Chapter One

657 17 1
                                    

Rhianne's POV

"So, students hanggang dito na lang tayo dahil time na, you can take your break!" Sigaw ng aming professor.

Hayy! Salamat at makaka-kain na din! Yay!

Niligpit ko na ang mga gamit ko na nakakalat sa table at inilagay ko sa bag. Ang kalat ko talaga kahit kailan tsk.

"Anne!" tawag ko kay Anne ng matapos ako sa pagligpit ng aking mga gamit. Dali-dali naman siyang lumapit sa akin.

"Tara, bilis!" Aya niya sa akin kaagad.

Kumunot naman ang noo ko.

"Anong problema mo at nagmamadali ka ha?" Tanong ko sa kaniya. Kakastart pa lang kasi ng break as if naman malelate agad kami.

Kinagat niya ang ibabang labi niya at sumulyap sa dulong bahagi ng classroom namin.

Kaya naman pala..

"Sorry Rhianne crush na crush ko kasi talaga siya, e!" Bulong niya sa akin.

Bumuntong hininga na lang ako.

"Sige na, tara.."

Impit na tumili naman siya.

"Sundan natin?" Tanong ni Anne.

Tumango na lang ako.

Kaya ayun, sinundan na namin si Caspher.

Yes! Tama kayo! Si Caspher lang naman yung lalaking transferee, at crush na crush ni Anne at halos lahat ng babae dito sa university at siya rin yung lalaking may kakaiba at magagandang mata.

"Hala rhianne! Nawala si Caspher sa paningin ko! Paano na 'yan?!" Naiinis niyang sambit habang palinga-linga sa paligid. Nagugutom na ako!

Hinila ko na ang kamay niya.

"Hayaan mo na yung lalaking 'yon! Nagugutom na ako!"

Nag-pout siya sa akin pero wala parin 'yong nagawa dahil tuluyan ko na siyang hinila papunta sa mahabang pila.

Nang makabili kami ng snacks ay umupo na kami sa mga vacant chairs at nagsimulang kumain.

"Hayy ang pogi pogi talaga ni Caspher! Shit! Ang ganda ng mga mata niyaaa!" Sabi ni Anne at nilaro laro niya ang pasta niya.

Nagkibit-balikat ako at kumagat sa burger ko.

"Tama ka.. Ang ganda ng mata niya.. hindi kaya--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita na agad si Anne.

"Tumigil ka nga Rhianne! Sasabihin mo na naman na pwedeng bampira o multo si Caspher hayy!"

Mahina akong tumawa.

"Kumain ka na nga lang!"

***

Natapos ng maayos ang klase, as in maayos! bakit? wala kasing assignments yay!

Niligpit ko na ang mga gamit ko at nagpaalam na ako kay Anne.

"Bye Anne! Bukas ulit.."

Ngumiti ng matamis si Anne.

"Sure, bye Rhianne!"

Kumaway lang ako ng ilang saglit at naglakad na ako.

Sa totoo lang para akong baliw. Magbabasa-basa ako ng mga nakakatakot at ito ako ngayon takot na takot. Umiling ako at sinimulan ko ng maglakad ng mabilis.

Bakit kasi ang dilim?! Kainis naman oh!

Bigla kong naalala ang binabasa kong vampire genre books.

Shit! Shit! Shit!

Lakad-takbo na ang ginagawa ko ngayon dahil takot na talaga ako. Wala e duwag pero nagbabasa ng mga nakakatakot oh saan ka pa?!

Konting lakad na lang Rhianne! Konti na lang!

Napahinto ako ng may marinig akong kaluskos.

Ano 'yon?

"Sino 'yan?!" Tawag ko pero walang sumasagot kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pero--

"Ibigay mo sa akin 'yang bag mo miss."

Nanlaki ang mga mata ko at napahinto ako.

"Miss ibigay mo na 'yang bag mo kung ayaw mo pang mamatay... may dala akong baril dito."

Kinilabutan ako ng makita kong meron talaga siyang dalang baril!

"Akin na sabi yang bag mo!"  At pilit niyang kinukuha ang bag ko!

Wag kang iiyak rhianne.. Wag kang iiyak!

Hinila ko ng malakas ang bag ko at tumakbo ako ng mabilis!

Tumakbo ako ng mabilis ngunit naabutan niya parin ako.

"P-Please wag p-po m-maawa po kayo sa a-akin..." umiiyak kong pakiusap.

Ngumisi siya sa akin at kinilabutan ako at napaatras.

"Ang kulit mo miss.. Kung hindi ka na sana tumakbo edi sana buhay ka pa?"

Napapikit ako ng itinutok niya ang baril sa sentido ko.

Tulong.. Tulungan niyo ako.. Maawa kayo sa akin...

Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari sa isang iglap ay tumalsik ako sa kalsada at naramdaman ko ang malamig na sahig.

T-Tulong...

"AHHH!"

Lumingon ako sa harapan ko at nakita ko ang lalaki na walang buhay at butas ang dibdib na tuloy tuloy ang pag agos ng dugo mula ro'n.

Nahihilo na ako at nanginginig dahil siguro sa pagkabagsak kaya hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko.

Umangat ang tingin ko sa kung sinong nilalang ang may hawak sa lalaki at tila nasa isa akong masamang panaginip.

Nanginginig ako sa takot.  Nahihirapan rin akong huminga. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko..

Tuluyan na akong napahagulgol ng makita ko ng maayos ang kung sino man ang nagligtas sa akin at nasa harapan ko.

Nanginginig ako.

Kinakapos ako ng hininga..

Para akong nawalan ng lakas.

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit,

Bakit ikaw,

"C-Caspher.."

His Yellow GazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon