Chapter Twenty One

273 11 0
                                    


Caspher's POV

Pagkatapos ng usapan namin ni Ate Cass ay may sumundo na agad sa amin. Umuwi kami sa mansyon na wala namang nangyayaring masama. Tahimik si flee, alam kong dahil 'yon do'n sa pagkamatay ng babaeng sobrang kahinahinala at isa yata sIya sa mga flings ko 'no?

Pagkadating namin sa mansyon ay sinalubong kami ni Ate Cass.

"Oh my god fl--I mean r-rhianne! How are you? Ayos ka lang ba?" Alalang tanong ni ate at inakay si flee.

"A-Ayos lang po."

Tumango si ate at tumingin sa akin.

"Dadalhin ko muna si fl-- I mean si rhianne sa guest room, kumain ka diyan may niluto ako. At! Maguusap tayo mamaya."

Umakyat na sila at dumeretso ako sa kusina dahil gutom na ako at gusto ko ng fresh blood.

Bubuksan ko na sana ang ref ng may maamoy akong pamilyar.

"Darn, dinala nanaman ni Ate yung lobo na yun dito argh!"

Nakakainis! Wala na dito yung lobo na 'yon pero dahil malakas ang pang amoy ko, naamoy ko parin ang kahit katiting na amoy na naiwan dito sa kusina.

Kumuha ako ng wine glass at nilagyan ito ng fresh blood.

Sumandal ako sa sink at nagisip isip ngunit dumating si ate.

"Natutulog na siya at hindi ko parin siya makausap ng maayos.. Mukhang na-trauma talaga siya."

Lumagok ako.

"Yung babaeng pinatay ko isa 'yon sa mga naging flings ko."

Inirapan ako ni Ate at kumuha din ng fresh blood.

"So, ano ngang nangyari? Bakit mo pinatay?"

Bumuntong hininga ako.

"I think she's a royal blood vampire pretending to be a b*tch human and wants to kill us."

Kumunot ang noo niya. Naguguluhan.

"Royal blood vampire? A-Alam na nila na buhay ang kaisa-isahang anak ni fhilistine Gray?"

Nagkibit-balikat ako. Susubukan kong alamin ang isang 'yon.

"I don't know. But i'll try to investigate on that."

Bumuntong hininga siya at sumandal sa kitchen table pero agad na bumalik sa dating puwesto.

"Oo nga pala! Nag iimbestiga na si Auntie fhil kay rhianne! Mukhang hindi na siya naniniwala.. paano 'yan? Baka mahuli niya na tayo.."

Nanlaki ang mga mata ko!

Darn, masama ito..

"We need to hide flee as much as possible and we need to look after auntie fhil."

Tumango si ate. "Ako na bahala kay auntie fhil." sabi niya.

Nagsabay sabay na ang mga problema, pero isa lang ang kailangan kong gawin.

Kailangan kong bantayan ng maigi si flee.

***

Rhianne's POV

Napabangon ako bigla ng mapaginipan ko ang nangyari kay mandy.

Bumuntong hininga ako. Nakakainis.

Inalis ko ang kumot na nakatakip sa katawan ko at tumayo.

Lumabas ako at napag desisyunan ko na pumunta sa kusina upang uminom ng tubig.

Natatakot ako..

Hindi ako natatakot na baka may gustong pumatay sa akin, natatakot ako sa katotohanan na baka si caspher ang pumatay kay mandy.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon