Chapter Seventeen

297 9 0
                                    

Rhianne's POV

Pumasok kami ni Ate Cass sa kwarto niya at pinaligo niya ako. Pagkatapos kong maligo ay pinasuot ako ni Ate Cass ng white t-shirt at pajamas tapos tinali niya ang buhok ko.

"Gusto mo ba uminom ng gamot? Mukhang magkakasipon ka.." tanong ni Ate Cass habang nilalagyan ako ng light make up.

"Okay lang naman po ako.."

Pagkatapos akong lagyan ni Ate Cass ng lip gloss ay matamis siyang ngumiti.

"Tapos na!"

Tinignan ko sa salamin ang itsura ko at okay naman. Bagay sa akin ang ginawang ayos ni Ate Cass. Tumalikod ako at nakita kong nagliligpit ng mga gamit si Ate Cass.

"Ate Cass, anong degree program ang tinapos mo?" tanong ko lang dahil medyo curious ako. Natigilan siya sa pag-liligpit at humarap siya sa akin.

"Culinary Arts ..."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Kaya pala ang sarap mong magluto at magaling ka pang mag bake!"

Ngumiti naman siya.

"Ikaw? Ano bang kukunin mong course?"

Ngumiti ako.

"Education, Major in English."

Lumapit sa akin si Ate Cass.

"So, teacher huh?"

Tumango ako at ngumiti ng matamis.

"Promise mo sa akin na kahit anong mangyari ipagpapatuloy mo ang pag aaral mo."

Nakangiting tumango ako.

"Halika na, baka naghihintay na 'yon.."

At hinila na niya ako palabas.

***

"Bakit tayo nasa mall?" Tanong ko dahil dinala niya ako sa mall.

"Mag de-date ba tayo?" Tanong ko pa.

He rolled his eyes.

"No, pupunta tayo sa super market. Bibili tayo ng mga snacks natin para sa retreat."

Bumusangot ako sa sagot niya.

Hayy, ano pa ba ang aasahan ko dito sa sweet kong manliligaw?

Dumeretso kami sa super market at namili.

Syempre magkaiba kami ng basket at ako ang magbabayad ng pinamili ko dahil SWEET nga siya to the point na gusto ko ibuhos sa kaniya itong hawak kong olive oil. Grabe ang GENTLEMAN kasi.

Hindi ko siya pinapansin at focus lang ako sa pamimili, the heck I care sa kaniya!

Inilagay ko sa pushing cart ko ang sterilized milk, yogurt, biscuits, apples, bananas, potato chips, chocolates and candies hehe! Tsaka nagtingin tingin pa ako ng konti sa paligid. Since nakuha ko naman na lahat ng gusto kong kainin sa retreat ay pumunta na ako sa counter para magbayad.

Pagkatapos kong magbayad ay dali dali akong lumabas ng mall at nagcommute pauwi.

Ayoko na makita yang Caspher na 'yan naiinis ako!

Pagkauwi ko ay nandun na ang bag at uniform ko. Alam kong hinatid yun dito ni Ate cass at Anne so I text them, nagthank you lang ako.

Inayos ko na ang mga pinamili ko pati ang gamit ko at umakyat na ako sa kwarto ko. Natigilan ako dahil nagsalita si kuya.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon