Rhianne's POV (Flee)
Iminulat ko ang mga mata ko at agad kong nalaman na nasa mansion ako. Hindi ko alam kung anong problema ng mata ko ngayon pero sobrang linaw niya. Weird.
Tumingin ako sa katabi ko at nakita ko si auntie fhil.
"Auntie fhil?!"
Ngumiti siya sa akin. Bakit siya nandito?
"Rhianne makinig ka sa akin. Hindi mo ako auntie kundi nanay mo ako. Bampira ka at ang totoo mong pangalan ay Fleenimarie Grey."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Hindi ko maproseso ang mga sinabi niya!
"A-Ano?"
Napapikit ako ng sumakit ang ulo ko at unti unti kong narealize ang mga nangyayari.
Isa isa nang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Tumingin ako kay auntie fhil.
"I-Ikaw ang tunay kong n-nanay? Pa'no?"
Tumango siya at ngumiti.
Niyakap niya ako.
ng mahigpit.
"Patawarin mo ako kung hindi kita nahanap agad..."
Unti unti ko nang naaalala ang lahat.
"A-Ayos lang.."
Ngumiti siya.
"Puwede po bang wag nang baguhin ang pangalan ko? Mas gusto ko na po ngayon ang Rhianne na lang."
Ginulo niya ang buhok ko.
"Sige..." At niyakap niya ako ulit.
Kinuha ko ang salamin sa harapan ko at tinignan ang itsura ko.
"Kulay a-asul ang mata ko!"
Tumango siya at ngumiti ng matamis.
"Kagaya ng sa papa mo..."
***
Caspher's POV
"Caspher..."
"Caspher..."
Iminulat ko ang mga mata ko. Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa akin.
Hospital. Nasa Hospital ako.
Tinignan ko ang nasa tabi ko at tama nga ang hinala ko. Si Ate Cass.
"What do you want to have?"
Tila naglaway naman ako sa tanong ni Ate Cass.
Mahina ako ngayon kaya naman kailangan ko ng dugo.
"Blood." tipid kong sagot.
Ngumiti siya.
"Sige. Ikukuha kita. Siya nga pala, papunta dito si rhianne."
Ngumiti lang ako at lumabas na siya.
Napa-buntong hininga ako.
Ilang minuto pa makalipas ay bumukas ang pinto at pumasok si rhianne.
"Caspher.."
Dali-dali siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo. As usual hindi ako sanay sa kulay asul niyang mata at maputla niyang balat.
"Kamusta ka? Anong sabi ng doctor?"
Ngumiti ako.
"I'm fine. Hindi naman ako mamamatay right?"
Hinaplos ni rhianne ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampirA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.