Rhianne's POV
Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Caspher. Malapit na ang retreat pero hindi pa rin kami nagpapansinan, dahil dun sa alam niyo na yun kung bakit di kami nagpapansinan.
Hiyang-hiya ako dahil hello?! Ikaw ba naman maging proud dahil sa nangyari na yun, malamang mahihiya ka talaga. Ako nga gusto ko na bigla huwag pumasok. Nakakaloka!
Ayoko ng isipin.. lalo lang akong nahihiya at feeling ko wala na agad virginity ko. Ang OA diba.
Maraming ginagawa ngayon. Puro kami quizzes at seatworks kaya naman sabog talaga ako ngayon at Naiinis rin ako dahil simula nung mangyari yun sa amin hindi na kami nagpapansinan ni Caspher at sila na ni Anne ang close.
Pero medyo masaya ako dahil binigyan ako ni kuya ng pang-retreat!
"Kuya aalis na ako ah? Kain ka na lang diyan! May tuyo at itlog akong niluto dyan.. Bye bye na! Mala-late na ako!" Sigaw ko at lumapit na sa pinto.
Lalabas na sana ako ng marinig ko ang boses ni kuya at ang mga yabag pababa ng hagdan.
"Bunso! Wait lang!"
Lumapit siya sa akin at may inabot na sobre.
"Para saan 'to?"
Ngumiti si kuya.
"Hayy nako bunso! Wag kanang mahihiyang manghingi sa akin ng pera lalo na't para sa retreat niyo pa naman yan. May trabaho na ang kuya wag kang mag-alala." sabi ni kuya at ginulo ang buhok ko.
Kinuha ko ang sobre at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Hala naman, thank you kuya! Kaya love na love kita eh!"
Ngumisi si kuya sa akin at nagpaalam na ako sa kaniya
Ang swerte ko talaga dahil may kuya akong ganito ka maalalahanin!
Ayun makakasama na ako sa retreat!
Pero naiinis parin ako kay Caspher. Magsama sila ni Anne!
Katatapos lang ng history Class namin at tama kayo, puro seat work. Ililigpit ko na sana ang mga gamit ko ng lumapit si Anne.
"Hi Rhi! Tagal na nating hindi nakakakain ng magkasama.. Kain naman tayo? Keri?"
Nakita ko ang pesteng bampira sa likod niya. Peste magsama kayong dalawa!
"Nako hindi na, okay lang. May baon kasi ako eh.."
Pilit na ngumiti na lang si Anne at umalis na sila. Inilabas ko na ang baunan ko at kumain na lang.
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
WampiryA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.