Special Chapter

315 7 0
                                    

Rhianne's POV

"Feli baby diba sabi ko bawal kumain ng madaming sweets?"

Malungkot na tinignan ako ng anak ko. Anak pala namin ni Caspher.

Nagulat ako ng bigla itong umiyak. Oh shiz!

"Feli!"

Tumakbo ito papunta sa kwarto namin ni Caspher.

"Daddy!" Sigaw niya habang umiiyak.

Napailing na lang ako at isa isang pinulot ang nagkalat na chocolates dito sa living room. Ang bata na 'yon sasakit na naman ang ngipin niya. tsk.

After two years nagpakasal na kami ni Caspher. Mama gave us a mansion, wedding gift niya sa amin iyon. One year after that ay isinilang ko ang panganay namin ni Caspher na lalaki na si Finlay at five years after non ay isinilang ko naman si Felicia ang bunso namin.

Ngayon seven years old na si Fin at two years old naman si Feli. At sobrang saya namin. Wala na akong hihilingin pa.

Pagkatapos kong itapon sa trashcan ang mga kalat ay nakita kong bumaba si Caspher karga karga si Feli. Bahagya pa itong humihikbi sa balikat niya.

"Love, what happened?" Tanong ni Caspher habang pinupunasan niya ang luha ni feli. Nakasiksik si feli sa leeg ni Caspher. Napailing na lang ako.

"Love, nasobrahan na naman 'yan sa chocolates baka masira ang ngipin."

Saktong pagpasok ni Fin sa bahay galing sa school. Grade one na siya.

"Mommy look nakagawa ako ng boat!" At pinakita niya sa akin.

Hinalikan ko ang noo niya at pinunasan ko ang likod niya. Punong puno ng pawis. Baka mag ka-ubo!

"Wow. Amazing baby!"

Ngumiti sa akin si Caspher.

Nagpababa si Feli at tinititigan niya ang ginawang boat ng kuya niya. Feli and Fin both have green eyes.

"Feli do you want? Pwede pa naman ako gumawa ulit dahil marunong na ako!" Sabi ni fin.

Ibinuka ni feli ang kanyang maliit na kamay at kinuha niya ang boat.

Anlaki ng ngiti ng feli ko!

"Boat! Boat!"

Tumayo ako.

"Alright. Magbihis kayo ng pang ligo it-try natin 'yang boats niyo sa pool area!"

Pumalakpak si feli at dali dali namang umakyat na si fin para magpalit.

Nangiti na lang ako.

***

"Shhh baby. It's alright." Pag papatahan ko fin.

Ngayon na ang araw na pinaka-aantay namin at nang buong pamilya at mga kaibigan ko. Ngayon ang araw na magiging ganap na bampira na si Fin.

"Mom, baka masakit!" Natatawa na lang ako.

"No baby. You're a vampire!"

Fin pouted.

Nandito kami sa mansion nila Caspher na ngayon ay mansion na ni ate Cass. Pumunta kami sa isang kwarto at doon sinimulan ang proseso. Pinainom namin si fin ng dugo.

"Disgusting!" Sigaw ni fin habang pilit tinutulak ang baso.

"Baby... Kailangan mo 'to para pag naging real vampire kana hindi ka kaagad maghanap ng blood."

"But mom.."

"Come on baby.."

Kinuha ni fin sa akin ang baso at mabilisang ininom ito.

"Yuck!"

Tumawa ako at tumingin kay Caspher.

Lumapit si Caspher kay fin.

"Hey big boy. Are you ready?"

Tumango si fin.

"This gonna hurt a big time but it won't last long."

Tumango naman si fin.

"Okay daddy!"

Mabilis na kinagat ni Caspher si fin sa palapulsuhan niya at napasigaw naman sa sakit si fin.

"MOM!"

Pagtapos ay mabilis akong naglakad papunta sa kanila at sinalo si fin. Nag collapse siya at bahagyang nanginginig.

"Come!" Sigaw ni Caspher at agad namin dinala sa ibang kwarto si fin. Ihiniga at pinunasan ng maligamgam na tubig.

"What happen if he can't endure it?" Tanong ko kay caspher habang pinupunasan ko ng maligamgam na tubig si fin.

Nag aalala ako!

"Posible na hindi siya magising ng ilang araw at magkapasa siya sa katawan niya but i know he can do it." Lumapit si Caspher kay fin at hinaplos haplos ang pisngi nito.

Pagkatapos namin siyang ayusan at punasan ay bumaba muna kami.

"Kumusta?" Tanong ni ate Cass habang binabantay si Feli at ang si Kris na isang babaeng lycan. Nag iisang anak ni ate Cass at ng kaniyang asawa.

Parang tuta lang ang laki nito at naghahabulan sila ni Feli.

"Feli!"

Lumingon sa akin si Feli at nilapitan ako.

"Kuya kuya!"

Ngumiti ako.

"Sleeping pa si kuya. For now makipaglaro ka muna kay Kris."

Ngumiti ito at patakbong lumapit ulit kay Kris.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Caspher at hinalikan ang noo ko.

"Gising na si fin.."

Nanlaki ang mga mata ko at dali dali kong pinuntahan si fin.

***

Pagdating namin sa mansion namin ay agad sumalubong si Feli. Nauna siyang inuwi dahil may inasikaso pa kami tungkol kay fin.

"Mommy! Mommy!"

Ganun parin naman si fin. Kulay green parin ang mga mata niya pero nagiging pula kapag gutom o galit. Pumutla din siya at siguro may mas malakas na ang abilidad na siya ngayon.

"Hi baby!" Bati ko kay Feli na nakaupo sa sofa at tahimik na nakatingin sa amin.

Tinignan ko si fin at nagulat ako ng biglang maging pula ang kulay ng mga mata niya at mabilis na sinugod niya si Feli!

"Fin!"

Dinambahan niya si Feli at sinakal.

"M-Mommy!"

Agad kong pinaghiwalay sila at nilapitan ko si Feli na ngayon ay iyak ng iyak.

Uhaw na siguro si fin.

Agad namang dumating si Caspher may dala dalang baso at binagay kay fin. Ininom yun ni fin at naging kulay green ulit yung mga mata niya.

Hinaplos haplos ko ang pisngi ni Feli na ngayon ay takot na takot.

Sa ngayon kailangan kong turuan ng self control si fin para di siya makapanakit ng tao. Lalong lalo na sa kapatid niya.

Five years pa bago maging ganap na bampira si feli. Matagal tagal kaya kailangan na naming sanayin si fin na maka-amoy ng dugo ng tao.

Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ni feli. Hinahaplos ko ang kanyang buhok para siya ay makatulog. Takot na takot siya.

"Feli baby palagi mong tatandaan na mahal ka ni kuya. Hindi niya intensyon na saktan ka kanina. Medyo nadala lang siya pero alam kong di ka niya sasaktan."

Tinignan ko si feli at tama nga ang hinala ko tulog na siya.

Twinkle twinkle little star

How I wonder what you are?

Up above the world so high

Like a diamond in the sky

Twinkle twinkle little star

How I wonder what you are?

Kanta ko habang mahinang hinahaplos ang buhok ng anak ko.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon