Chapter Twelve

304 8 0
                                    

Rhianne's POV

Nung bata ako syempre naisip ko din yung first kiss ko. Masaya ako noon kase feel ko talaga prince charming ang hahalik sa akin, pero hindi. Lahat ng iyon ay isang kasinungalingan. Maraming babae ngayon na hindi nakukuha yung first kiss nila sa isang so called 'prince charming' kaya naman ang ending pati virginity nila nakukuha ng maling lalaki dahil sa pagiisip nila ng kung ano-anong fairytales at ayun nasaktan sila.

Walang 'prince charming' at kakaunti na lang ang matitinong lalaki kaya naman nasasaktan ang karamihan sa mga babae. Naniniwala kasi sila na may prince charming na tatanggap sa kung sino sila kaya naman ayan tuloy si manloloko ang nabingwit nila.

Naniniwala naman ako na may matitino pang lalaki, 'yon nga lang hindi natin alam kung sino sa kanila sa dami ng lalaki sa mundo. Kailangan maging mas maingat ng mga babae dahil iilan na lang talaga ang mga matitino ngayon at yung iba bampira pa.

Bumuntong hininga ako sa mga naiisip ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang naiisip ko pero alam ko dahil 'yon sa bampirang 'yon eh. Nakakaloka!

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at kinuha ko ang tuwalya ko at dumiretso sa banyo.

Ililigo ko na lang 'to!

Bitter ako ngayon dahil nawalan ako ng first kiss haha pero mas nalilito ako dahil ginugulo ng bampirang iyon ang isipan ko.

Nagpatugtog muna ako bago ako pumasok sa banyo.

I thought I found a love
But she was just a fling
And then I met a girl
And felt a different thing
It's like you're hit in the ring
Like you're pulled by a string
Can't breathe
Like you're choking on a chicken wing

Ramdam na ramdam ko ang malamig na tubig na bumabalot sa katawan ko pero ang isip ko ay para bang di na apektuhan tuloy parin ito sa pag-iisip do'n sa bampirang iyon.

It was a thing called Zing
And I wanted to sing
And listen to ballads
Of the man named sting
Lady looks in your eyes
And it's suddenly spring
Like when Nala looked at Simba
In the lion king

Kainis naman oh. Parang may sovrang halaga akong nakalimutan pero hindi ko maalala dahil sa kaiisip sa bampirang yun!

Zinging in the air
And I don't have a care
I'm winging from the zing
That we shared

Bumuntong hininga ako.

Zinging in the rain
Now I'm feeling no pain
It's a real time for celebrating
Cause you're my Zing

Pinatay ko na ang shower at lumabas na ako ng c.r Mabilis akong nagbihis at bumaba kaagad ako. Nakakagutom.

Ikakain ko na lang 'to!

Dumiretso ako sa kusina pero napahinto ako ng makitang patay ang ilaw at sobrang dilim.

Bakit nakapatay 'to?  Wala bang kuryente?

Bubuksan ko na sana ang ilaw ng may magbukas na nito at sobrang nagulat talaga ako.

"SUPRISE!"

'Yan ang sigaw ni kuya, Ate Cass, Anne at ahm, Caspher the jerk. Shit ang bitter ko naman. Sana all na lang.

Pilit akong ngumiti at nagtatakang tumingin sa kanila.

"Anong meron?"

Nalaglag ang panga nila sa sinabi ko. Bakit? Hindi ko naman talaga alam kung anong event ngayon.

"Bunso.. ano bang nangyayare sayo? Birthday mo kaya ngayon!" Sabi ni kuya.

"Ay! Ahahahaha nakalimutan ko eh.." Shit, oo nga pala. Ang tanga naman Rhianne! Halata tuloy na may mali sa 'kin.

Bumuntong hininga si kuya.

"Sobrang stress ka 'no? Nakakalimutan mo lang naman yung mga bagay bagay kapag stress ka eh."

Pilit na ngumiti na lang ako.

"Siguro nga kuya, graduating na kasi eh..." Sabi ko na lang.

Ngumiti si kuya.

"Oh eh ano pang hinihintay mo bunso? Kain kana!"

Ngayon ko lang napansin na ang ganda ng kusina namin. Ang daming lobo tas sa bawat lobo may pictures ko. May nakalagay din na 17th birthday dun sa may ref at ang daming pagkain.

"Rhi, ginawan kita ng cake! Tikman mo!"

Ngumiti ako at tumikim sa cake. Ang ganda nung cake. Ang cute nung design na puro flowers na tulips.

"Ang sarap nito super, thank you!"

Ngumiti siya at dumiretso na ako sa table at tumikim ng dinuguan.

My favorite!

"Ah, bunso? May fried chicken at spaghetti naman dito. Wag muna 'yan."

Hindi ko pinansin si kuya at tuloy tuloy lang ang pagkain ko sa dinuguan.

"Rhi? Bakit 17 kana pero grade 10 ka pa rin? Diba dapat college kana?" Tanong ni Ate Cass.

"Nag-stop kasi ako ng isang taon pero graduating naman na eh kaya ayos lang din."

Sa totoo lang ang gulo. Oo ang gulo! Ewan ko kasi sa sarili ko kung bakit ako nagstop.

At iyon ang daming nangyari ngayon. Nag-kwentuhan, sayawan, kantahan, inuman at syempre tawanan. Tumagal pa ang inuman so ayun,

Medyo tipsy na ako kaya naman malikot na ang isip ko.

"Hayyyy grabe.! Bakit ang init dito?" Sabi ni Anne

MEDYO tipsy lang ako kaya naman napigilan ko siya sa paghuhubad niya ng damit.

"Oy, ano kaba Anne! Wag ka ngang maghubad!"

Nag-pout lang siya sa akin. Sasabunutan ko na 'tong babaeng 'to eh. Iinom inom di naman pala kaya.

Tumayo ako at pumuntang kusina. Naisip ko kasing ipagtimpla sila ng kape kase mga lasing na except sa mga bampira, syempre.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay bumalik na ako at binigyan ko sila.

"Marianneee! Bakit mo ba ako iniwan?"

Umirap ako sa mga pinagsasasabi ni kuya.

Walang forever.

Inilapag ko muna sa center table ang kape ko at pumuntang c.r kasi naiihi na ako.

Pagkatapos kong umihi ay nagulat ako ng makita ko si Caspher sa may tabi ng pintuan ng c.r.

Nakakakaba ng hard mga teh!

Hindi siya nagsalita at inabot niya lang sa akin yung isang maliit na box na nakagift wrap.

"Happy Birthday."

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng pilit at tinanggap ang regalo niya sa akin.

"T-Thanks.."

Pagkatapos nun ay umalis na siya.

Nagkibit-balikat na lang ako at binuksan ang regalo niya.

Nagulat ako dahil silver earrings ang regalo niya. Simple lang ito pero kumikinang at sobrang ganda dahil mukhang mamahalin talaga ang hikaw na ito.

Napangiti ako.

Nag-abala pa ang bampira.

Hindi ko alam pero kinikilig ako ng slight kase naman alam niyo na,

Ang sweet niya at parang pakonti-konti ko itong nagugustuhan sa hindi malamang dahilan.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon