Chapter Two

491 14 0
                                        

Rhianne's POV

Hanggang ngayon nangiginig at umiiyak parin ako. Tulala at sobrang takot na takot.

Sigurado akong papatayin niya rin ako!

Napa-balikwas ako ng marinig ko ang malamig na tawa ni Caspher.

"Hindi kita papatayin.. Kakausapin lang kita."

Malamig ang boses ngayon ni Caspher hindi katulad nung nasa university pa kami.

Wala sa sariling tumango ako.

Saglit na tinitigan niya ako bago niya ako isinakay sa passenger seat ng kotse nya. Umandar ang kotse ng dahan-dahan. Nagpa-tugtog si Caspher kaya naman lalo akong nanghina hanggang sa kusa ng pumikit ang mga mata ko.

"Wake up..."

Nagising ako dahil narinig ko na naman ang malamig na boses ni Caspher. Umupo ako ng maayos at inayos-ayos ko ang magulo kong buhok. Natulala na naman ako ng magkati-tigan kami at shit ang ganda talaga ng mga mata niya.

Umiwas siya ng tingin kaya naman bumalik ako sa huwisyo ko.

"We're here.."

Tumango ako at mabilis na bumaba ng kotse. Humarap ako at dito ko nakita ang isang napakalaking mansiyon.

Medyo old-fashioned style ang mansiyon pero okay lang din.

Tumikhim si Caspher kaya naman napasunod agad ako sa kaniya at sabay kaming pumasok.

Dinala ako ni Caspher sa living room at pinaupo sa sofa.

"Stay here.. May kukunin lang ako sa taas."

Tumango ako at umalis na siya.

Nilibot ko ang aking paningin sa kabuoan ng living room at isa lang ang masasabi ko.

Ang laki...

Kasalukuyan kong inililibot ang mga mata ko ng--

"Ahhh! b-bitiwan m-mo ako!" Sigaw ko sa babaeng bampira na sinasakal ako ngayon!

Ngumisi lang siya at mas hinigpitan pa ang pagkaka-sakal sa akin.

Napa-ubo ako.

"t-tulong! h-hindi ako makah-hinga!" Sigaw ko pero parang walang naririnig ang babaeng ito.

Tumigil lang siya sa pagsakal sa akin ng marinig niya ang boses ni Caspher.

"She's my guest ate.. Stop that."

Binato nya ako sa sofa at tinitigan ng mabuti pagtapos ay ngumisi siya.

"Ngayon ko lang napansin na ang ganda niya pala! You have a better bitch now baby bro..."

Parang sinampal ako ng mga salita ng ate ni Caspher.

Bitch?!

Tumayo na ako at pinagpagan ang palda ko.

"Aalis na ako.." Sabi ko at bahagyang yumuko.

Hahakbang na sana ako ng hilain ako ni Caspher pabalik sa pagkakaupo ko sa sofa kanina.

"Ano bang problema niyo?! Paalisin niyo na ako sa mansiyon na ito!" Sigaw ko sa kanila.

Pero hindi sumagot si Caspher sa halip ay hinila ako nito papunta sa second floor.

"Ate dalhan mo kami ng ice cream sa taas!" Sigaw ni caspher

Napangiwi naman ako.

Ice cream?

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon