House war
Day 1
~ Jherico's POV ~
Naging maayos ang lahat at wala namang naging problema ngayon susugod na kame sa Scorpio mansion dahil House War na. Kameng mga Collage student naka tago lang sa mga puno puno at hinihintay ang Signal. Papalapit na yung Grade 8 at yung grade 9 naman papunta na din sa likod ng House ng kalaban.
"LABANNN!!!!" ayun na nga yung signal.
Sabay sabay naming tinaas ang kamay namin sa itaas at gumawa ng sarili naming Ulan doon sa House lang ng kalaban.
Habang naka taas ang kamay ko nararamdaman ko ang malamig na bagay sa katawan ko at pinalalabas ko sa kamay ko at nagi-ging water ball pinapalaki ko sya ng pinapalaki hanggang sa sobrang laki na non kaya pinapunta ko doon yung water ball sa taas ng house at sumunod naman yung iba nag sama sama na yung water ball namin kaya naman kung i-isipin nyo puwede na maging tsunami yun. Onti onti naming pinapakawalan yun kaya yung dating umuulan ng malakas sa lugar nila habang nag lalaban laban.
"Pasok na sa loob." Sabi ko sa mga grade 10. Mabilis naman na nag travel sila papunta sa loob tapos may mga sampung collage student ang sumunod para mag back up.
"Oyy nasaan ka?!" Tanong ni Ella. Well meron kasi kameng ginawang water spell na kaya namin makipag usap para pag dating ng war makapag utos at plano kame.
"Nasa puso nya! Wag mo ng expect sa puso mo taken na ako at loyal sakan nya."
"TANGA MAY ATAKENG PAPARATING ATA SAINYO!" Lumingon ako sa paligid at meron ngang malaking bolang apoy ang papalapit sa gawi namin.
Bumitaw muna ako sa pagagawa ng ulan namin at pinigilan ang apoy na papalapit.
Gumawa ako ng sword at sinubukang hatiin sa dalawa ang apoy na paparating. Pero imbis na yung apoy yung mahati yung spada ko pa yung nahati, higit sa dalawa pa nga!
Nag palabas ako ng water spikes tapos ginawang yelo yun sabay patama sa Apoy pero wala di sya ordenaryong apos nalusaw lang yung Yelo ko eh!
Kinulong ko yung apoy sa water barrier ko at pinaliit ng pinaliit yung barrier hanggang sa sobrang pipit na sumabog na sya.
Lumipad ako at pumunta sa gitna nag palabas ako ng Madaming Water ball, inikot ko yung kamay ko at sumunod naman sa pag ikot yung mga Water balls pero pa baba.
Adaming natamaan at madami ring natamaan nakuntento naman na ako doon at nag tago nalang ule sa mga puno at pinag patuloy ang paggawa ng ulan.Hayyss sana manalo naman kame dito.
Kung iisipin natin may oras yung War kase lagi sya mag sisimula ng 3 ng madaling araw tapos matatapos ng 9 ng gabe, at sa sobrang abala namin sa pakikipag laban di manlang namin namalayan na 8 na malapit na matapos yung War.
~ Third persons POV ~
Habang abala ang iba sa harap ng Scorpio mansion nag lalaban tumungo naman tayo sa likod na nag lalaban din.
Abala ang lahat sa pakikipag laban habang ang dalawa naman ay nag tititigan lang at pinakakiramdaman kung sino ang unang aatake.
"Naduduwag ka na ba Wazer? Bakit di ka parin umaatake ha?" Tanong ng dalagang si Kriza.
"Hinintay kitang umatake sabi nga nila Ladies first." Cold pero kalmadong sagot nga kalaban ng dalaga na si Wazer.

YOU ARE READING
Dream University
FantasyAng muling pag bubukas ng panibagong propesiya ay syang pagka panganak ng dalawang sanggol, sa sabay na Taon, Araw, at oras. Magiging matalik na magkaybigan ang dalawa. Ngunit dadating ang panahon na isa sakanila ay sasakupin ng kasamaan at kadilima...