Rhianne's POV
Tulad nga ng sabi ni kuya loulie ay magkakaroon kami ng activities dito sa beach.
Nasa tabi kami ng dagat at i-e-explain ni kuya loulie ang magiging game at ang mechanics syempre.
"So guyszue! Habang natutulog kayo at naglalandian ang iba ay ginawa ko na iteng game! So, ang game natin ay may tinago akong mga maliliit na keys sa buong area at may 5 boxes dito na naka-padlock.. Kailangan niyong hanapin ang keys at syempre buksan ang mga boxes.. PERO! Hindi lahat ng makikita niyong keys ang makakapagbukas sa boxes, maghanap kayong mabuti good luck!"
Mukhang na-excite ang mga kaklase ko. Mukha naman daw kasing basic.
"Kuya loulie! Sa akin na ba ang laman ng box kapag nabuksan ko?" Tanong ng isa kong kaklase.
Tumawa si kuya loulie.
"Oo naman, kung mabubuksan mo HAHAHA!"
Natawa ako sa sagot ni kuya.
"Tigilan niyo na nga ang pagtatanong! Basta! Maghanap kayo ng susi at try niyo buksan yung mga boxes at pag di bumukas--hanap na lang kayo ulit hanggang sa mahanap niyo ang tamang susi. Go! Good luck! Mwah~ HAHAHA"
Napangiwi ako dahil super landi lang ng pagkakasabi ni kuya loulie sa 'mwah' eww.
Umayos na kami at kinuha naman ni kuya loulie ang isang maliit na flag at itinaas 'yon.
"Gorabells na mga bakla! GOOD LUCK!" Sigaw niya at nagsimula na kaming maghanap.
Potek ang galing pala magtago ni kuya loulie hays!
***
Caspher's POV
Flashback:
"Auntie fhil?" Tawag ko kay auntie fhil at mahinang kumatok sa pintuan ng mansyon nila.
Agad naman itong bumukas at matamis akong ngumiti ng makita ko si auntie fhil.
"Auntie fhil! Hello po! Andiyan na po ba si flee?" Tanong ko dahil sa pagkakatanda ko ay may piano lessons daw ito ngayon.
"Oo kakauwi lang... Pasok ka, sakto nag-bake ako ng cookies" sabi ni auntie fhil at pumasok na kami sa loob.
"Salamat po!"
Ngumiti lang si auntie fhil.
"Oh sige puntahan mo muna si flee, aasikasuhin ko lang yung cookies"
"Sige po!"
Umakyat ako at pumunta sa kwarto ni flee. Naabutan ko siyang naglalagay ng kolorete sa mukha.
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampireA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.