Rhianne's POV (Flee)
"Mami-miss kita rhi!" At niyakap ako ng mahigpit ni ate Cass.
Ngumiti ako at niyakap ko rin siya.
"Wag kang magalala Ate Cass 4 years lang naman ako do'n tapos babalik narin ako."
Sumimangot siya.
"Akala mo ba ang bilis lang ng 4 years?! hindi 'no!"
Ngumiti lang ako.
"Kaya nga pipilitin ko bumalik agad."
Ngumiti naman siya.
Nag-ring ang phone ko at sinagot ko naman ito.
"Hello ma.. Papunta na po kayo dito?"
"Oo, mala-late na tayo sa flight natin. Nakausap mo na ba si Caspher?"
"Hindi pa po. Sige po ma ingat po." at ibinaba ko na ang tawag.
Tumingin ako kay Ate Cass.
"Wala pa ba si Caspher? Male-late na kami ni mama sa flight namin."
Nagkibit-balikat si Ate Cass.
"Aba'y ewan. Kanina nandito lang yung isang 'yon eh!"
Bumuntong-hininga ako.
Niyakap ako ulit ni ate.
"Wag kang mag alala magpapakita yun. Basta mag-iingat ka do'n ah? Mauna na ako. Bye rhi!"
Tumango ako kay Ate Cass.
Napatingin ako sa phone ko ng mag vibrate ito. Tinignan ko at may text ito. Unknown number. In-open ko ang message.
Garden.
Kumunot ang noo ko pero sinunod ko parin. Bakit? Syempre alam ko naman na galing 'to sa love ko e hahaha!
Pagpunta ko sa garden ay nakita ko siya na nakaupo sa damuhan at nakatingin sa langit. Nilapitan ko siya at umupo din ako sa tabi niya.
"Ngayon na ang alis ko..." Panimula ko.
Lumingon siya sa akin at ngumiti. Ginulo niya ang buhok ko.
"I know.."
May kinuha siya sa likod niya at inabot niya sa akin. Bulaklak. Mga bulaklak.
Ngumiti ako at inamoy ko iyon. Mas lalo akong napangiti ng maamoy ko ang amoy nito.
"Thank you, love.."
Kinuha niya ang kamay ko at pinisil pisil ito. Tumingin siya muli sa langit.
"Alam mo kung bakit hinayaan kitang umalis? even if it cause me so much pain?"
Nanatili akong nakatingin sa kaniya.
"Dahil alam kong mas ligtas ka do'n."
Huminga siya ng malalim.
"Gusto ko mag-aral ka ng mabuti do'n. Chase your dreams. Wag mong isipin na walang naghihintay sa'yo dito--dahil love naghihintay ako."
Hinaplos niya ang pisngi ko.
"Gusto ko wag kang mangulila do'n. Be happy."
Kahit parang naiiyak na ako ay nagawa ko paring tumango.
Ngumiti siya.
"Hindi ako magsasabing ng paalam dahil alam kong babalik ka pa."
Niyakap niya ako.
Ng mahigpit.
"See you soon, love." At hinalikan niya ako sa labi. A gentle but sweet kiss.
Ayokong umalis pero alam kong magandang opportunity din 'to para sa akin. Babalik ako Caspher. Hindi dahil sa pangarap ko dito o pangarap ni mama. Babalik ako kasi mahal kita.
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampireA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.