Rhianne's POV (Flee)
Graduation day.
Tuwang-tuwa ako habang sinasabitan ako ng medalya ng supervisor ng university.
Ngumiti ako sa kaniya at ngumiti rin siya sa akin.
Ibinigay niya ang diploma ko at kinuha ko iyon ng may malaking ngiti.
Pagkababa ko ng stage ay tumakbo ako papunta kay mama.
"Graduate na ako ma!" Natutuwang sabi ko at niyakap ko siya. Niyakap ko rin si Kuya Rico.
Tumingin ako sa langit.
Sa mga magulang ko diyan sa langit, mama at papa graduate na po ako! Salamat sa pagmamahal at aruga na ibinigay niyo sa akin. Alam ko na hindi ko kayo totoong mga magulang pero grabe parin ang pagmamahal niyo sa akin. Salamat po ng marami!
"Proud na proud siguro sa 'yo sina mama at papa!" Tuwang-tuwa na sabi ni kuya Rico at ginulo ang buhok ko.
Ngumiti ako.
"Oo naman!"
Natanaw ko si Caspher at Ate Cass di kalayuan kaya naman nilapitan ko sila.
"Love! Graduate na tayo!" At niyakap ko siya.
"Congratulations sa inyong dalawa!" Sabi ni ate Cass at nayakapan kaming lahat. Nagpa-picture pa kami hawak ang mga diploma namin.
Super saya ko talaga! As in!
Pagkatapos ng graduation ay napagpasiyahan namin na kumain sa mansion namin.
"Please maupo muna kayo sa living room. Maghahanda lang ako.." Ani mama at dumeretso siya sa kitchen.
"Dito muna kayo ah? Magbibihis lang ako." At pumunta ako sa kwarto ko.
Pagkatapos kong magbihis ay lalabas na sana ako ng mapansin kong nakasara pa ang bintana.
"Hapon na nakasara parin itong bintana hays." Sabi ko sa sarili ko habang binubuksan ko ang bintana.
Nagtingin tingin muna ako sa labas ng bintana bago ko puntahan sila Kuya Rico.
Nagtaka ako ng makitang andaming itim na kotse na naka-park di kalayuan sa mansion namin.
Wala naman ito kanina ah?
Binalewala ko na lang ito at bumalik ako sa living room.
"Tara na. Kain na tayo." Aya ko sa kanila.
Papunta na sana kami sa dining area ng biglang may sumigaw ng malakas!
"SINUSUGOD TAYO NG MGA ROYAL BLOOD VAMPIRE!"
Agad pumula ang mga mata ni Caspher at Ate Cass at mabilis silang nagtungo sa labas.
Susunod na sana ako sa kanila ng maalala ko si kuya Rico!
Agad kong hinila ang kamay ni kuya Rico.
"Anak, anong nangyayari?!" Tanong ni mama.
"Ma sinusugod tayo ng mga royal blood!"
Agad akong nilapitan ni mama.
"Sige na anak. Lumayo kayo ng taong 'yan mapapahamak kayo dito!"
Tumango ako at tumakbo kami ni Kuya Rico.
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampirosA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.