Rhianne's POV
Umiling ako.
"Okay lang.."
Tumango si Caspher at bumaba na rin.
Ako naman ay dumiretso na kay Anne at nag-search na rin ako sa mga free websites at nagbasa-basa ng mga libro.
After one hour...
"Hayy! Nakakapagod! Kaunti palang 'tong nasusulat natin oh. Kilala mo naman prof natin, ayaw ng maikli non pag reporting!"
Bumuntong-hininga na lang ako.
Tama si Anne. Ganun talaga prof namin pagreporting.
Nag-stretch ako dahil namamanhid na ang katawan ko ng hindi sinasadya na mapatingin ako sa pintuan.
Ba't kaya antagal ni Caspher?
Nagkibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pagsusulat.
Caspher's POV
"Hindi mo pwede sabihin sa kaniya ang totoo."
Tumingin ako ng masama kay Ate.
"Why? Mas aayos ang buhay niya sa atin."
Tumigil siya sa pag-hahalo ng soup at tumingin sa akin.
"Please, Caspher. Wala kang pagsasabihan nito. Alam ko nagiging selfish ako kay Auntie Fhil as well kay flee pero... gusto ko makapagtapos muna siya bago niya malaman na..."
Tumahimik si ate.
"na hindi siya normal kaya habang may chance pa siya pagbigyan na muna natin siya. I know selfish ako.. pero para sa kaniya rin naman ito."
Bumuntong-hininga ako at tumango na lang.
Ngumiti naman si Ate.
"Sige na. Tawagin mo na sila."
Ngumiti ako at umakyat na sa taas upang tawagin sila.
Hindi nagkakamali ang DNA test. Rhianne Josephine Buenavarta is the missing Fleenimarie Gray.
Rhianne's POV
"Bumaba na kayo. The food is ready."
Tumango kami ni Anne kay Caspher at sumunod na bumaba
"Let's eat!"
Ngumiti ako at umupo na. Nagsimula na kaming kumain. Hindi naman awkward yung dinner dahil pala-kwento naman kami at syempre si Caspher lang ang tahimik.
"Bilisan niyo kumain at tapusin niyo na ang report niyo."
Tumango kami kay Ate Cass at nag pasalamat bago umakyat sa taas at pinagpatuloy ang paggawa ng report.
After two hours...
Inaantok na ako!
Tumingin ako sa mga kasama ko at nag-sesearch parin si Anne. May kape siya sa side niya at mukhang sanay na sanay sa puyatan.
Si Caspher naman ay ayun nagbabasa pa rin ng libro at nag-tatake down notes ng mga ideas. Bilib nga ako sa kanya dahil wala siyang kape pero na realize ko na bampira siya kaya naman hindi talaga siya nakakaramdam ng antok.
Inaantok na talaga ako!
Hindi ako sinanay ni kuya na magpuyat dahil masama daw 'yun.. Pwede ka daw magkaroon ng sakit kaya naman mga ten pm ay tulog na agad ako pero pag napapasarap sa panood ng k-dramas ay mga 12 na hehe
Papikit-pikit na ako grabe! Hindi na ako makasulat dahil inaantok na ako ng super! Late na rin kasi ako natulog kahapon kasi episode 16 na ako sa kdrama na 'healer'
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampirA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.