Chapter Thirty Eight

247 6 0
                                    

Rhianne's POV

"GOOD EVENING EVERYONE! WELCOME TO THE ONE AND ONLY GRAND BALL HERE IN OUR UNIVERSITY!"

Nandito na ako ngayon sa grand ball. Suot ko yung ball gown na ewan ko ba kung kanino nanggaling pero ayos naman, bagay naman sa akin sabi ni kuya kaya sinuot ko narin.

Hinihintay ko dito sa gilid sila Ate Cass at Caspher.

"EVERYONE, PLEASE GO TO YOUR SEAT BECAUSE THE OPENING SHOW IS ABOUT TO START!"

Nang marinig ko iyon ay dumeretso na ako sa table namin at umupo. May cocktail sa harapan ko kaya naman ininom ko yun habang naghihintay. Marami naring mga estudyante na pumunta sa seats nila.

Napangiti ako ng makita ko si Ate Cass at Caspher.

"Dito!" Kaway ko at agad naman silang lumapit sa akin.

"Good eve sweetie." At hinalikan ako ni Ate Cass sa pisngi at umupo na siya. Sunod na lumapit sa akin si Caspher na mabilis akong hinalikan sa labi.

"Love, kanina ka pa? Sorry natagalan kami may inasikaso lang."

Ngumiti ako.

"Okay lang. Dumaan muna ako kayla Anne bago ako dumeretso dito."

Kumunot ang noo niya.

"Okay na siya?" Nagaalala niyang tanong.

Umiling ako.

"Oo. Kilala niya na kami."

Ngumiti siya.

"That's good."

Pagkatapos ng kaunti naming pag uusap ay nagsimula na ang show. May sumayaw at kumanta. Sumayaw ang Dance team dito sa university at kumanta naman yung mga nasa music and arts club. May mga nagperform din na mga banda kaya naman tuwang tuwa kami dahil ang ganda ng mga kanta at tugtugan.

Masaya kong sinabayan ang kanta ng mapansin kong hindi mapakali si Caspher sa upuan niya. Palinga-linga siya sa paligid at parang may hinahanap.

"What's wrong, love? You okay?"

Lumingon siya sa akin at pilit na ngumiti.

"Yeah. May pupuntahan lang ako. Stay here." At umalis siya.

Itinuon ko na lang sa stage ang atensyon ko at nanood. Natapos ang music and arts club mag perform. Paakyat na sana ang head supervisor para magbigay ng speech ng biglang namatay lahat ng ilaw!

Napatayo agad ako!

Luminga linga ako sa paligid ngunit wala akong makita. Lalapitan ko na sana si Ate Cass ng may tumiling estudyante at nagsigawan na ang lahat.

Hindi ko alam ang gagawin ko at sobra na akong nagpapanic ng biglang may humatak sa akin!

Bumilis ang tibok ng puso ko!

"Ate Cass! Tulong!" Nagpupumiglas parin ako.

"Rhianne?! Shit!" Nagpanic narin si ate Cass.

Nagpupumiglas ako at tinadyakan ko ang paa ng may hawak sa akin. Batid kong nasaktan 'yon kaya naman wala na akong sinayang na oras.

Hindi na ako nagpadalos dalos pa at dali dali akong tumakbo.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Patay parin ang ilaw kaya naman wala akong makita at nagbangga bangga na ako sa mga lamesa pero wala akong pake! May gustong kumuha sa akin!

Tumakbo ako ng tumakbo.

Hindi ko namalayan na nasa isang building na ako. Paano ko nalaman? May nakakapa akong hagdan.

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon