*~Chapter 44~*

4 0 0
                                    

~3rd persons POV~

Habang nag papahinga at natutulog ang dalagang si Rose meron itong napapaniginipan tungkol sa nakaraan na mulung mauulit sa ibang paraan.

May dalawang dalagang mag kaibigan. Magkasama at hindi mapag hiwalay. Parehong maganda, mahaba ang buhok, maputi at matibay na pag kakaibigan. Maraming humahanga sa kanila dahil sa tibay ng pag sasama. Dahil mahigit sampung taon na silang magkaibigan.

Madaming nag sasabi na maganda ang samahan ng dalawa, dahil na din sa mabait nila na ugali.

Doon sila nag kakamali.
Maganda nga ang Samahan, ngunit habang tumatagal, may selos, inggit at galit na nabubuo sa puso ng isa.

Selos dahil mas madaming humahanga sa kaibigan nya, inggit dahil mas madaming nag kakagusto sa kanya, at galit dahil ang taong minamahal nya ay may gusto sa kaibigan nya.

Dahil sa sobrang sama ng loob nya, pinapunta nya ang kaibigan nya sa isang lumang bahay, inutusan nya itong kunin ang isang bagay.

"Behs favor naman, yung jade necklace ko naiwan ko sa isang lumang bahay doon sa west puwedeng kunin mo? May kailangan pa kasi akong puntahan, kung kukunin ko muna yung necklace ko baka di na ako maka abot importante kasi yun eh, please behs."

"Sure basta behs after ng pupuntahan mo na yan tapos pag nabigay ko na sayo necklace mo libre mo ako ah."

"Sure, sige una na ako ha kailangan ko ng umalis baka malate ako bye!"

Hindi alam ng kaibigan nya na may panganib na nag hihintay sakan nya doon sa lumang bahay ng west.

"Hmm nakakapag taka naman bakit pupunta si Behs sa ganong lugar? Oh well bahala na."

Kahit di alam ng dalaga ang dahilan ay patuloy padin sya sa pag punta doon para makuha ang necklace ng kaibigan nya.

Ng makarating ang dalaga sa lumang bahay na sinabi ng kaibigan pinasok nya agad ito at hinanap ang sinasabing kwintas.

Nag hanap sya sa unang palapag, sa pangalawa at hanggang sa makarating sa ika apat na palapag, doon nya lang nakita ang hinahanap nya, sa isang kuwarto banda sa dulo ng hallway nya nakita iyon.

May isang lamesa sa gilid, lumana pero may mga gamit oarin na nakapatong.

"Ano bayan sana naman nandito na yun... Aha! Eto sya!"

Nakita ng dalaga sa isang box at maayos na nakalagay doon.

"Pero bakit ganon? Kung naiwan nya bakit nasa loob ng box? At maayos pa pag kakala- Kyaa!"

Napa tili ang dalaga dahil sa may biglang pumasok sa kuwarto at sinugod sya.

Umatras ang dalaga at kasabay non ang pag laglag ng kwintas na hawak nya.

"Sino ka? Alam mo ba ang kabayaran sa paga sira mo sa jade necklace?!"

Sabi ng isang malaking halimaw na ngayon ay tinututukan ang dalaga ng patalim.

"Paumanhin po yung kaibigan ko po kasi sabi nya naiwan nya daw o yung kwintas nya yun po yung jade necklace na sinasabi nyo."

"Kung sino man ang kaibigan mo nayan isa syang sinungaling, karamihan ng nakaka alam ng tungkol sa jade Necklace alam na kung sino man ang kumuha nito ay makukulong dito sa mansion na to, higit pa sa sampung taon. At ikaw masmalala pa ang ginawa mo, nasira mo ang Jade necklace."

"Ano po ba meron sa jade necklace at ganon ka importante?"

"Ang jade necklace ang nag sisilbing proteksyon ng mansion na to, at yan nalang din ang natitirang bagay na iniwan ng amo ko saakin bukod sa lumang mansion na to. Dahil sa ginawa mo kamatayan ang kapalit."

Itinaas ng halimaw ang patalim nya at papatayin na ang dalaga, ngunit biglang nabasag ang patalim at kasabay non ang pag litaw ng isang liwanag sa pagitan ng dalaga at halimaw.

"Mr. B-

~Heyshell's POV~

"HEYSHELL ROSE ANAK! MABUTI NAMAN LIGTAS AT BUHAY KANG NAKABALIK! WE ARE SO WORRIED ABOUT YOU!" Nagising ako dahil sa sigaw ni Mama at dahil di na rin ako makahinga sa sobrang Higpit ng yakap nya.

"Mama di ako makahinga."
Bumitaw naman agad si Mama at nyumiti sakin.

"Ok ka na ba Rose? Wala naman masakit sayo? Walang bali ng buto, walang kulang na daliri, kamay, paa, yung organs mo kumpleto pa naman diba?"

"Mama oa mo di nila gagawin yun sakin lalo na isa ako sa nasa propesiya." Sabi ko at umupo ng maayos sa kama ko.

"May na aalala ka na ba sa isang parte ng nakaraan mo Rose?" Tanong ni Papa.

"Opo, pinaalala o binalik na ni King tyaka ni Tender sakin."

"Pero seryoso  na ako Rose ayos kalang ba? Wala namang masamang ngyari sa sa loob ng Dark city?"

"Mama ayos lang ako, kita mo wala naman akong sugat diba? Ako na nag sasabi ayos Lang po ako."

"Buti naman, nag alala talaga kami Rose ang tagal mong nawala mahigit isang buwan din." Sabi ni Mama at niyakap ako.

"By the way Rose may sasabihin kami." Napatingin ako kay papa dahil ang seryoso ng boses nya.

"Lilipat na kayo ng mga kapatid mo ng School. Pumayag na din sila."

"Ano po?! Pa ayaw ko gusto ko dito."

"Rose tumigil ka nga, isipin mo ilang beses ka ng napapahamak sa loob ng University na to mahihit 3 beses na, di na ako makakapayag na mag aral ka pa dito."

"Pero papa sa tingin ko natural lang naman na may panganib na laging nakasunod sakin kasi ako yung nasa propesiya diba?"

"Mas mahalaga padin ang kaligtasan mo, Rose sumunod ka nalang saamin para din to sa kaligtasan mo."

"Pero pa kaya ko na sarili ko tyaka pa may mga kailangan pa akong gawin sa school na to."

"Rose lilipat ka sa ayaw at sa gusto mo. At baka nakakalimutan mo na Kidnap ka na dahil sa lack of security nila."

"Pero papa, nakatakas ako non after, pero napag isipan namin ni Angelic na bumalik sa loob ng Dark city para mapag aralan yung paraan ng pag tr-training nila at mga bagay na kailangan pa natin malaman, kasi Pa nakita ko sila napaka walang laban natin kumpara sakanila. Kaya kami mismo ang pumunta doon."

Natahimik lang si papa at dahil gusto ko malaman iniisip nya binasa ko na.

"Kasama pala si Angelic ah. Ok then."

"Sige how about we make a deal. Mag lalaban tayo, ako at ng mama mo mag kakampi at kayong dalawa ni Angelic, ipakita nyo mga natutunan nyo doon, pag natalo nyo kami papayagan ko kayong mag stay dito, pero pag natalo ko kayo, may second chance kayo, yun ay mamimili kayo ng dalawang tuturuan nyo ng pakikipag laban. Tapos kakalabanin namin, pag natalo din sila, alam mo na mangyayari Rose."

"Kailan yung laban?"

"Bibigyan namin kayo ng 2 weeks para mag handa." Sabi ni Mama at tumango nalang si Papa.

Kinakabahan ako, mamaya kasi bigla kaming matalo wala na good bye Dream University na. Hayss its now or never.

"Sige po."

Good luck to us Angelic, good luck.

~*~

To be continued...

Dream UniversityWhere stories live. Discover now