*~Chapter 1~*

66 0 0
                                    

~Heyshell POV~

"Si Rose? Yung uto-utong babaeng yun? Alam nyo bang masyado syang manhid, di manlang nya napansin na plina-plastik lang namen sya." Napiling na sabi ni Angelic na nakasakit sa puso ko.

"Bakit nyo ba sya plina-plastik? Mukha namang walang ginagawang mali si Rose ah." Sabi ng isa nameng kaklase na kasama nila.

" Two reasons. First matalino sya mapa-pakinabangan namen sya pag may exam tayo sa mga major subjects natin. Second mayaman sya pangatlo sila pinakamayaman na pamilya sa mundo naten." Sabi naman Rika.

Bwiset, nakakainis! Ang tanga ko..... Ang manhid ko masyado para di mapansin na PLINASTIK lang pala ako  ng mga itinuring kong kaybigan.

Nakakainis kase hinayaan ko lang na gamitin nila ako para sa pang sarili nila.

"Uto-uto talaga."

"Tsk manhid masyado."

Ang sakit ayoko na.

"Tanga-tanga."

"B*bo."

"Ayoko na..."

"TAMA NA!!" Napa bangon ako ng wala sa oras dahil napanaginipan ko nanaman ang nakaraan.

Tumayo ako at pumunta sa CR para magayos na.

Hayss!! Today is my first day of being A grade 9 student at Dream University. So oras na para mag pakilala ako.  Ako si Heyshell Rose Speranza.

May dalawa akong kapatid sa Dream University din sila nag a-aral, 2nd year collage na si Jherico panganay samen at si Hannie na bunso, grade 3 naman sya ngayong pasukan.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako para mag-agahan.

"Good morning!" Masiglang bati ko kayla Mama at Papa.

"Good morning Rose." Nakangiting bati saken ni Papa na nakaupo at nginitian lang ako ni Mama na nag luluto. Umupo na ako sa upuan katapat ni Papa.

"Good morning Hannie!" Bati ko sa bunso namin na tinignan lang ako at bumalik sa pag lalaro nya nang lego.

"Sungit mo ah."

Maya maya lang ay hinain na nimama yung agahan at sakto naman bumaba na si kuya Jher.

"Good morning Ma, Pa." Bati nya kayla Mama tapos ay tumingin saken nang na kakairita.

"HEY! Good morning too." Bati nya at diniinan pa talaga ang pag kakasabi nya ng HEY ah.

"Yung totoo alin mas lamang? Pang aasar o pagbati?" Inis na tanong ko kay kuya Jher.

"Ahh pang aasar hehehe." Sagot nya at tumawa ng nakakainis.

"Mama kilala mo ba si Alice?" Tanong ko kay Mama at nginitian si kuya Jher ng nakakaloka.

"Yung childhood friend ni Jher oo bakit?" Tanong ni Mama sabay kain ng pancake.

"Rose!"

"Bakit?!" Tanong ko sakan nya.

"Dalian mo na kumain! Excited na ako pumasok sa school!" Sabi ni kuya.

Dream UniversityWhere stories live. Discover now