Rhianne's POV
"Opo naman syempre! Ang cool kaya nun hehe" Sagot ko kay Ate Cass.
Ngumiti naman si Ate Cass.
"Gusto mo ba mag take-out?" Tanong niya bigla.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Nakoo! Wag na po. Nakakahiya naman po. Nilibre niyo na nga po ako.." nahihiyang sabi ko kay Ate Cass.
Dahil nahihiya na talaga ako dahil ambait niya! Super!
Umayos ng upo si Ate Cass at ngumiti.
"Don't worry, keri lang 'to haha! At tsaka.. remember? sa amin naman ni Caspher itong shop."
Natigilan ako.
Ha?
"Sa inyo po ito?!"
Tumawa si Ate Cass.
"I thought you already figured it out."
Umiling kaagad ako.
"Paano ko naman po malalaman? kanino po bang pangalan yung pinangalan niyo dito sa shop? Hindi niyo kasi pangalan." kakamot-kamot ulo kong paliwanag.
Tumawa ng malakas si Ate Cass.
"Silly girl! Second names namin 'yon!"
Natigilan ang mga mata ko.
"Nalilito na talaga ako super!"
"Hahaha... Tama na pag-iisip at ubusin mo na itong cake mo."
Agad akong tumango at ngumiti
Ang sarap kaya nitong cake!
***
Cassiopeia's POV
Taas noo akong naglakad papasok sa aming mansyon. I flip my hair at sinalubong ang walang kwenta kong kapatid.
Loser talaga.
"Ayan na!" Hinagis ko sa kaniya ang zip lock bag na naglalaman ng ilang hibla ng buhok ni Rhianne.
"Tss."
Inirapan ko lang siya.
Kaya ako nakipagkita kay Rhianne kanina kasi gagawin ko nga ang plano ko. Kukuhanan ko siya ng kahit isang hibla ng buhok at iyon ang gagamitin namin para sa DNA test kung siya nga ba ang kababata namin na si Flee.
"Thanks."
Kumindat ako sa kaniya.
Kinuha ko ang phone ko at di-nial ko si Auntie Fhil.
"Hello?"
"Auntie, This is Cass. I just want to inform you na mag-pe-perform na kami ng DNA test bukas."
May narinig akong tunog ng pag kalat ng mga papel.
"Who? Sabihin niyo sa akin para macheck ko ang background details."
Bumuntong-hininga ako.
"Rhianne Josephine Buenavarta. Siya ang una naming pinili dahil kakilala namin siya."
Pumalakpak si Auntie.
"Very good! you can perform the DNA test tomorrow."
Tinapos ko na ang tawag at dumiretso na ako sa kwarto ko. Pumunta ako sa walk-in closet ko para sana magpalit ng damit ng makita ko ang blue dress na sinuot ni Rhianne.
Kinuha ko ang dress at tinitigan.
Pumatak ang luha ko.
Flee, nasa'n ka na ba kasi? Ba't ka ba nawala? Mukhang mahihirapan kami kasi tao ka pa din.
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampiriA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.