Chapter Twenty Three

267 10 0
                                    

Rhianne's POV

"Gising ka na pala.."

Nagulat ako ng may marinig akong boses sa likod ko kaya naman nabitiwan ko ang hawak kong picture frame!

"Shiz!"

Pinulot ko ito agad at ibinalik sa dati nitong kinalalagyan. Buti hindi nabasag!

Binalingan ito ng tingin ni Caspher pagkatapos ay bumalik din sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin.

"Uhh.. Nagluto ako ng breakfast diyan baka gusto niyo" umiiwas kong turan.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at gusto kong iwasan si Caspher ngayon.

"Kumain kana ba?"

"Oo." tipid kong sagot at humarap na ako sa kaniya.

Bumuntong hininga ako. Ano bang nangyayari sayo Rhianne?!

"Ay oo nga pala, uuwi na ako mamaya tinawagan na kasi ako ni kuya." pagdadahilan ko dahil hindi naman talaga ako tinawagan ni kuya, ako lang talaga itong bipolar at gusto kong umiwas bigla.

Nangunot ang noo niya.

"Why--What is the problem?"

Lumunok ako.

"Nako w-wala naman.. Tinawagan lang talaga ako ni kuya kailangan yata ako sa bahay."

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi.

"Sige, maghahanda muna ako." at tuluyan na akong umakyat at pumasok sa guest room at nag-lock.

Ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam na ito.. Siguro nga mahal ko na talaga siya kaya ko ito nararamdaman..

Mahirap pala pag-NAGSESELOS ka..

Ang bigat sa pakiramdam at wala kang magawa.

First time kong makaramdam ng selos at for pete's sake! Sa litrato pa!

Hindi ko alam kung bakit nagseselos ako do'n sa babae sa picture frame, feeling ko kasi may puwang parin siya sa puso ni Caspher.

Hays...

What to do?

***

Caspher's POV

Bakit kaya ako iniiwasan ni flee?

Bumuntong hininga ako.

Kahit hindi niya naman sabihin alam kong iniiwasan niya ako, ang hindi ko lang alam ay kung bakit?

Tumalon ako at bumalot sa akin ang malamig na tubig, yeah nandito ako sa pool area.

Lumangoy ako ng lumangoy.

Iniisip ko kung bakit naging ilag sa akin si flee, oh baka paranoid lang talaga ako? Darn, I don't really know.

Lumangoy pa ako ng lumangoy dahil hindi ko parin maisip kung anong ginawa ko at naging ilag sa akin si flee.

Napa-ahon ako ng marinig ko ang boses ni ate.

"Caspher! Tawagin mo na si Rhianne. Kakain na!"

Umahon na ako at dumeretso ako sa kwarto ko upang mag-shower saglit at mag bihis.

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa guest room at kumatok.

"Rhi.. Let's eat."

Naghintay ako ng 2 minutes pero walang lumabas na flee.

Napagdesisyunan ko ng pumasok at di na ako nagulat ng makitang wala na siya sa kwarto niya.

Bumuntong hininga ako.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon