Feli's POV
"Kuya!" inis na sigaw ko habang tinitignan ko ang chat message sa akin ng friend ko.
Magkaklase kami ng friend ko sa isang university at transferee siya kaya naman agad ko siyang naging kaibigan.
Lalaki siya at anong masama do'n?! Wala namang malisya ah!
Padabog akong pumunta sa living room ng mansion namin at masamang tinignan si kuya na ngayon ay nanonood.
"Kuya! Ano na namang ginawa mo sa kaibigan ko?! Siya na nga lang kaibigan kong lalaki sa buong university eh!" Inis ko talagang sigaw.
Humarap sa akin si kuya.
"May gusto sa'yo yung kumag na 'yon!"
Napapikit na lang ako sa sobrang inis!
"Lahat ng lalaki sa university pinagbantaan mo! Para tuloy akong loner! Wala ng nakikipagusap sa akin!"
Tinaasan ako ng kilay ni kuya.
"So?"
"So, ang punto ko dito wala na ngang nakikipagusap na lalaki sa akin sa univ. tapos yung kaisa isahan na yun na transferee pa pinagbantaan mo pa talaga!"
Asar siyang tumingin sa akin.
"At bakit hindi? Dapat malaman niya kung ano ang rules, transferee siya diba?"
Nag roll eyes naman ako.
"Rules?! Rules mo lang yun eh! Hays kuya! Naiinis ako sayo!"
Pinatay niya ang t.v.
"Pupunta ulit ako sa univ. niyo. Dumadami ang mga transferees at sabi nila madami nadin ang mga lesbian na nandoon. Nako lang pag ikaw talaga Felicia--"
Sarcastic akong tumawa.
"Seryoso ka kuya?! Ang tindi mo! So hindi mo na talaga ako papayagan makipag kaibigan ha? Pati sa mga babae?!"
Nauubos ang pasensya ko kay kuya! Masyadong paranoid at over protective sa akin!
"Hep hep. Tama na 'yang sagutan niyo." Nakangiting lumapit sa amin si mommy.
"Mommy!" Dali dali akong lumapit kay mommy.
"Mommy si kuya nakakairita! Parang ewan lahat ng lalaki sa univ. pinagbabantaan niyang wag lumapit sa akin tapos ngayon yung kaisa isahan kong friend na lalaki iniwasan na naman ako dahil kay kuya!"
Napapadyag ako at tila lumilindol sa lakas. Oh shit!
"Feli, Fin tumigil na kayo."
Tumigil ako at masamang tumingin kay kuya.
"Fin.. hindi mo naman kailangan gawin yon. Malaki na ang kapatid mo. Alam na niya ang tama at mali."
"But mom--"
Lumapit sa akin si mommy at hinaplos ang pisngi ko.
"Ikaw naman feli.. Mag-ingat ka sa mga kinakaibigan mo. Lalong lalo na sa mga lalaki." Ngumiti si mommy at parang natulala ako.
Sobrang ganda kasi ni mommy at parang hindi niya kayang gumawa ng kasalanan. Para siyang anghel!
"Fin. Wag mong hayaan na pag usapan na naman natin ito, kundi ipapadala kita sa states para mas makapagfocus ka sa training at studies mo. Mahihiwalay ka talaga sa basketball mo at ififreeze ko ang mga accounts mo."
Napaupo si kuya sa sofa.
"Yes, mom."
Ngumiti si mommy.
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampireA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.