*~Chapter 14~*

10 0 0
                                    

~Heyshell's POV~

Nasa rooftop ako ng school namin ngayon. Pinag mamasdan ang tahimik at malawak na skuwelahan.

Katatapos lang ng ulan kaninang umaga kaya umakyat ako dito kase alam kong maganda yung view nyan. At para narin makalayo ako sa mga kasama ko. And PDA din kase minsan eh.

Tinignan ko yung phone ko kung anong oras na at oras na para pumasok kahit medyo maaga pa.

Naka upo ako sa edge ng rooftop tapos tumayo. Kaso sa di inaasahang pangyayare nadulas ako at muntik na nalaglag sa taas, buti nalang may tubig na nakasalo saken.

Lumapag ako sa building at nakita ko na si kuya pala ang sumalo saken doon.

"Anong ginagawa mo?! Balak mo bang mag pakamatay?!"

"Hindi nadulas kase ako!"

"Bakit ba naman kase nandoon ka naka upo di mo ba alam na mapapahamak ka nyan?!"

"Gusto ko kase doon tyaka di ko naman inaakala na ma dudulas ako doon eh!"

"Mag isip ka naman Rose mamatay ka nyan sa ginagawa mo eh!"

"Sasaluhin ko naman sarili ko!"

"Sasaluhin? Bakit kanina di mo agad nasalo sarili mo? Pano kung di mo agad nagamit kapangyarihan mo? Tapos bumaksak ka na! Ano ba naman yan Rose wag tatanga tanga! Mag isip ka ng mga maaring mangyari mapapahamak ka nyan eh!"

Yung boses ni kuya nakakatakot tapos ang lakas, kaya maiyak iyak na ako habang kinakusap sya.

"Di ko nga sinasadya!" Pinunasan ko yung luhang pumatak sa pisngi ko.

"Alam kong di mo sinasadya ang sinasabi ko lang mag ingat ka kase nga ma papahamak ka sa ginagawa mo!"

Umalis na ako sa rooftop kase di ko talaga kaya presence ni Kuya kinikilabutan at natatakot ako.

Pumunta nalang ako sa garden at umupo sa favorite spot ko.

pinapakal ko yung sarili ko at huminahon tapos tumigil nadin sa pag iyak.

"Aray!" May tumama sa braso ko na bagay na matalim kaya nasugatan ako.

Tumalikod ako sa likod ko para tigann kung sino yun.

Isang babae na black buhok, naka braid na pa pigtail. Tapos naka make up pa sya pero mga dark colors. At Naka cloak na itim.

"Sino ka?!"

"Your nightmare.." ngumisi sya ng nakakakilabot at sinumulan akong atakihin ng mga apoy.

Gumawa sya ng isang malaking bow and arrow tapos nag clone sya ng sarili nya palibot saken at aabay sabay yun binitawan.

Nahilagan ko naman lahat yun tapos kinalaban yung babae. Nakakainis lang kase kada atake ko nakakaiwas sya tapos biglangvaatake saken ng di ko napapansin. Kaya madami na din sugat ko at ng hihina na.

"Lets end this. wait, I mean lets end your life." Tumawa sya ng nakakaloko at gumawa sya ng isang apoy na lubid tapos pinulupot saken kaya nahihirapan na akong gumalaw.

Okey di ako papayag na mamatay.

Gumawa ako ng tana sa likod ng babae at pinakawalan ito.

Tumama yun sa balikat nya at bumaon kaya naman nakawala ako. Gumawa ako ng dagger at papatamain na dapat sakan nya pero tumusok lang yun sa kamay nya nung pinigulan nya ako.

"Urghh!! Babalik ako tandaan mo yan!" Naglaho nalang sya bigla at nag iwan ng salat.

Kinuha ko yun at binasa.

Dream UniversityWhere stories live. Discover now