Rhianne's POV"Baliw!" Singhal ko kay Caspher at hinampas siya. Tatawa-tawa naman siyang kumalas mula sa pagkakahawak niya sa bewang ko.
Fudge! Ang clingy masyado ni Caspher, nakakairita pero kinikilig ako! Ano ba 'tong nangyayari?
Naglakad na kami pabalik.
Pagkabalik namin sa pool area ay kumuha ako ng barbeque at beer pagkatapos umupo ako sa isa sa mga wood chairs do'n, naramdaman kong tumabi si Caspher sa akin na may dala ring beer.
"Sasama ka sa retreat natin sa Cavite?" Tanong niya.
Nagulat ako.
Shit, Nawala sa isip ko 'yon dahil parang angdami kong iniisip ngayon isa na do'n ang bampirang katabi ko ngayon.
"Baka hindi ako makasama. No budget para diyan."
Tumango siya.
Tumingin naman ako sa kaniya.
Hindi siya sa akin nakatingin kaya malaya kong natignan ang kakaiba niyang mga mata. Ang ganda lang kasi nung mga mata niya dahil golden-yellow ito, naiiba talaga sa mga bampira at syempre sa mga taong katulad ko.
Uminom ako ng beer.
"Bakit golden-yellow yang mata mo? Ah I mean, kakaiba 'yan para sa mga bampira dahil usually pula ang mata ng mga bampira right?"
Nagkibit balikat siya.
"I don't know either. Sabi nila ganito na daw talaga ako ng pinanganak ako. Siguro ganiyan lang talaga 'yan" Aniya at tumingin sa akin. Medyo nagulat pa nga ang bampira ng makitang nakatingin ako sa kaniya pero napalitan din ng nakakaloko niyang ngisi. Parang timang.
Umiwas ako ng tingin at uminom na lang ng beer.
Hindi na maganda ang kutob ko sa feelings ko... Feeling ko gusto ng utak at puso ko na mas mapalapit pa ako kay Caspher pero natatakot ako. Inuunahan ako ng takot at pride.
Pagkatapos namin magswimming ay pumunta kami sa cinema area.
Pati cinema room nila ay BONGGA!
Sa gitna syempre yung isang malaking flat screen. Tapos sa harap nito ay isang malaking lamesa na may food and drinks and syempre sa may likod yung malaking sofa.
Pinatay na ang ilaw at umupo na kami sa sofa.
Kumuha ako ng popcorn at syempre beer haha! Trip ko maglasing eh, pero ngayon lang 'no. Hindi naman palagi.
Nagsimula na ang movie at natawa ako dahil hotel transylvania ang movie. Hindi naman sa favorite ko to pero like ko rin naman siya eh haha! Cute kaya!
Nagsimula na ang movie. Ang cute ng movie dahil nakakatuwa si Dracula over protective siya kay Mavis. Super cute.
Masaya naman ang panonood namin dahil palagi kaming natatawa pero nagulat ako dahil NAGKAGUSTO SI MAVIS NA BAMPIRA KAY JONATHAN NA ISANG TAO.
Medyo natamaan ako do'n lels. Nakakatawa lang dahil natatamaan ako. Ewan siguro dahil may gusto narin ako sa bampira? Hindi ko lang sure.
Nagkibit balikat na lang ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko.
***
Gabi na.
Umulan ng sobrang lakas kaya naman nag-text ako kay kuya na bukas na lang ako uuwi. Pumayag naman siya dahil kasama ko naman si Anne.
Nag-order si Anne ng fries, coke floats, burger, peach mango pie at syempre sundae!
Nasa play room nila kami ngayon. Naglalaro ng video games si Anne at Caspher samantalang kumakain lang kami ni Ate Cass sa isang tabi. Nanonood sa kanila.
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampirosA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.