Rhianne's POV
Pagkatapos namin tumingin sa magandang view ay bumalik na din kami at saktong ayos na ang bus kaya naman umalis narin kami. Buti na lang at na ayos na kaagad.
CAVITE
At ayon! Nandito na kami sa cavite! Maganda itong pinuntahan namin dahil camp site siya sa harapan pero sa dulo ay may beach. Astig diba? hehe.
Nandito kami ngayon sa camp site. Puro bermuda grass lang dito at may mga iilan lang na puno rin sa gilid kaya hindi naman masyadong masukal.
Lumapit sa amin si kuya loulie dala ang mga tents at foods.
"So guyszue! Ibibigay ko muna itong mga tent niyo ah? Bago kumain kase kailangan niyo muna mag-ayos. Bukas na tayo mag activity sa beach, sa ngayon ay ayusin niyo na muna ang mga tent at mga gamit niyo para makakain na kayo at makapagpahinga at! tag dadalawa sa tent ah! Pwede lalaki at babae magkasama basta walang gagawing milagro ah? Hahahaha! okay! Gorabells na itech!" At ibinigay na niya na sa amin ang mga tent namin.
Natutuliro akong lumingon kay caspher.
" Uh, S-Si Anne ang pair ko ah?" Sabi ko sa kaniya at maglalakad na sana ako papalayo ng lumapit sa amin si Mandy.
Ugh..
Matamis ang ngiti ni Mandy kay caspher samantalang sa akin ay halos patayin niya na ako gamit ang mga masasamang tingin niya.
"Hi caspher babes! Wala kang ka-pair? Let's go? Tayo na lang dalawa!"
Napairap na lang ako. Edi kayo na. Psh, ang harot!
"Sige pupuntahan ko na si Anne..." Akmang pupuntahan ko si Anne ng magpakita naman siya sa harap ko bigla.
"Oh? Andiyan ka na pala eh! Halika na!" Sabi ko pero nakatayo lang siya do'n habang pinapanood ang panlalandi ni Mandy kay Caspher.
"Akala ko ba mag-pair kayo ni Caspher?" Tanong niya at ngumiwi ng halikan ni Mandy si Caspher sa pisngi.
Napairap na lang ako.
"Hindi, si Mandy ang ka-pair niya kaya halika na." Sabi ko pero ayaw niyang patinag. Ano bang problema nito?
Bumuntong hininga na lang ako.
"Ahm excuse me? Si Rhianne ang ka-pair dapat ni Caspher." Sabi ni Anne at hinila palayo si Mandy kay Caspher.
"Uh excuse me rin! I don't care! Kita mong ako ang katabi ni Caspher diba? Hindi siya bagay sa iba diyan!" At inirapan niya kami ni Anne.
Maka 'hindi bagay' talaga? Kala mo naman!
"Stop." Saway ni Caspher kay Mandy
"Why caspher? Sila dapat ang pinahihinto mo at pinaaalis!"
Mukhang hindi na nakapagtimpi si Anne at hinila na niya si Mandy.
"Ano ba! Let go of me! Yuck!"
"Kami na lang ang magka-pair ng bruhildang ito hehe!" Sabi ni Anne na may pilit na ngiti pero sinasabunutan niya ng mahina si Mandy kapag nagpupumiglas
"Sure?"
"Sure! Enjoy kayo diyan! Sigurado, mageenjoy kami ng bruhildang ito bye!" Paalam niya pero rinig ko parin ang pagtutol ni Mandy.
"Bitiwan mo ako! Caspher babes!"
Napangiwi ako at tumingin kay Caspher.
Ngumiwi na lang din siya at nag-ayos na lang.
Hayy.
***
Natapos kami ni Caspher sa pag-aayos ng tent at gamit. Yung tent namin malaki 'yon. May hati sa gitna para di magsama yung mga matutulog kaya okay lang kasi di naman kami magkatabi ni caspher diba? Hehe
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
WampiryA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.