Chapter Nine

346 8 0
                                    

Rhianne's POV

"Grabe bunso! Ang sarap nitong dala mong cupcake!"

Napasimangot ako sa sinabi ni kuya.

Paano ba naman kasi? Sarap na sarap siya dun sa ginawang cupcake ni Caspher samantalang yung avocado shake ko hindi man lang niya tinikman.

Tampo na ako!

"Kainis ka!" Sabi ko at umakyat na lang sa taas.

Atleast dito makakapagreview pa ako hehe!

Inilabas ko na ang mga libro at notes ko para magbasa-basa muna. Kasi malay niyo! May mga pa-suprise na quiz or exam.

Nag-simula na akong magbasa-basa.

After ten minutes..

Gutom na akooo!

Mas masarap mag-review pag may snacks diba?

Tumingin ako sa orasan at  Elevem pm na pala.

Yay!

Tulog naman na siguro si kuya no?

Kaya naman kinuha ko ang jacket at wallet ko at lumabas ako. Tahimik na sa labas kaya naman nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng tahimik at lumabas na ako sa pinto.

Geez! Ang lamig ng simoy ng hangin!

Luminga linga ako sa paligid at nakita ko ang cafe nila Ate Cass.

Nice one!

Tumakbo ako papunta dun at nagulat ako dahil 'open' pa ito.

Pumasok ako sa loob.

Tahimik sa loob at wala ng customers pero.. bukas pa naman siya.

"Ate Cass?"

Nagulat ako dahil bumukas yung pinto sa kitchen area at lumabas ang isang babaeng nasa mid 30's na yata? Pero maganda siya pero feeling ko bampira to!

"Sinong hinahanap mo?" Tawag niya sa akin.

Ngumiti ako.

"Nandiyan po ba si Ate Cass?"

Napa-'oh' naman siya.

"Umalis siya saglit pero babalik din siya."

Ngumiti yung babae sa akin.

"Bakit? May gusto ka bang bilhin? Ililibre na kita.."

Nanlaki ng bonggang bongga ang mata ko!

"Ay hala! Wag na po, Nakakahiya po ng hard haha! Hindi naman po tayo mag kakilala---"

"I'm Fhil.. You can call me Auntie Fhil"

Napa-'ah' naman ako.

"Ah... A-Auntie Fhil?? Magkakilala po ba kayo ni Ate Cass?"

Tumango naman siya.

"Anak sila ng bestfriend ko.."

Nakangiti naman akong tumango.

"Halika, upo tayo?"

Umupo kami sa isa sa mga seats doon.

"Waiter! Two espresso and Two honey glaze donuts!"

"Yes, Ma'am Fhil."

Bumalik ang tingin niya sa akin.

"So ikaw... anong pangalan mo?"

Pilit akong ngumiti.

"Rhianne Josephine Buenavarta po.."

Parang nagulat si Auntie Fhil,

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon