Rhianne's POV
Bumusangot ako habang mahinang ikinakawag ang aking paa sa pool. Naka loose crop top lang ako at super short shorts. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong nakatitig sa akin si Caspher habang umiinom ng light drink at may kumakausap sa kaniya.
Bumuntong hininga ako.
Wala akong kawala sa kaniya, for pete's sake!
Sumimangot na lang ako at pinagpatuloy ko na lang ang paginom sa alak na hawak ko. Light lang ito dahil ayaw nga 'niya'.
Habang mahina kong ikinakawag ang paa ko ay lumapit sa akin si Anne.
"Ayaw mo ba mag swimming?" Tanong niya habang malumanay na lumalangoy sa tubig.
Pilit na ngumiti na lang ako.
"Okay lang.."
Ngumiti siya at lumangoy na pa palayo.
Ikinawag ko ulit ang aking mga paa pero nagulat ako dahil biglang may nagpatugtog at nagsayawan na ang mga tao. Gumiling giling ang mga babae at marami ang uminom pa ng uminom. Ilang beses ako nakarinig ng mga kalansingan ng mga baso at mga nagsisigawan ng 'cheers'.
Unti-unti ng nagiging wild ang party kaya naman tumalon na ako papuntang pool at ang malamig na tubig ang bumalot sa katawan ko.
You stick out of the crowd, baby, it's a no-brainer
It ain't that hard to choose
Him or me,be for real, baby, It's a no-brainer
You got your mind unlooseDinama ko ang malamig na tubig habang naririnig ko ang kanta at ang mga hiyawan ng mga tao.
Go hard and watch the sun rise
One night'll change your whole life
Off top, drop-top, baby it's a no-brainer
Put 'em up if you with meMaya maya ay umahon ako mula sa pool. Nakita ko si Caspher na nakaabang sa akin na may hawak na tuwalya at isang maliit na supot.
"Let's go. Baka lamigin ka na."
Tumango ako at kinuha ko ang puting tuwalya at ibinalot ko sa aking basang katawan. Sabay kaming pumasok sa loob ng mansyon at dumeretso sa kwarto niya.
Pagkapasok namin sa loob ng kwarto niya ay dumeretso ako sa loob ng c.r
"Magbanlaw kana. I get you clothes."
Tumango ako at pumasok sa loob ng banyo. Nagsimula na akong mag banlaw at mabilis naman akong natapos dahil nga gabi na at baka magkasakit pa ako.
Pagkalabas ko ay nakita ko ang damit sa ibabaw ng lamesa kaya naman kinuha ko iyon pero hindi ko nakita si Caspher.
Pumasok na ako sa loob ulit ng banyo at habang nagsusuot ako ng damit ay biglang namatay ang ilaw.
Oh shiz!
Mabilis akong nagsuot ng damit at lumabas. Nagulat ako dahil buong mansyon walang ilaw!
Lumabas ako ng kwarto at naririnig ko ang mumunting reklamo ng mga tao. Pababa na ako ng makarinig ako ng sigaw.
"Ahhh!"
Natigil ako dahil kakaiba ang narinig kong sigaw! Para itong nahihirapan at may mumunting iyak ngang kasama.
Nagkagulo na sa mansyon kaya nagmadali akong bumaba. Saktong pagbukas ng ilaw ay nakita ko ang aking nasa harap.
Napaupo ako sa malamig na sahig ng makita ko ang isang babae na wala ng braso at iyak ng iyak. Namumutla na ang babae dahil andami na ng dugong nawala sa kaniya.
Lumipad ang tingin ko sa maindoor ng mansyon at laking gulat ko ng makita ko si Gemii. Naka light orange na bestida ito at high heels. Magulo na ang kaniyang buhok at matalim ang titig niya sa akin. Nagulat ako ng tumalikod siya at nagmadaling tumakbo.
Tumakbo ako upang sundan siya pero nasa maindoor pa lang ako ay napigilan na ako ni Caspher.
"Don't."
