~Heyshell's POV~
First place on slogan making,
Champion on our Dance.HAHAHAH NAYS NAMAN GALING NAMEN!!
Pero si kuya talaga eh ang tagal!
"Oyy! KUYA JHER!!! ANO BA?!! ANG TAGAL MO MALALATE NA TAYO!" tumingin si kuya sa salamin ng huling beses at sinuklay yung buhok nyang tuyo.
Okey paliwanag ko lang bakit late na kame.
Una ang talag maligo ni kuya tapos na kameng dalawa ni Hannie sya di parin.
Pangalawa nag blower pa sya ng buhok nya.
Pangatlo tinitigan nya pa yung mukha nyang nakasuot ng salamin na pangporma sa salamin ng sobrang tagal.
"Tara na."
Naglakad na kame para ihatid si Hannie at kung minamalas ka nga naman nakita namen si Wazer at si Zoe may kasama pa sila eh bata.
Si Sherlie!! Pero bat kasama naman nya yung dalawang yun?
"SHERLIEE!!" Lumingon silang tatlo salikod at kinawayan ko naman.
"Ate Rose! Kuya Jher!!" Lumapit samen si Sherlie at niyakap kame ni Kuya.
"HI BABY HAN!!!"
"ikaw nanaman? Sinusundan mo ba kame?" Inis na sabi ni Wazer at ginulo pa buhok nya.
"FYI ihahatid ko lang kapatid ko sa Classroom nila ni Sherlie ikaw bat nyo kasama si Sherlie!"
"Ihahatid din namin sya Rose. Kapatid kase ni Wazer si Sherlie eh. Pareho silang Avalon."
Ay oo nga no Wazer Avalon sya tapos Sherlie Avalon. Kaya pala pamilyar yung last name nya ehh.
"Ate lets go ang ingay nya." Hinila na nya ako hanggang sa makarating kame ng room nila.
"Bye na Hannie!" Kumaway nalang sya at pumasok na sila sa loob.
Ay ngayon ko lang napansin ah magkatabi pala si Hannie tyaka Sherlie HAHAHA Good luck nalang minamahal kong kapatid.
"Rose! Sabay na kame sainyo papuntang classroom may gusto rin akong itanong sayo eh!"
Nag simula na kameng mag lakad at nag simula na ring mag tanong tong si Zoe.
"Ano full name mo Rose? Di kase ako nakinig nung nag pakilala eh."
"Heyshell Rose Speranza ito namang kasama ko, sya si Jherico Speranza panganay sameng mag kakapatid."
"Ahh ehh ito naman seryosong tanong."
"Paliwanag mo nga saan ka nggaling nung nawala ka? I mean na nawala ka last week. " Sabi nya.
Okey here we go again.
Kwinento ko sakanila nangyare simula nung pumunta ako sa garden, may tumawag sakeng binibini yung pinatulog ako, pati na yung pagtawag ko sa pet ko at pag gising sa clinic.
"Tsk tsk yan kase so lesson learn wag maging marupok. HAHHAA." natatawang sabi ni Zoe.
"Ehh wala eh ang gwapo kase ng boses eh and infairness pag kakatanda ko itsura ng lalake gwapo!! Kyaa!!" Sabay na tili namen ni Zoe nag apir pa nga eh.
"Di nga? Ano itsura?"
"Di ko matandaan eh basta gwapo HAHAHA!!"
"ARAY!/PUTEK!" Sabay na sabi namin ni Zoe. Eh!! Pano ba naman sabay kameng binatukan ni Kuya at ni Wazer.
"Nag titilian kayo jan di nyo naman nakita ng maayos isang glance lang gwapo na agad?" Sabi ni kuya.
"Kaya nga. baka nga mas gwapo pa kame jan eh." Nauna nang maglakad yung dalawa at mukhang may pinag uusapan nadin.
YOU ARE READING
Dream University
FantasíaAng muling pag bubukas ng panibagong propesiya ay syang pagka panganak ng dalawang sanggol, sa sabay na Taon, Araw, at oras. Magiging matalik na magkaybigan ang dalawa. Ngunit dadating ang panahon na isa sakanila ay sasakupin ng kasamaan at kadilima...