Caspher's POV
Flashback 11 years ago..
"Ethan!"
Nangiti ako ng tawagin ako ng best friend kong si flee. Best friend ko siya kasi mag best friends din ang parents namin.
"Hi flee!" Bati ko sa kaniya at niyakap ko siya.
Masaya kami ngayon dahil malapit na lumabas ang mga pangil namin at ang kakaibang kulay ng mga mata namin. Oo tama! Bampira kami!
"Excited na ako Ethan! Next week na yung tradisyon ng mga bampira, Magiging tunay na bampira na talaga tayo!"
Napangiti ako.
Hayyy, Love na love ko talaga itong bestfriend ko!
Pumasok na kami sa loob ng mansyon at nakita namin ang mga parents namin na nag-uusap.
"Hayy.. It's good to be back here in your mansion fhil. Ano ba ang pag-uusapan natin at pinapunta mo pa kami dito?" Tanong ni mom.
Ngumiti si Auntie fhil.
"Marami tayong pag-uusapan ellen. Kaya naman... Kids! Sa taas muna kayo!"
Mabilis kaming umakyat ni flee sa play room.
"Flee?"
Tumingin sa akin si flee.
"Gusto kitang maging asawa.."
Tumawa ng malakas si flee.
"Eh? Hindi pwede! Sa mga napapanood ko sa tv. Yung mga tao pag nag-papakasal sila magsasama na sila sa iisang bahay! Hindi pwede yun.. Andito mga toys ko eh..."
Ngumiti ako.
"Edi pag malaki na tayo! Pag totoo at malalakas na bampira na tayo! Tsaka natin gagawin 'yun!"
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampireA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.