*~Chapter 12~*

6 0 0
                                    

~Hannie's POV~

"BABY HAN!!"

here we go again.

"Ano yun?"

"Bakit ba ang sungit mo?!" Kumapit sya sa left na braso ko nginitian ako.

Bakit ba laging naka ngiti to? Di ba na ngangawit panga nya kaka ngiti?

"Di ako masungit." Simpleng sagot ko habang naka sunod parin sa mga kaklase kong sumusunod sa isang Highschool.

"Inaaway mo nga ako tapos inaasar eh."

"Away yun di naman doon malalaman kung masungit ako o hindi." Sabi ko.

"Oh! Tignan mo sinusungitan mo nanaman ako." Sumimangit sya at tumingin sa dinadaanan namen.

Tumugil ako sa pag lalakad pati sya ay napatigil dahil naka kapit sa braso ko.

"Di nga ako masungit kulit naman."

"Ano ginagawa mo ngayon? Diba nag susungit!"

"Di nga ako nag susungit ngumingiti nga ako oh!" Ngumiti ako sa harap nya at sumimangot ule.

"Oy! Ala ang cute mo pag ka naka smile isa pa nga!!"

"No."

"Please!!" Kinukulit kulit nya ako na ngumiti ule pero di ako pumapayag.

"Please na ka-" di natuloy sasabihin ni Sherlie ng may mag bato ng itlog sa kanya.

"Ay sorry sadya." Tumawa yung tatlong lalake na nag bato kay Sherlie non.

Binato ule nila si Sherlie ng ganon at inaasar na panget daw sya di daw sya maganda, pabibo, pasikat tapos nag tra-trabaho daw sya sa jollibee isang dakilang pabida.

Naiyak nalang si Sherlie at tumakbo palayo.

Lumapit ako sa mga nang aaway sakan nya at kinausap sila.

In another therm inaway.

"Oy! Bakit nyo ba inaaway si Sherlie!!"

"Pangit kasi sya!" Sigaw ng isang lalake.

Pangit daw! Ang ganda kaya ni sherlie sya pangalawang babae na nagagandahan ako eh!

Si Mama tyaka sya! Di na kasama si ate di naman maganda yun eh.

"Anong pangit?! Mas maganda pa nga sya kesa sa ate ko eh! Tapos maka sabi kayo ng panget, pogi ba kayo?"

"Pabida kasi yan kay sir eh!"

Pabida daw sila nga tong papansin kay sir!

"Di sya pabida sadyang di nyo lang alam yung sagot tapos sya alam nya!"

"At isa pa pala tigilan nyo si Sherlie kase sa susunod lilipad kayo papuntang saturn!" Nag lakad na ako paalis sakanila.

Bumalik ako sa dorm namen nila kuya para kumuha ng isang pares ng Uniform ko.

Di kase ako puwede pumunta sa kuwarto nila lalo na walang pahintulot kaya uniform ko nalang yung ipapaheram ko.

Bumalik na ako sa ground kung saan maraming rides at mga booth.

Naalala ko nung malapit kame sa photo booth tumakbo sya papunta sa Haunted house.

Tumingin ako sa orasan ko at tumingala.

Madilim na din tapos 5:50 na kaya kaylangan ko ng hanapin si Sherlie malapit na mag 6 kaya malapit na din mag sarado yung mga booth.

Yung haunted house na toh alam ko may twist daw sila.

Dream UniversityWhere stories live. Discover now