Rhianne's POV
Napa-atras ako.
"A-Anong nangyayari? Paano mo napatay itong h-halimaw?"
Seriously kinikilabutan na ako. Ewan ko kung maiiyak ba ako o ano sa nakita ko ngayon.
Sobra kasing nakakatakot!
Bigla na lang naglaho ang halimaw at itinago na ni Carl ang espada niya.
"Hindi 'yon halimaw. Demonyo 'yon. Aksidente kong naiwan na nakabukas ang portal papunta sa kulungan ng mga demonyo at nakawala ang isang 'yon pero ayos naman na. Wala nang dapat ipag alala."
Natulala ako sa mga sinasabi niya. Para na akong mababaliw dahil sa mga nangyayari!
"What? Are you serious?! Bakit alam mo ang mga ganong bagay? Demonyo ka ba? At papano si Anne.. Baka mapahamak siya!"
Tinulungan niya ako tumayo at tumitig siya sa akin ng may lungkot sa kanyang mga mata.
"Tao ako."
Napahinga naman ako ng maluwag.
"Isa ako ang Demon Hunter. Pinapatay ko sila at kinukulong."
Naibaba ko ang paningin ko bigla.
"H-Hindi ba delikado 'yang ginagawa mo? Paano kung mapahamak ang pamilya mo at si Anne?"
Umiling siya sa akin.
"Wala na akong pamilya at si Anne..."
Nangunot ang noo ko.
"Bakit?"
"White demon si Anne."
Nanlaki ang mga mata ko. Parang sumakit ang ulo ko sa sinabi niya!
"ANO?!"
Napa-awang ang bibig ko.
"H-Hindi..."
Tumitig siya sa akin.
"May dalawang klase ng demon. White demon at Black demon. Ang Black demon ay ang mga demonyong kumakain ng tao. katulad ng nakita mo kanina. Masasama sila at walang puso."
Bumibilis ang paghinga ko.
Ano ba 'tong nangyayari?
"Ang mga White Demon naman ay hindi kumakain ng tao. Imbis na kumain sila ng tao upang lumakas sila ng lumakas, natutulog na lang sila."
Nangunot ang noo ko.
"B-Bakit parang hindi naman demon si Anne?"
Huminga siya ng malalim.
"Dahil hindi pa siya nag kakaroon ng blood contact sa totoong pamilya niya."
"Ibig mong sabihin-"
"Yes. Adopted child si Anne. Mga tao ang nagpalaki sa kanya."
Lumungkot ang mukha ko.
"Kumuha ako ng blood sample sa kanya at tama nga ako. Kailangan ng dugo ng pamilya niya para maging ganap siyang demon."
Tumitig ako sa kaniya.
"Malakas ang pang amoy ko rhianne. Dahil sa pang amoy ko nadiskubre ko na hindi normal si Anne."
Mas lalo akong tumitig sa kaniya.
"And you know kung kanino pa ako na wi-wirduhan? Sayo. Sayo Rhianne. May naaamoy akong kakaiba sayo. I don't know pero iba, iba sa mga tao."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Grabe para na akong maiiyak sa mga nalalaman ko.
I-Iba?
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampireA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.