Sinamaan ko ng tingin si Caspher.
"Tabi Caspher! Kailangan ko siyang makausap! Feeling ko nakita niya kung sino yung may gawa non sa babae!"
Hindi siya sumagot at hinila niya lang ako pabalik sa kaniyang kwarto.
"Please wag ka munang baba. Stay here, aasikasuhin ko lang ang mga bisita, i love you." Yun lang ang kanyang sinabi at mabilis na idinampi niya ang kaniyang labi sa aking noo bago mabilis na pumunta ulit sa baba.
Pumasok ako sa loob ng kwarto na malalim ang isip.
Ano bang nangyayari? Bakit parang wala na akong maintindihan?
***
2:00 AM
Nagising ako dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Bumangon ako at tumingin sa orasan.
Alas dos ng madaling araw.
Alam kong dahil sa nangyari kagabi ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ng maayos.
Hina-hunting ako nito sa panaginip.
Tumingin ako kay Caspher na mahimbing ang tulog. Stress na stress siya kagabi dahil maraming bisita ang takot at galit at the same time.
Tumayo ako dahil nakaramdam ako ng uhaw.
Bumaba ako at dumeretso sa kusina at kumuha ng tubig at uminom.
Nang ma-satisfy ang lalamunan ko ay aakyat na sana ako ngunit may mumunting katok na nanggagaling sa main door.
Sino kaya 'yon? Alas dos ng madaling araw talaga?
Pumunta ako sa may maindoor at binuksan iyon. Nagulat ako dahil wala namang tao!
Lumabas ako at luminga linga sa paligid.
Sino kaya yung kumatok kanina?
Pagkatalikod ko ay nakita ko ang isang bulto ng tao!
Umawang ang bibig ko ng makita ang pulang mata nito!
Naka-all black siya at tanging mata niya lang ang hindi natatakpan.
Shiz bampira!
Isinara niya ang pinto at napa-atras ako.
Natatakot na ako!
Nanginginig ako habang nakatitig siya sa akin. Caspher tulungan mo'ko..
Napatili ako ng tumalon siya at sinakal ako! Dinala niya ako sa likod ng mansyon, sakal sakal niya parin ako.
"T-Tulong..."
Kinakapos na ako sa paghinga dahil sa pagkakasakal niya. Tinanggal niya ang pagkakasakal sa akin at malakas na sinampal ako.
Napaupo ako.
Halos maiyak ako sa takot ng lumapit siya sa akin at tadyakan ang mga paa ko.
A-Aray..
Mahigpit niyang hinawakan ang panga ko at inilapit niya ang mukha ko sa mukha niya.
Mas nakita ko tuloy ang kaniyang pulang mga mata. Puno ng galit.
"Mamatay kana."
Yan ang sinabi niya at sinampal na naman ako. Napaiyak ako sa sobrang sakit ng ginagawa niya sa akin.
Bakit niya ba ito ginagawa sa akin?
Mangiyak ngiyak ako ng kinuha na naman niya ang panga ko at inilapit niya sa kaniyang mukha.
"Itanong mo sa nobyo mo kung sino si 'Fleenimarie Gray' Wag mo siyang titigilan hangga't sa hindi ka niya sinasagot.. Babalikan kita kapag hindi mo 'yan ginawa, Tandaan mo 'yan."
Yun lang ang sinabi niya at mabilis syang naglaho. Nasapo ko na lang ang bibig ko at umiyak ng umiyak. Takot na takot ako at ansakit sakit na ng buong katawan ko.
Narinig ko ang madiding hakbang ni Caspher sa akin. Pagkakita niya sa akin ay agad niya akong dinaluhan.
Kahit nanginginig ang aking labi ay pinilit ko magsalita.
"C-Caspher p-please tapatin mo ako.."
Lumunok muna ako. Kahit sobrang sakit na ng katawan ko ay pinilit ko pa ring magsalita.
"S-Sino si F-Fleenimarie G-Gray?"
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampireA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.