Chapter Thirty three

228 6 0
                                    

Rhianne's POV

KINABUKASAN

Nagising ako ng may marinig akong mumunting katok mula sa pintuan ng aking kwarto.

"Rhi, gising na! Anong oras na oh.. Baka malate kana." Sigaw ni kuya. Yes nandito na ako sa totoo kong bahay. Hinatid ako ni caspher kahapon, at kahapon din umuwi si kuya mula sa trabaho niya. Nag leave daw siya ng 3 days dahil medyo napagod daw siya sa dami ng gawain.

Kinuha ko ang aking tuwalya at dumeretso ako sa c.r . Inabot ako ng 10 minutes sa pagligo pagkatapos ay nagbihis na ako at inayos ko na ang mga gamit ko at sa wakas, bumaba na rin ako.

Naabutan ko si kuyang naglalagay ng ulam sa lamesa.

"Good morning bunso! Balita ko malapit lapit na yung graduation niyo ah?" Lumapit sa akin si kuya at hinalikan niya ako sa pisngi. Umupo naman ako sa upuan.

"Opo. Baka next month pero di pa daw talaga sure.. Masyado kasi kaming gagawin at ipapasa."

Napatango si kuya at inilagay na niya ang prinito niyang hotdogs sa lamesa.

"Pagbutihan mo ah! Wag kang mag-alala, magle-leave ako sa graduation mo!"

Sumandok ako ng kanin at kumuha ng hotdog.

Ngumiti ako kay kuya.

"Salamat kuya.."

Ngumiti din siya.

"Kain na!"

Masayang kumain kami ni kuya. Ikinukwento ko sa kaniya ang mga nangyari habang wala siya at nag kukwento din siya ng mga bagay-bagay tungkol sa trabaho niya.

Pagtapos namin kumain ay nagpaalam na ako sa kaniya.

"Bye kuya! Papasok na ako!"

Kumaway si kuya.

"Ingat!"

Lumabas ako pero agad akong napahinto ng may makita akong box sa harap ng bahay namin. Nilapitan ko iyon at para iyong regalo.

Isa itong maliit na kahon na kulay berde. Tulad ng isang regalo may laso din ito. May nakalagay pa ngang 'To: Rhianne Josephine Buenavarta."

Kinuha ko iyon at dahan dahan na binuksan.

Tumambad sa akin ang isang silver bracelet. Simple lang ang design nito pero sobrang cute naman.

Luminga linga ako sa paligid at tinignan ko kung may tao ba ngunit wala.

Sino kaya ang nagbigay nito sa akin?

***

"Besh anganda naman niyang bracelet mo, sino nagbigay niyan?" Tanong sa akin ni Anne habang kumakain kami dito sa canteen.

"Alam mo ba feeling ko nakita ko na 'yan.."

Agad akong napatingin sa kaniya.

"Ows? Saan?"

Umayos siya ng upo.

"Sa States. Sa may sikat na  boutique do'n for jewelry. Limited edition yata yan eh kahit simple lang, super cute naman, right?"

Napabuntong hininga naman ako.

Imposible talagang si Caspher ang nag bigay nito eh kainis.

"By the way, maiwan na kita girl ah may pupuntahan pa ako eh"

Nangunot ang noo ko.

"Saan?"

Napakamot siya sa kaniyang ulo.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon