang sa akin.

At ayun bumaba na nga kami.

Naabutan namin si Ate Cass na nakikipagusap sa maid.

"Barbeque at beer. Pakidala na lang sa pool area."

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon