Prologue

850 16 0
                                        

"Shit!"

Nahulog ko ang binabasa kong libro ng makarinig ako ng isang malakas na tunog.

Parang hinampas sa pintuan o pader?

Umiling ako at pinulot ang nalaglag na libro.

Bampira kaya 'yon?

Tumawa ako ng mahina dahil sa naiisip ko. Nagbabasa kasi ako ng vampire genre books kaya siguro ako nagkaka-ganito.

Nagsimula na akong lumakad papunta sa pinakamalapit na kwarto at tinignan kung sino o ano ang gumawa ng malakas na tunog ngunit--

"Huh?!"

Nagulat ako dahil walang tao o kung ano man sa loob!

Napapalunok na nilibot ko ulit ang aking paningin sa kabuoan ng kwarto ngunit wala talaga. Blangko ang kwarto na ito.

Bumuntong hininga muna ako bago mabilis na umalis. Nakakatakot!

Matapos ang ilang minuto ay nakarating din ako sa aking section, sinalubong ako ni Anne ang aking kaibigan.

"Rhianne!"

Lumapit ako sa kaniya at ngumiti.

"Oh, bakit?" Tanong ko sa kaniya habang papasok kami sa room.

Ngumisi siya at namula ng matinde.

"May bago kasi tayong classmate!"

Sumimangot naman agad ako.

"Hayy! 'Yan ka na naman Anne, ah!" Sabi ko sa kaniya pero hindi natigil ang pag-ngisi at pamumula niya. Crush na niya siguro. Landi talaga!

"Ayun siya dali!" Sabi niya at itinuro ang dulong bahagi ng aming classroom.

Tumigil ako sa pag-aayos ng gamit ko at tumingin sa itinuturo ni Anne.

Shit..

Natulala ako.

"Sabi ko sayo ang pogi niya, diba?!"  Sabi ni Anne pero hindi na niya nakuha ang atensyon ko dahil ang atensyon ko ay nasa mga mata na ng bago naming classmate. Sa kakaibang mata ng bago naming classmate.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon